56

704 17 0
                                    

Chapter 56

GREY POV**

Ang saya ng araw na ito. Sa sobra ng saya ko parang ang hirap huminga. Grabe akala ko sa mga corning movie ko lang makikita yung ganitong eksena.

"Ken.. Grey.. Anderson.. Hay ang dami mo namang pangalan.. " sabi ni shay habang nakahilig sa balikat ko. Bwesit mamamatay na yata ako sa kilig huhu

"Babe nalang para iba naman.. "

*Poink! **

"Shut up"

Arayyy ahh ang sadista talaga ng babaeng ito bigla bigla nalang mananapak

"Nagiging gangster ka na talaga.."biro ko. Napangiti naman sya sa sinabi ko at humilig ulit sa akin.

Ang bagal ng ikot ng ferris wheel kasi malaki ito. Nasa bandang taas na kami ng magsimula na yung highlight ng amusement park na ito.

"Wowww! Grey tingnan mo ang ganda!" Sabi nya na manghang mangha sa mga makukulay na ilaw na sumasayaw sa langit. Shit Saan ko galing ang mga sinasabi ko? Tss

*Kriiinggggg**

Wait phone ko yun ah..

*jerk detective/ Drake calling*

Eh ano na naman kayang kailangan ng asungot na ito? Tss naalala ko pa naman ang palpak na Plano nya kanina.

"Oh? "

"Thanks goodness you already answered! Where are you? Are you with Shay?!" drake

"Hey Drake anong problema mo? " tanong ko

"Just answer me! Are you with Shay?"

Tss nakakahalata na ako ahh. Baka naman kay Shay talaga may gusto ang gungong na ito?!

"Oo kasama ko sya.. Nasa ferris wheel kami kaya bawal istorbo.. bakit ba?"

"That's good." Narinig ko pang napabuntong hininga sya. Kinausap nya si Antonio sa kabilang linya at sinabi kung nasaan kami so magkasama pala silang nakikitsismis??tss

"Hey Grey listen papunta na kami sa inyo we need to leave now.." hindi ko masyadong narinig ang sinasabi ni Drake dahil may kakaiba akong napansin.

"Hey grey ok ka lang? sino yang kausap mo?" Shay

Pero hindi ko na rin sya nasagot dahil nakatuon ang pansin sa pulang ilaw na nasa kaliwang dibdib ni Shay. Hindi ko alam pero bigla akong natakot.

"Grey still there?! can you hear me? i said we need to go your uncle escape----" hindi ko narinig pa ang huling sinabi ni Drake dahil agad kong binitwan ang phone at niyakap si Shay kasabay nun ang pagkabasag ng salamin ng cab na sinasakyan namin.

"GREEYYYYY!!"

Ang sakit. Ramdam ko na may bagay na bumaon sa balat ko. Hindi lang isang beses kundi tatlo. Sobrang sakit at parang hindi ko na maigalaw ang katawan ko dahil sa kirot. May nalasahan din akong kalawang sa bigbig ko.

"S-shay... o-ok k-ka lang?" hirap na akong magsalita pero kinaya ko pa rin. Hindi ko alam ang gagawin kapag may nangyaring masama sa kanya. Ok na ako lang.

"Oh my God Grey... youre bleeding!!" at naramdaman ko nalang na bumagsak ako sa sahig. Unti unti na akong nakakaramdam ng manhid dahil sa sakit. Natatakot ako na any minute na pumikit ako baka.. hindi ko na ulit makita ang mukha ni Shay. Ayaw kong iwan sya ulit. Nangako ako na hindi ako aalis na hindi nagpapaalam. HIndi na.....



"S-sorry.." binuhos ko ang natitira kong lakas para sabihin sa kanya ang salitang yun.

"P-please Grey stay with me.. Pababa na tayo sandali nalang.. P-please.. hindi ka pwedeng bumitaw..."


hindi ko gustong nakikita syang umiiyak lalo na dahil sa akin pero wala akong magawa. bumibigat na ang mata ko at unti unti na akong nakakaramdam ng antok. Hindi ko na talaga kaya... Gusto ko naman na makasama sya ng matagal pero mukhang sumusuko na puso ko. Ramdam ko na bumabagal ang tibok nya sa loob ng dibdib ko


"Please Grey lumaban ka naman oh... sa-sabi mo h-hindi... mo na ako iiwan diba?.... G-grey... grey.."


Hindi na ako makasalita dahil gusto na ng katawan kong bumigay pero pinipilit kong maramdaman ang paligid kahit konti.....

Tubig..

May pumatak na butil ng tubig sa kaliwang pisngi ko..

Kahit hindi ko makita alam kong umiiyak si Shay at dahil doon lalong naduduro ang puso ko. Gusto kong maging lakas nya hindi maging dahilan ng kalungkutan nya. Lord please.... Huwag nyo naman syang hayaang masaktan ng ganito


Hindi ko kaya..


"I-i l-love y-you Grey.. p-please marry me.. kahit saan ok l-lang basta sabihin mo lang na magiging ok ka.. please nagmamakaawa ako sayo"


Shit lang.. kung hindi lang ako sa ganitong sitwasyon baka tumalon na ako sa cab na sinasakyan namin. Ang saya pala marinig na yung babaeng mahal mo ang nagyayang magpakasal sayo. Putek ang sarap ipost sa twitter nito ehh tsk.


"I..... w-w-will.... ma-marry y-you..." and after that everything went to blank.....

Madre to be naging Gangster wanna beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon