32

1.1K 46 5
                                    

Chapter 32

Grey POV***

"Yeah im fine.. sorry kung hindi ako nakapagpaalam.. ok.. paki sabi nalang kay Dad na uuwi rin ako kapag ok na.. ok.. thanks Mr. Park.. bye.."

hayy buhay.. ok rin pala yung naglalayas paminsan minsan.. nakakawala ng stress. At hindi ko pa makikita yung pagmumukha nung matandang hukluban na tuitor ko.

"hoy Abo tumulong ka nga ditong maglaba!!.. grabe sya.."sabay bato nung pamalo sa damit.. nakawala nga ako sa tuitor ko kaso pinaltan naman nitong sadistang alien na to. psh

"oo na.. kailangan talaga ibato? paano kapag tinamaan ako nun? tsk sayang pa yung gwapo kong mukha.."

"kapal.. maglaba ka nalang nga.."

"tsk kung di ka lang talaga maganda ngayon eh.." bulong ko..

*Death glare**

Tsk bakit ba kapag pinupuri sya nagagalit? kapag nilalait naman nagagalit pa rin? hayy ibang klase talaga..

Sinimulan ko na yung pagkusot sa mga nilabhan. Mga damit lang ng bata ito kaya medyo madali lang kaso sobrang dami. Si shay naman yung sa iba.. mga damit ng mga madre at damit nya, sinali na din nya yung iba kung damit. para daw may pamalit pa ako sa susunod na araw..

Ano kayang nakain ng alien na ito at biglang naging mabait? para kahapon lang kung makaiwas sya sa akin akala mo may sakit akong ketong eh.

"hindi tayo matatapos kung tititigan mo lang ako.."

Kaso nasobrahan naman yata sya ngayon sa pagkamaldita..

"kasalanan mo.."

"ako?.. anong ginawa ko sayo?"

"Sino bang nagsabi sayo na ganyan ang suotin mo ha?!... tingnan mo nga para kang babae ngayon.. tapos nagipit ka pa.. tsk"

Ang ganda naman kasi nya ngayon.. Mukha talaga syang mabait. Nung si Shaine pa kasi sya para syang nagluluksa sa mga damit nya.. ewan ko ba sa kambal nito, wala na yatang ibang kulay ng damit kundi itim kaya medyo nakakatakot kahit na maganda..

"Ano ka ba Grey!!.. damit ko ito kaya anong problema mo?! ikaw ba nagsusuot? ha? arte mo.."

"gwapo naman.." nagpogi sign pa ako.. bigla naman syang kumuha ng tabo at binato sa akin kaya basang saba ako..

"ahh.. basaan pala gusto mo ha.." kinuha ko yung host ng tubig at tinutok sa kanya.. hohoho gantihan na ito..

"Yaaahh!!!!! Grey ano ba?!!" sabi nya habang sinasalag yung tubig..

"hahaha.. kaw may gusto nito diba?"

"aaahhhh.. ayoko na... ahaha tama na!! suko na ako!!"

"ahaha ayoko nga.. nakakatuwa pa eh.."

"waaahhh!!!.. tama na Grey!!... ouch!" ayaw ko pa sanang tumigil kaya lang mukhang napasukan ng tubig yung mata nya..

"Shay ayos ka lang ba?!.. naku sorry.." nagaalalang sabi ko sa kanya habang tinitingnan yung mata nya..

"masakit ba?.. patingin nga.." nakayuko kasi sya kaya di ko masyadong makita kung napuruhan ba yung mata nya.. masakit pa naman mapasukan ng tubig sa mata..

Pero nagulat ako ng ibuhos nya sa akin yung isang tabo na tubig galing sa nilalabhan nya.. Shit puro sabon kaya yun!!

"ahahaha.. ang dali mong mauto.. ahaha"

Grabe sya.. ~_______~

mukha na tuloy akong ice cream dahil sa mga bula sa ulo ko..

"Dyos ko!!.. anong nagyari sa inyo?!!... bakit basang basa kayo?!"

PATAY..

"ah.. nagkatuwaan lang po Mother Superior.. hehe" palusot ni Shay..

"sya po nagumpisa.." turo ko sa kanya..

hinampas naman nya ako bilang ganti.. Ang sadista talaga.. tsk

"Oh sya.. maligo na kayong dalawa.. iwan nyo na yan baka mamaya bukas pa kayo matapos dahil sa kakalaro nyo sa tubig.. dyos ko parang mga bata.." sermon ni Mother..

Pareho kaming napayuko dahil nahiya kami sa kalokohan namin.But at least im happy that we are now back to our normal selves.

Pagkatapos namin maglinis pinapunta kami sa may chapel dahil may activity daw ang mga bata. Natatandaan ko ito dahil ginagawa din namin ito dati ni Shay nung mga bata pa kami..

"Grey hijo.. pwede ba kitang makausap?" tawag ni Mother Superior

"oo naman po Mother.. tungkol po ba saan?"

"halika hijo doon tayo banda.."

sinundan ko naman si Mother hanggang sa makalabas kami ng Chapel.

"ikaw ba ang batang ito?" sabi nya sabay abot nung picture namin ni Shay..

"Paano po-"

"nakita ko ito kanina sa labahan.. mukhang importante kaya kinuha ko.. ikaw ba... ikaw ba si kenken?" maluha luhang tanong ni Mother..

"opo.. pasensya na po-" hindi pa ako tapos magsalita nung niyakap na ako ni Mother..

"Mother.." alam ko naman na kahit anong pagtatago ang gawin ko malalaman at malalaman din nila ang totoo.

"Dyos ko ikaw nga ba talaga si kenken?.." hindi makapaniwalang sabi ni Mother habang pinagmamasdan ang mukha ko.

Simula nung inampon ako ni Mrs. Anderson at dinala sa America hindi ko na sila nakamusta dahil na rin sa sitwasyon ko nun. Ilang beses din akong nagtry magpadala ng mga sulat pero hindi ko nagawang ituloy dahil natatakot ako sa sasabihin ni Shay nung panahong yun..

"Patawarin nyo po sana ako kung hindi ko kaagad nasabi na ako yung batang sakitin na si Kenken.."

"K-Kenken?..."

"Shay.." nakatayo sya sa may likuran ko kasama ang ilang mga madre at mga bata. lahat sila nagtataka sa nangyayari pero ang inaalala ko ngayon ay si Shay..

Shit!! Alam na nya ngayon..

"I-ikaw.. si kenken?" basag na ang boses nya.. ito na nga ba ang kinakatakot ko..

"Shay.." i try to hold her hand but she refuse

Galit sya..

"Shay.. please kausapin mo ako.."

nilapitan ko sya pero lumayo sya at umatras. Kitang kita ko sa mga mata nya na nasaktan sya ngayon..

BULLSHIT!!! kasalanan ko ito!!

"h-Hindi.. hindi ikaw si kenken.." at tumakbo sya paalis..

"SHAYYYYYY!!!!"

Madre to be naging Gangster wanna beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon