Date

1.3K 52 0
                                    

Chapter 14

Normal POV***

Naging busy ang buong linggo ko. Bukod sa band practice namin para sa Annual Ball ng CIHS kailangan ko ring magreview para sa make up test ko. Ang dami kong hahabuling lesson kaya duguan na ng utak.

Yung tungkol naman sa mga boses na bigla bigla nalang sumisingit sa utak ko ay napagdesisyonan na hindi ko muna papansinin. Feeling ko kasi masi-stress lang ako lalo.

Nasa library ako ngayon at kasalukuyang hinahanap ang librong kailangan ko sa pagrereview. Ang hirap hanapin dahil sa sobrang dami ng libro dito. Nakakahilo infareness..

Nang mahanap ko naman na yung libro aba naman kung hindi ako malas ngayon dahil sobrang taas ng kinalalagyan nun.. =______= tsk.
pero hindi pwedeng maggive up ngayon. Kumuha ako ng upuan at pumatong doon para abutin.. kaso kailangan ko pa ring tumingkayad.

Ang hirap pala kapag pinagkaitan ka ng hieght.. tsk

"Anong ginagawa mo dyan Alien??"

Ay kalabaw!!...

at dahil sa pagsulpot nung baliw na abo naout balance ako at nahila yung bookshelves para sana pigilan ang pagtumba ko kaso wa epek.. pumikit nalang ako at hinintay ang paglanding ko sa sahig na matigas..

-______-?? ok anong nangyari? bakit walang masakit? parang hindi semento ang pinagbagsakan ko??

-______0*mulat isang mata**
0_____0*mulat dalawang mata**

Agajahakakaivsa!!!! Anak ng tiapaklong!!!! Nakapatong ako kay abo!!!!!!

Biglang namula ang mukha ko nang may naramdamang kung ano sa dibdib ko.. Pero nagkakamali kayo kung iniisip nyong heartbeat ko yun..

Hindi ito Teleserye!!! Horror Film ito at papatayin ko na ang may-ari ng kamay na nakahawak sa boobs ko!!!!!!!!!!!

"WAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!............ MANYAKKKKKKK!!!!!!"
>/////////////////<

halos mabingi ako sa sarili kong boses dahil sa pagkakasigaw ko..

Waaahhh!!! bwesit kasi tong abo na ito ehh.. sa lahat ba naman ng pwedeng hawakan eh yung boobs ko pa?!! huhuhu pakukulong ko syang manyak sya T____T!!!

"Hoy... tumigil ka nga.. hindi ko naman sinasadya yun ehh.. grave ka naman... at isa pa...parang wala naman akong nahawakan eh.."

"Aaaaahhhhh.... Bastos!!.. walanghiya ka!!!!" at binabato ko na yung mga librong nakakalat sa kanya...

"Uyy!!.. aray!!.... ano ba?!!..aray ko!!... masa-aray!.. tumigil ka na!!!"

pero hindi ko pa rin tinigilan ang pagbabato ng libro sa kanya.. hinding hindi ako titigil hanggat hindi ko nakikitang bugbog sarado ang baliw na manyak na abo na yan!!! kahit magunaw na ang mundo hinding hindiiiiii!!!!!!
"THE TWO OF YOU GET THE HELL OUT OF MY LIBRARY NOWW!!!!!!!!!!"

Oppsss... sabi ko nga titigil na ako.. naging supercyan na si Mam Librarian ehh.. >____<!!!! katakot...

Pero bago ako lumabas kinuha ko na yung mga books na kailangan ko. Ngayon saan na ako mag-aaral?.. kasalanan ito ng manyak na abo na yun ehh.. =_______=

"Pssst.. galit ka pa rin?.. hindi ko naman sinasadya yung nangyari ehh.."

Totoo naman eh. Aksidente yung nangyari kanina hindi naman nya talaga kasalanan. Kaso naiinis pa rin ako twing maaalala na nahawakan nya yung dibdib ko..>///////////<

"Hindi na.. alis na ako maghahanap pa ako kung saan pwedeng mag-aral...."

Tumalikod na ako para sana umalis pero bigla syang humarang sa dadaanan ko. Ano na naman bang binabalak nito?

"May alam ako.. tara!!"

"Ha?.... Uy teka--!!"

Hindi na ako nakaangal dahil deritso lang sya sa paghila sa akin hanggang sa makarating kami sa roof top.

"Oh diba mas maganda dito mag-aral?.. galing lo noh? bilib ka na?" pagyayabang ni Grey

"tsk" Hindi na ako nagsalita kasi totoo naman na maganda dito mag-aral dahil tahimik.. May maganda din palang dulot ang mayak na baliw na to ehh..

Nagstart na ako sa pagrereview. Kaso di ako makaconcentrate dahil yung si abo makatitig sa akin akala mo eh mawawala ako.. ano namang tumatakbo sa utak nito?... wag na wag nya lang ako mamanyakin sa isip nya ililibing ko talaga sya ng buhay.. =_____=

"May gusto ka bang sabihin?"
tanong ko sa kanya..

Mula sa pagkakahalumbaba nya umayos sya ng upo at medyo lumapit sa akin. Hindi naman sobrang lapit kaya hindi ako nailang

"Gusto mo bang makarinig ng sekreto?" seryosong sabi nya..

Ok bigla akong naintriga dahil seryoso ang mukha nya. Anong sekreto naman yun?.. Pero ano namang paki-alam ko dun? tsk

"Hindi ko gustong malaman.. tumahimik ka nalang para makapag-aral na ako.."

Masyado akong busy para sa mga trip nya sa buhay..

"weh?... kahit sabihin ko sayo na may gusto ka sa akin?"

O______O?!!!!!

"Opps.. let me replace that.. patay na patay ka pala sa akin.. kahit saan ako magpunta noon lagi mo akong sinusundan.... Ilang beses na nga kitang binasted hindi ka pa rin tumitigil... tss ang kulit mo nun.." Grey at kumindat pa sa akin

Kinuha ko ang makapal na libro sa mesa atbuong lakas na pinukpok sa ulo nya
*PAK!!!!***

"Aray ha??!! bakit mo ako pinukpok? ang bigat pa ng napili mong libro ha?!" reklamo ni Grey
walanghiya talaga ang baliw na ito kung ano anong pinagsasabing kalokohan..

"Hoy Anderson kahit pa magunaw ang mundo ngayon........ Sinisigurado kong kahit date hindi ko ibibigay sayo!!!!!!"

"Nagdadate na nga tayo.."sagot nya

"DATE???!!!" Haeley/Drake/Dwaine

O______O??! Oh ow.!!!



Madre to be naging Gangster wanna beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon