52

922 24 2
                                    

Chapter 52***

DRAKE POV***

"Ahmm.. Grey.. ok ka lang?"

"MUKHA.BA.AKONG.OK.SAYO.HA?!!!" Galit na sigaw nya sa akin.

Makasigaw naman. Tsk pasalamat sya iniintindi ko nalang sya dahil busted sya kung hindi baka nabangasan ko na ang baliw na ito.

"Hindi na ako nagtaka.. after all its your plan" nangaasar na sabi ni Shaine sa tabi ko.

"Shaine naman.. sa lahat ng tao dito ikaw ang pinakanakakaalam na laging successful ang plano ko.."

"Really? So what about that time na nagplano ka para makapunta tayong party ni Kevin even though we are grounded? Hindi ba nahuli tayo ng guard nun na umaakyat sa gate kaya imbes na 1 week lang naging 1 month grounded ako? At yung plano mong isurprise ang superior mo because you are happy to pass the test for being an agent, but what happened? You sent him to the hospital because of the food you gave him. Now tell me Drake, is your plan really work?"

Ok sabi ko nga bagsak ako pagdating sa planning. Malay ko bang hindi effective yung mga idea ko. Nakikita ko naman sa TV na ok yun eh. Tsk

"Right guy pala ha..?" Sabi ni Grey na kung makatingin ay parang gusto akong ilibing ng buhay

"He he.. Ahm.. Na-nagkataon lang yun. Wag kang magalala may plan B pa ako!" Nakangiti kong sabi

"No thanks! Baka mas lumala lang! Tsk" Sabi nya sabay walk out

"Hoy Anderson! Sandali! Saan ka pupunta?" Tawag ko pero hindi na sya lumingon.

Saan naman kaya pupunta ang mokong na yun? Makawalk out akala mo sinong gwapo hay naku

"Wag ka na ngang makialam sa dalawang yun. Let's just enjoy! Come on!" At hinila na nya ako paalis.

Hindi na ako umangal pa dahil wala naman akong magagawa kapag si Shaine ang nag decide. Sa tigas ba naman ng ulo nya ewan ko lang..

Pero ngayon parang nagsisisi na ako. Sino bang nagsabi na kailangan kong sumunod sa babaeng ito?

"S-shaine.. Alam mo.. M-may nakita akong mas astig d-dito.. D-doon nalang ka-kaya tayo?"

"Drake don't tell me you're  afraid? Its fine if you do"

At ano pagtatawanan nya ako dahil umatras ako? Tsk nek nek nya! Drop tower lang ito.. Kaya ko ito..

"A-a-afraid?.. S-s-s-sino?! ako?! Nagpapatawa ka ba? Hindi no.." Sabi ko pero sa totoo lang nanginginig na ang tuhod ko. Shit lang talaga..

"So what are we waiting for.. Let's go!!!"

Anak ng tinapa. Ano ba itong pinasok ko? Bakit ba ako napapasubo dahil sa babaeng gangster na ito? Takte talaga.

"Sir ok ka lang po? Namumutla po kayo eh" sabi ng lalaking nagkakabit ng seatbelt ko

"Oo.. Ahm l-l-ligtas naman ito Kuya d-d-diba? Hindi naman ako mamamatay dahil dito?" Tanong ko dahil feeling ko ay lalabas na ang puso ko sa dibdib ko.

"Safe po ito Sir kaya wag kayong magalala"at umalis na sya dahil magsisimula na ang rides

"Woah Drake! Im so excited.. Magsstart na haha!" Shaine pero hindi ako makatingin sa kanya dahil talagang kinakabahan ako.

Pataas na kami ng pataas at para bang hindi ko na yata maimulat ang mata ko. Paano kung mahulog bigla ang eyeball ko at maapakan ng mga tao sa ibaba?.

Putek ang OA ko na. Tsk

"Drake open your eyes! The view is totally amazing look!!"at inaalog alog nya ako. Langya mas lalo pa yata akong nahilo sa ginawa nya.

"Pwede ba Shaine wag mo akong yugyugin.. Parang awa mo na.. Huhu baka mamatay ako ng wala sa oras dahil dito eh.." Sabi ko sa kanya

Madre to be naging Gangster wanna beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon