Sabay

58 1 0
                                    

Naglalakad tayo ng magkahawak kamay
Magkasama tayo sa paglalakbay
At sa papalapit na liwanag papalapit tayong sabay

Nakakatawa, nakakatuwa
Maswerte ako na nakilala kita
Ang swerte ko na nakakilala ako ng isang babaeng kakaiba
Isang babaeng tila diwata
Tila diwata na nagawang makihalubilo sa isang taga-lupa
Kakaiba dahil nagawa mong tanggapin ang kagaya kong isang hampas lupa
Isang katulad kong dukha
Kakaiba dahil nagawa mong tanggapin ang di matanggap ng iba
Isang tulad kong dukha
Isang taong walang wala
Kumpara sa mga taong tulad mong tila tala
Tila tala dahil pagitan natin ay langit at lupa
Langit ka at ako ay lupa
Ngunit ngayo'y sabay na tayong hihiga
Hihiga't magpapahinga sa patag na lupa
Mapalad ako na nakilala kita
Ngunit ang malas natin dahil ang aga nating nawala
Pero masaya ako na sa paglalakad ko'y nakasama kita
At ang swerte ko dahil sa paglalakad ko'y ikaw ang kasabay
At sa paglalakad, hawak ko'y iyong kamay
At ngayon ay masaya na akong hihimlay
Lalo na ngayong ikaw ang kasabay

~Sabay
By: JonMakuDesu

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon