Visitor Grey

1.2K 40 1
                                    

Chapter 26

NORMAL POV***

>//////////////////////<!!!!!!

Waaaaahhh!!!... nakakainis talaga yung Grey Anderson na yun!! mas malala pa sya sa pinakabaliw na tao sa buong mundo!!! grrrrrr sarap nyang kagatin..

Bigla nalang syang nawala matapos nya akong halik-.. ah! basta nakakaasar sya..Nagpaalam lang ako na magCCR sandali tapos nung binalikan ko sya wala na sya.. bwiset..

FLASHBACK**

"B-bitawan mo nga ako.. h-hoy.." sabi ko kay Grey habang pilit na inaalis yung kamay ko sa pagkakahawak nya..

"shhh.. wag kang maingay.. hahalikan kita ulit kung di ka mananahimik.."banta nya kaya napatahimik ako..

>\\\\\\\\\\\\\<
Takte talaga sya.. bakit kung makapagsalita sya parang wala lang sa kanya yung paghalik sa akin..

Manyak sya..

Nakarating kami sa terminal at naghintay sa susunod na bus.. Napatingin ako sa kamay namin.. hanggang ngayon di nya pa rin binibitawan.. Nakakaasar na ewan ang pakiramdam..

>\\\\\<!!

Alam kong alam na nya na hindi ako si Shaine Antonio. Kung paano hindi ko alam.. Kaya siguro Alien ang tinatawag nya sa akin..

Pero bakit sya nandito ngayong alam na nya ang sekreto ko? Hindi naman kami magkaibigan o kahit sila ni Shaine. At bakit kasi nya ako hinalikan kanina?

>//////////< eehhhh ang init na naman ng pakiramdam ko.. bwiset kasi tong abo na ito ehh..

"Ba't namumula ka??" nagulat ako nang biglang sumulpot sa harapan ko yung mukha nya..

Takte bigla akong kinabahan..

"w-wala!... bitiwan mo nga ang kamay ko.. magccr ako.." binitawan naman nya kaya nagmadali akong pumunta sa CR..

My God ano ba tong nangyayari sa akin?!.. Bakit ba ako ganito kay Grey?? waaahhh nagblublush ako!!!! >_____<!!!

Ok.. Relax.. Mali.. Hindi ako nagblublush.. Mainit lang ang panahon kaya ako namumula yun lang yun..

"Bakit ka naman magblublush sa baliw na manyak na yun??.. Naku Shay Garcia umayos ka.." sabi ko sa sarili ko sa salamin.

Narinig kong tumawa yung babaeng katabi ko pero wala akong paki.. Hindi ko naman sya kilala. Ang wierd nya nga kasi balot na balot ang mukha nya.

Biglang nagring yung cellphone nya kaya nauna syang lumabas sa akin. Pero napansin ko na may nahulog syang panyo..

"Miss sandali!!.." hinabol ko pa sya sa labas pero hindi ko na sya nakita.. ang bilis naman nun maglakad..

Tiningnan ko ang panyo nya at parang pamilyar..

Teka?... alam ko ang panyo na to.

Nilabas ko yung panyo na binigay sa akin nung taong nagligtas sa akin nung gabing pinasok yung school..

Pareho.. pati ang burda na A.S. parehong pareho..

Ibig sabihin yung babae na yun ang nagligtas sa akin..

Tinago ko na muna yung panyo at pinuntahan si Grey kung saan ko sya iniwan kanina.. Pero nagulat ako dahil wala na sya doon at hindi ko alam kung saan sya nagpunta..

END FLASHBACK***

Bwesit sya.. Sana magkapigsa yung baliw na manyak na yun sa pagiwan sa akin. ~___~

"Neng nandito na tayo.."singit ni Kuyang driver sa moment ko..

Pagtingin ko sa labas nakita ko ang pamilyar na lugar na kinalakihan ko. Sobrang namiss ko ang ito.

"salamat Kuya.."

"anong salamat?.. bayad mo oy!.. aba itong batang to.. hindi na uso ang salamat nalang ngayon.. may pamilya akong binubuhay noh? paano nalang ang mga anak ko kung salamat lang ang ibabayad mo?? mapapaaral ko ba sila sa salamat mo?!!"

~_____~ Naknang nagdrama pa si Kuya..

"OA ka naman Kuya eh.. Magbabayad naman po ako.. grabr to.."sabi ko sabay abot ng 100 sa kanya..

"keep the change nalang po.."dagdag ko pa sa kanya..

Nakita ko namang biglang kuminang ang mata ni Kuya driver.

"Wow ineng.. ang galante mo naman pala eh.. alam mo ba na sa kabaitan mo pwede ko nang mapakain ang pamiya ko at-"

"Hep hep hep!!!.. Ok na kuya gets ko na.. pwede na ba akong umexist?" grabe naman kasi tong si Kuya masyadong mahaba ang exposure eh..

"Ay sige.. Mag-ingat ka!! salamat!!" at ngiting ngiti syang umalis..

Napagood vibes naman ako nung si Kuya driver.. Nabawasan ang pagkainis ko sa abo na yun..

"Ito na yun.. babalik ka na talaga sa buhay mo dati Shay.."sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa kabuuan ng kombento at ampunan..

Namiss ko sila sister.. namiss ko ang mga bata at si Mother Superior.. Pinunasan ko ang mga luha na pumatak sa mata ko. Bawal pa akong magdrama ngayon..

Halo halo ang nararamdaman ko habang papasok sa ampunan.. Naririnig ko ang tawanan ng mga bata pati na rin sina Sister.. Namiss ko na silang lahat..

"Shay?"

Nakita ko si Mother Superior na palapit sa akin.

"Mother.." at agad akong tumakbo para yakapin sya..

Ang tagal na nung naramdaman ko ang ganitong yakap.. Yung pakiramdam na lagi akong may makakapitan..

"My God what happened to you?!"tanong nya habang hinahagod ang likod ko..

"Mother.."hindi ko alam kung saan magsisimula. Sa dinarami rami ng nangyari sa akin nitong nakaraan parang isang taon akong nawala..

"Shay ikaw na ba talaga yan??" napalingon kami at nakita ko si Sister Mary na nakatingin sa akin kasama ang mga bata na naging kapatid ko na rin..

"Ateeeeeeeeeeee!!!!" at lahat sila nagtakbuhan papunta sa akin at dinumog ako ng yakap..

Yung mga luha ko patuloy lang sa pagtulo pero ngayon dahil ito sa sobrang saya. Pakiramdam ko talaga nakauwi na ako... nakauwi na ako sa totoong tahanan ko..

"Mabuti naman at umuwi ka ngayon Shay.. Akala namin magtatagal ka sa Cebu.."sabi ni Sister Ann

Cebu?.. anong gagawin ko sa Cebu?

"Oo nga hija.. diba may seminar ka ngayon kaya ka umalis nung nakaraang linggo?? bakit bigla bigla ka namang umuwi?" tanong ni Sister Mary

Hindi ko magets.. Diba dapat pinapagalitan nila ako ngayon dahil bigla akong nawala na di nagpapaalam?

"ahh mga sister nakalimutan ko palang sabihin sa inyo.. naresched daw kasi yung seminar kaya.. bumalik si Shay ngayon.."si Mother Superior ang sumagot ng mga tanong sa akin..

Tiningnan ko si Mother na para bang tinatanong kung anong nangyayari dito?? pero ngumiti lang si Mother Superior..
alam ko may mali dito..

"Mukhang marami ata ang bisita natin ngayong araw.." napatingin naman ako kay Sister Margarete

May bisita ngayon? Sino?

"Hay sa wakas nakarating ka na rin."

O_______O?!!!

"GREY?!!!... PAANO??... ANONG GINAGAWA MO DITO??" hindi ko alam kung namamalikmata ako pero si Grey nandito sa ampunan at nakangiting kumakaway sa akin..

"sya yung bisitang sinasabi ko sayo hija.. Kaibigan mo daw sya kaya pinapasok namin sya dito.."paliwanag ni Sister Ann..

Susme anong trip na naman ba ng isang to?.. pero kahit papano.masaya ako dahil hindi nya naman pala ako iniwan.. nauna lang talaga sya.. tss

Madre to be naging Gangster wanna beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon