30

1.2K 42 6
                                    

Chapter 30

GREY POV**

Shit! ano ba yung nangyari?!

Pambihira nabigla lang naman ako eh.. masama bang matempt?

Nung umalis si Shay saka lang ako natauhan. Ang bobo ko talaga.. mas lalo syang lalayo sa akin ngayon..

Alam kong nagulat sya, dapat kasi sandali lang yung halik na yun eh.. pero hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at ginawa ko yun sa kanya. tsk sarap tumalon sa bangin ngayon..

Nandito ako sa may likod ng simbahan. Ang lugar kung saan ko nakilala si Shay.. Ang kababata ko..

FLASHBACK***

"Hoy Ken ken bakit ba nandito ka lagi ha?" sabi nung babaeng makulit.. sya yung anak anakan ng mga madre..

"wala kang paki... umalis ka na nga.."

Bagong dating ko lang dito sa ampunan.. Madalas kasi akong magkasakit at dahil sa hirap ang mga magulang ko na ipagamot ako lagi nagdesisyon sila na ipaampon nalang ako. mabuti naman silang magulang eh hindi ko lang talaga kayang tanggapin..

"Bakit ba ang sungit mo?.. sige ka tatanda ka kaagad nyan.." sabi nya at tumabi sa akin..

Lagi nya akong kinakausap kahit na sinusungitan ko sya lagi. Nasasanay na nga ako na lagi syang nandyan sa tabi ko kaya minsan natatakot ako na baka isang araw iwan din nya ako..

"bakit ka ba laging lumalapit sa akin kahit na pinapaalis na kita?" tanong ko sa kanya..

"kasi.... magkaibigan tayo.." nakangiting sabi nya..

*Dub dub dub**

unang beses na tumibok ang puso ko ng ganito kabilis. Dahil sa isang ngiti parang gusto ko ng mabuhay.. gusto ko syang laging makita na nakangiti at masaya..

Simula nun naging maging magkaibigan kami ni Saysay..

Isang araw may dumating na mga tao. May dala silang mga kamera at iba't ibang gamit para sa paggawa ng pelikula..

"Saysay anong ginagawa natin dito? sabi ni Mother Superior bawal dito diba?"

"ano ka ba.. ok lang yan di naman tayo mahuhuli eh.."

ang kulit talaga ng babaeng ito.. di ko lang kasi matiis na magisa syang mapaparusahan kaya sa lahat ng kalokohan nya sinasamahan ko sya..

"wow... ang ganda nung kamera ken ken oh.." manghang sabi nya habang nakatingin sa camera na hawak nung isang lalaki..

"gusto mo bang maging model?"

"ewan.. basta gusto lagi akong pinipicturan.. ^_____^" sabi nya..

naalala ko yung binigay sa aking keychain ng tatay ko.. kamera yun na may nakaukit na initial ng pangalan ko.. KGM..

"oh sayo nalang ito.."

"Talaga?!.. waaahhhh!!!! ang bait mo talaga kenken.. hihi"

"pangako ko sayo Saysay ako ang magiging photographer mo paglumaki na tayo.."

"pangako mo yan ha?.. pag di mo yan tinupad kukutusan talaga kita.."

"oo pangako.."

END OF FLASHBACK***

Nangako ako pero hindi ko tinupad. Natakot ako sa nakaraan dahil baka hindi nya ako matanggap ulit. dahil alam kong sinaktan ko sya ng sobra..

Madre to be naging Gangster wanna beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon