The Meeting

1.2K 48 4
                                    

Chapter 21

GREY POV**

Grabe yung pag-aalala ko kanina dahil sa kung sino mang hinayupak na nagtangka kay Alien. Akala ko talaga napahamak na sya.

Peste kapag nakita ko talaga yun babalatan ko yun at iisawin ko ang lamang loob nya. lakas ng trip nya eh mas malakas pa sa trip ko ~__~

Kanina pa kami nakaupo sa may park malapit sa kanila. Ayaw daw kasi muna nyang umuwi. Alien ang tawag ko sa kanya dahil alam ko namang ibang tao sya. Kamukha nya yung sadistang babae pero hindi sya yun.

Simula ng magkita kami sa ospital nung bumalik sya galing sa pagkakawala ng ilang buwan. Alam kong may nagbago sa kanya.

Nagtaka rin ako sa pagpansin nya sa akin nung pumasok na sya kasi kung yung dating Antonio yun magugunaw muna ang mundo bago pansinin ang isang Grey Anderson.

Kawalan nya yun.. ayaw nya makasama ang isang gwapo na katulad ko ~___~

Pero ang Alien na ito.. iba sya.. Hindi nya ako iniiwasan kahit na may pagkasuplada sya minsan alam kong ibang tao sya. Hindi sya si Antonio..

"Grey.." pagkatapos ng 412211987900873265711729 nagsalita na rin.. akala ko makakatulog na ako dahil sa katahimikan nya

"kung tatanungin mo kung gutom na ako.. oo kanina pa.. may gusto nga akong sushi banda doon kaso hindi ako sure kung bukas sila ngayon.." alam kung hindi ito ang time para dito pero di ako sanay sa seryosong usapan..

tiningnan ko ang reaksyon nya sa sinabi ko pero wala.. tss akala ko pa naman gutom na rin sya..

"Grey.." oo maganda ang pangalan ko pero nakakasawa din kapag paulit-ulit ~___~

"Anong mararamdaman mo kung magising ka isang araw na lahat ng pinaniwalaan mo tungkol sa sarili mo....hindi pala totoo?.." ramdam ko ang lungkot nya habang sinasabi yun

ibig-sabihin naaalala na nya. Alam na nya kung sino talaga sya. Aalis na kaya sya?

Teka?.. ano naman paki-alam ko? ~____~

"kung ako yun?... baka nagpakamatay na ako.."

alam kong nagulat sya sa sinabi ko.. bakit? tinanong nya ako eh..tss

"pero dahil hindi naman ako yung taong yun.. alam kong hindi yun ang nararamdaman nya ngayon.. siguro naguguluhan sya ngayon baka nga sumasakit ang ulo nya eh.. pero alam ko na mas gusto nyang harapin at alamin ang totoo kesa magtago sa kasinungalingan na alam nya ngayon..." sa speech kong yun hindi ko alam kung saan galing balon ko nahugot tss

"ahahahahahahahahahahah...."

Putek na malagkit!! tingnan mo ang alien na ito matapos ko sya bigyan ng word of wisdom tinawanan lang ako..

"Ibang klase kang Kokey ka.. pinagtatawanan mo ang isang Grey Anderson?!..  pambihira.." napakamot nalang ako ng ulo

"im sorry... hahaha.. hindi ko lang kasi maimagine na pwede ka palang makausap ng matino.. that was great.."

hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha nya. Alien ba ito o anghel?

"hoy ok ka lang?"

Shit natulala na pala ako.. Ano ba itong pinagiisip ko? dala lang siguro ng gutom..tss

"ok lang ako.. tara na hatid na kita sa inyo baka nag-aalala na yung tatay mo.." baka mamaya makasuhan na ako ng kidnapping nito.

"ok..tara na- aah!" tatayo na sana sya pero mukhang di pa rin nakarecover yung katawan nya sa nangyari kanina kaya bigla syang naout balance

Mabuti nalang mabilis ako at nahawakan ko ang kamay nya para di sya matuluyang matumba. nakapulupot rin ang isa kong kamay sa bewang nya.

Ang lapit namin sa isa't isa. Halos isang dangkal nalang ang layo ng mukha ko sa kanya. Halata namang nagulat sya sa nangyari.

"s-sorry... ahm.. p-pwede mo na akong bitawan." namumula sya habang sinasabi yun

Napangisi nalang ako. May epekto rin pala ako sa kanya.

Agad syang bumitaw sa akin at di makatingin ng diretso. Nanginginig pa rin ang tuhod nya. wala na akong magagawa..lumuhod ako

"sakay"sabi ko

"huh?"

ay slow.. tss hinila ko nalang sya pasakay sa likod ko.

"t-teka Grey... kaya ko namang maglakad eh.." nagpumilit syang bumaba pero hinigpitan ko ang kapit sa kanya

"wag ka na ngang pasaway.. nagugutom na ako baka kagatin kita dyan eh.."

di ko alam kung naniwala sya sa sinabi ko pero nanahimik nalang sya. Nagsimula na rin akong maglakad para wala naman akong binubuhat eh.. kumakain pa ba tong Alien na to? ang gaan eh ~____~

"salamat"mahinang sabi nya pero sapat na para marinig ko..

*Dub..dub..dub*

Takte ito na naman ang abnormal kong puso. Akala mo hinahabol ng kabayo kung makatibok..

Simula ng dumating ang Alien na ito naging abnormal na yung puso ko.. Nakakabaliw kasi minsan di ko na maintindihan ang sarili ko. Tulad nalang nung nangyari sa caffeteria.. Madalas naman wala akong paki-alam sa mga nangyayaring gulo pero nung time na yun hindi ko napigilan ang sarili ko na iligtas sya. Nag-ala superhero pa ako para sa alien na to. tss

Nakarating kami sa bahay nila na hindi kami naguusap. Napanis na nga yata laway ko eh.

"hoy Alien nandito na tayo.." pero wala syang response..

t-teka wag mong sabihin na nakatulog sya sa likod ko? pambihira.. ~___~ ginawa nyang kam ang maganda kong likod tss

"Shaine?!.."
tumakbo si Mr. Antonio papunta sa akin at agad nyang tiningnan kung ok lang ba ang anak nya..

"Is she ok?" tanong nya sa akin pero nakatingin pa rin sa babaeng nasa likuran ko..

"Ok naman po sya.. napagod lang po siguro kaya nakatulog.." sagot ko.. Nakakapanibago ang galang ko tss

"Thank you for taking care of my daughter Mr.?"

"Anderson.. Grey Anderson.."pagpapakilala ko..

Mukha namang mabait ang tatay ni Alien..

"Dad?.. what happened to Shaine.?!." isang lalaki ang lumabas galing sa kakadating lang na kotse..

Kahit na mukha syang nag-aalala kay Shaine pakiramdam ko may iba sa lalaking ito.

"Pumasok na muna tayo Stanley.. salamat ulit Grey sa paghatid sa anak ko.." at pinasok na nya yung tulog na alien.. tss mukhang syang sanggol kung makatulog eh..

"salamat sa paghatid sa kapatid ko.. im Stanley Antonio Shaine's older brother.." and he extend his arm for a shake hand

"Grey.."at nakipagshake hand ako sa kanya.. iba talaga ang pakiramdam ko sa isang to.

Stanley Antonio.. i know hes a dangerious man.

Madre to be naging Gangster wanna beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon