TulangLiham

29 1 0
                                    

Ako'y tutula
Ito'y medyo mahaba
Uumpisahan ko sa simula

Una...
Kamusta?
Naaalala mo pa ba?
Naaalala mo pa ba nung tayo pang dalawa
Noong tayo, ikaw at ako at wala ng iba?
Noong ikaw at ako tayong dalawa at wala pang siya?
Noong mahal kita't mahal mo ko't walang mahal mo siya?
Noong ikaw lang at ako bago maging kayong dalawa...

Pangalawa...
Kamusta?
Naaalala mo pa ba?
Noong pinagpalit mo ko sa iba?
Noong sinabi mo sakin na ang mahal mo'y iba na?
Noong sinabi mo sakin, g*go wag kang tanga,
Manhid ka ba o nagbubulag-bulagan lang talaga?
Hindi mo ba nakikitang ang mahal ko ay siya?
Di mo ba napapansin na pagtingin ko sayo'y iba na?
Di mo ba nakikita na sakin ngayo'y kaibigan nalang kita?
Sabi mo, noon pa may iba na
Noon pa ma'y mahal mo na siya
Noon pa ma'y mahal mo'y hindi na ako, sinta
Tapos saki'y bigla mong ibinato
Ang singsing na sayo'y inalay ko
Sabay sinigaw mo sa mukha ko
Mga katagang please lang lumayo ka na ayoko na sayo...

At Pangatlo...
Dito na magtatapos ang tula ko
Dito narin magtatapos itong aking kwento
At magsisimula ito sa ngayon
Ngayon, alam kong di ko na maibabalik ang dating noon
Di ko na maibabalik ang dati at mababago ang ngayon
Di ko na masasambit ang mga salitang binitawan ko noon.
Pero wag ka ng mag-alala
Masaya ako na masaya ka na
Masaya ako na may kasama ka
Masaya ako na mahal karin niya
Masaya na ako basta masaya ka
Masaya na ako kahit wala ka na
Masaya na ako kahit tapos na
Kahit tapos na ang istorya nating dalawa
Ang istoryang matagal kong pinanghawakan mag-isa
Ang istoryang itong sa huling mensahe'y tatapusin ko na...

Kamusta? Alam mo bang mahal parin kita? Pero wag kang mag-alala ako'y ayos na, basta sana lagi kang masya, at lagi kalang nasa tabi niya, dahil alam kong mahal na mahal karin niya. Sige, paaalam na... Hanggang sa muli nating pagkikita...

Truly yours;
Ang dati mong asawa

---------------------------------------------------

~TulangLiham
By: JonMakuDesu

S.O.S (Screams Of Silence)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon