An Aso O

19 1 0
                                    

An Aso O
By:JonMakuDesu

Nagsulat ako ng dalawang letra sa papel
Tapos sinamahan ko ito ng isang salitang mapapel
Sana
Oo sana
Ang katagang nabuo sa dalawang salita
Dalawang salita, na wala ring tugma
Katagang di rin lang pala mahalaga
Katagang naging isa rin lamang paasa

Oo sana
Oo sana
Oo na sana, kaso naging bakit pa
Oo na sana, kaso binawi mo pa
Oo na sana, kaso di rin pala
Oo na sana, kaso sana lang pala
Oo na sana, kaso umasa lang pala
Oo na sana, kaso ta-ta nga lang pala
Oo na sana, kaso ako'y tatanga-tanga

Oo na sana, kaso binakit mo pa
Binakit mo pa ang sagot sa ako'y mahal mo rin ba?
Binakit mo pa ang sagot sa alam mo bang mahal kita?
Binakit mo pa ang sagot sa mahal mo rin naman ako diba?
Bakit nga ba biglaang binakit mo pa
Kahit na ang sagot naman ay nasa harap mo na

Oo na sana, kaso binawi mo pa
Oo na ang sasabihin, binawi mo pa
Binawi mo pa ng sasabihin mo na
Na mahal mo rin ako, kaso binawi mo nga
Kaso binawi mo na, ang oo mo sa tanong ko ay binawi mo pa
Binawi mo na
Binawi mo nga

Oo na sana, kaso di rin pala
Oo na sana, kaso akala ko lang pala
Oo na sana, kaso hindi ang napala
Kasi akala ko ay oo na, hindi naman pala

Oo na sana, kaso sana lang pala
Oo na sana, kaso sana nalang pala
Oo na sana, kaya't sana talaga
Yung oo mo sana maging oo talaga

Oo na sana, kaso umasa lang pa
Oo na sana, kaso ang bobo ko talaga
Oo na sana, kaso inasahan ko pa
Na ang malupit mong oo'y sasabihin mo pa

Oo na sana, kaso ta-ta nga lang pala
Ta-ta nga lang talaga
Nagpakatanga lang talaga
Kasi
Ta-tak wil mo rin pala
Ta-ta pon mo lang pala
Ta-ta boy mo rin pala
Ta-ta ngkain ko pa sana
At
Ta-tang gapin ko pa sana ang alok mong kung pwede'y maghintay pa

Kaso ta-ta nga ko lang talaga
Kasi babalikan mo parin pala
Mamahalin mo parin pala
Kasi babalikan mo parin pala siya
Mamahalin mo parin pala siya
At hanggang ngayo'y siya parin pala talaga
Antanga-tanga ko lang talaga

Tapos naaalala ko pa
Nung saki'y sinabi mo pa,
Na oo alam kong may mahal ka
Na oo alam kong ako yun, at wala ng iba
Na oo mahal din kita...

Sana....

Kaso mahal ko parin talaga siya
Oo mahal na kita
Kaso mahal ko parin pala siya
Oo mahal kita kaso di pa ako handa
Hindi pa ako handang sumubok sa iba
Dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko parin siya
Kaya't sana, kung pwede maghintay ka pa

Kaso ang maghintay ka pa'y nakakasawa
Ang maghintay sa wala ay nakakasawa
Ang maghintay sa himala ay nakakasawa
Ang maghintay na nagmula sayong mga salita ay nakakasawa

Dahil sa huli ang oo mo'y naging sana
Dahil ang totoo mong oo'y nawala na
Dahil ang oo mo pala ay sana
Ang oo mo'y naging isa na lamang sana
Ang katagang sana,
Sana makapaghintay ka pa
Kaso pasensya ka na
Sawa na ako sa sana
At sa oo mong alam kong di ko na makakamit pa

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon