33

1.1K 42 3
                                    

Chapter 33

SHAY POV**

H-hindi... paano nangyari ito?? Si Grey Anderson ay si kenken? yung baliw na yun ang kababata ko?

Nakarating ako sa lawa sa tabi ng park. Tahimik dito kaya pinili kong maupo para mahimasmasan sa mga nangyari ngayon ngayon lang..

Nakakaasar.. Sya ba talaga si Kenken?

Bakit?.. bakit ganun? kung kelan may nararamdaman na ako para sa kanya ngayon pa lumabas na niloloko nya lang ako? Kaasar.. kelan nya pa alam?

Hanggang ngayon ba naman sasaktan nya pa rin ako?

*FLASHBACK**

"Mother... M-mother a-asaan po si Kenken?" kanina pa ako tanong ng tanong sa kanila kung nasaan si Kenken.. hindi ako naniniwala na iiwan ako ni kenken dito.. nangako sya sa akin na walang iwanan..

"Shay.. tahan na.. wala na si kenken.. inampon na sya"

"H-hindi po..*sob* sabi nya sabay kaming maampon..*sob* kahit anong mangyari*sob* tutuparin nya yun.."

at tumakbo ako paalis. Bwesit ka kenken!!

nakakainis!! bakit sya nangiiwan? akala ko ba hanggang dulo magkasama kami. Naiinis ako sa kanya.. Ang selfish nya naman..

Marami ang gustong umampon sa akin pero hindi ako pumapayag kapag hindi kasama si Grey. Kaya kadalasan iba nalang pinipili nilang ampunin. Ok lang yun sa akin basta't kasama ko ang kapatid ko.

Tapos ngayon..

Nakahanap lang sya ng mayamang tao iiwan na nya ako?? Ganun ba talaga sya? Wala ba talaga syang isang salita?

Niloko nya lang ako!! galit ako sa kanya..!!

*END OF FLASHBACK**

Shemay talaga!! Kailangan ba lagi nalang ako masaktan??

Si Grey... o si Kenken.. pareho nila akong niloko..

"Shay.."

hindi ko sya tiningnan. Hindi ko pa sya kayang kausapin.

"Im... im sorry"

dalawang salita.. dalawang salitang ang tagal kong hinintay na marinig galing sa kanya. Pero lalo lang akong naiinis kapag naririnig ko yun. Maibabalik ba nun lahat ng oras na iniwan nya akong magisa dito sa ampunan? Bwesit sya..

Tumayo na ako para sana umalis pero hinawakan nya ang kamay ko.

"Please Shay.. pakinggan muna ako.."

"Bitawan mo ako.."walang emosyon na sabi ko

"Hindi.. maupo ka at makinig sa sasabihin ko!" sabay hila paupo sa akin at kinulong nya ang mga binti ko para di ako makatayo..

Takte! sya na nga tong may kasalanan sya pa tong matapang?? aba matindi.. ~__~

"Bitawan mo sabi ako eh!! hindi ka ba makaintindi ha?!" sabi ko habang nagpupumiglas pero takte ang lakas ng lalaking ito hindi man lang makakilos ang mga binti ko..

"Ikaw ang di makaintindi... pwede ba makinig ka muna sa akin bago mo ako bugbugin??"

"Hindi ako-"

"Mananahimik ka ba o hahalikan kita?! Mamimili ka?!!"

>/////////////<!!!

Shemay napatahimik nya nga ako.. Hindi naman kasi nagbibiro ang baliw na ito pagdating sa ganyang bagay.. natatakot tuloy ako.. baka maulit yung nangyari nung isang araw.. waaaaaaahhhhh di apa ako ready para sa part 2..

"good.. sayang akala ko lalaban ka pa eh ^_____^"

*death glare**

"hehe joke lang.." sabi nya. Mabuti naman may kaunting takot pa palang natitira tong baliw na ito.. tsk may pakinabang din pala yung natutunan ko bilang si Shaine..

Tiningnan nya ako sa mata. Bakit ba ngayon ko lang napansin na may pagkakahawig nga sila ni kenken? medyo naging mas baliw lang siguro sya..

"Ano tititigan mo lang ba ako o sisimulan na kung ano man ang gusto mong sabihin ha?"

OK lang naman sigurong magmaldita kahit ngayon lang diba?? may kasalanan naman itong taong ito sa akin..

"Humihingi ako ng sorry para sa pagalis ng walang paalam.. pero hindi dahil iniwan kita.."

"aba't-"

"patapusin mo muna ako ok?!" sabat nya agad..

tss.. masasapak ko talaga ito kung panay kalokohan lang ang sasabihin..

"im sorry for leaving you without saying goodbye Shay.. But thats the only way for me to go.. hindi mo alam kung gaano kahirap umalis at iwan ang taong sobrang importante sa akin nung panahong yun.. pero kailangan.. para makabalik ako at makita ka ulit..............................."

FLASHBACK***

GREY POV

"mamamatay po ba ako Sister?" tanong ko kay Sister Ann pagkapasok nya sa kwarto ko.. Katulad ng dati nandito na naman ako sa ospital dahil inatake na naman ako bigla ng sakit ko.

"Kenken hindi ka mamamatay ok?.. magtiwala ka lang.. gagaling ka.. ipagdadasal natin yan.." sabi nya pero bakas sa mukha ang lungkot..

alam kong malala na ang kundisyon ko. Minsan narinig ko silang naguusap tungkol sa kondisyon ng puso ko. Sabi nila may butas daw ito kaya minsan nahihirapan akong huminga. Kilangan na akong maoperahan para isarado ang butas kaya lang wala pang pera ang foundation noon kaya hindi nila magawan ng paraan..

Nahihirapan din ako lalo kapag nakikita ko si Saysay. Ayokong iwanan sya dahil alam ko na masasaktan sya kapag ginawa ko yun. Si saysay nalang ang natitirang magahalaga sa buhay ko simula ng iwanan ako ng pamilya ko.

Halos mawalan na ako ng pagasa pero may dumating sa ampunan. Isang kilalang pamilya. Naghahanap sila ng maaampon dahil wala silang mapapagmanahan dahil hindi sila magkaanak..

Doon ko nakilala si Mrs. Anderson.

"Gusto nyo pong ampunin si kenken?.."Mother Superior

"Oo sana.. nabalitaan ko kasi na may sakit sya. May mga ospital kaming pagmamayari sa ibang bansa kaya maipapagamot ko sya."

Natuwa ako nung narinig ko yun. Pwede ba akong gumaling. Makakasama ko pa si Shay ng matagal..

"Masaya po kaming marinig yan Mrs. Anderson.. Hinahayaan po kasi namin ang mga bata kung gusto ba nilang sumama o hindi.." sabay tingin ni Mother sa akin.. alam kasi nyang may pangako kami ni saysay sa isa't isa.. pero..

"Wala na kasing oras Mother Superior.. Aalis na kami bukas papuntang New York.."

aalis?.. agad agad?..

"ikaw Ken?.. nasa saiyo ang huling desisyon kung sasama ka ba sa kanila o hindi.."

sasama ba ako?.. pero gagaling na ako kung sasama ako sa kanila. Para sa kanya rin naman ito eh.. gusto kong mabuhay para kay Saysay. Sya ang nagbibigay sa akin ng dahilan para lumaban sa sakit ko..

kaya kahit masakit.. kahit mahirap pinili kong sumama. Hindi ako nakapagpaalam dahil hindi ko kayang makitang umiiyak si Saysay dahil sa akin.

END OF FLASHBACK***

Madre to be naging Gangster wanna beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon