48

789 21 1
                                    

Chapter 48***

Third POV***

Noong umakyat ang Secret Identity sa stage para sa last song nila sa Annual Ball nagkaroon ng hiyawan pero ramdam din ang kakaibang awra sa mga members nito.

Kinuha ni Haeley ang mike para magspeech habang nagseset up pa ang banda.

"We dedicate the last song to a very special person of our dearest CIHS, the Chairman and Director of CIHS who actually here with us today. Mr. Harrold Clarkson. Let's give him a round of applause students"

Nakangiting tumayo si Mr. Harrold Clarkson habang kumakaway sa mga studyante at guro na pumapalakpak sa kanya.

"And now. We would like to present a simple video presentation for our dearest chairman"

Biglang dumilim ang buong stadium at nagaabang ang lahat sa kung anong susunod na mangyayari.

Isang video ang pinalabas sa malaking LCD screen na kitang kita ng lahat.

"Magpakilala ka" utos ng isang boses na pamilyar sa buong school.

"It's that G-grey?!" Gulat na tanong ng mga studyante

"Kaya pala wala dito ang ungas na yun. Busy pala" Ully

Hindi naman maipaliwanag ni Shay ang nararamdaman. Hindi manlang ito nagsabi sa kanya.

Ang lalaki sa video ay nakatali sa upuan at halatang pinahirapan ito. Hindi rin naman makita sa video si Grey.

"A-ako ang taong pumasok sa CIHS at nagtangka kay... S-Shaine Antonio.."

Lahat ay nagulat sa inamin ng lalaki. Kahit ang barkada ay hindi rin makapaniwala at hindi nila alam ang tunay na plano ni Shaine.

"Bakit mo yun ginawa?! Sino ang nagutos sayo?!" Muling tanong ni Grey

"S-s-s-si... s-si.." bakas sa boses ng lalaki ang takot at pangamba.

"SINO?!!!" nagulat ang lahat sa lakas ng boses ni Grey. Hindi nila akalain na ang kilala nilang makulit at wierdong Grey Anderson ay kayang magalit ng ganun.

"G-grey.." pabulong na sabi ni Shay umaaasang na kumalma ito kahit hindi sya naririnig ng binata.

"S-si Mr. Harold Clarkson. S-sya ang.. ang nag-utos sa akin para pasukin ang CIHS at hanapin ang blackbook ng organisasyon."

Lahat ay napasinghap sa narinig at hindi makapaniwala.

"That is totally insane! Why would I do that?!" Galit na sigaw ni Harrold

"Yeah that absurd. He own this school kaya bakit sya maguutos na pasukin ang CIHS?" Komento ni Jessica na sinangayunan ng karamihan pero napatigil nang muling magsalita ang lalaki sa malaking screen

"S-sya ang leader ng Black Organization na nasa likod ng mga illegal na transaksyon sa pagaangkat ng mga armas sa ibang bansa. A-alam ko ito dahil isa ako sa mga taong namamahala sa negosyo nya." Sabi nya

"Stop! I said stop or else i will fired all of you! Stop that video this instant!" Matigas na utos ni Harrold

"Thats not possible Sir. Bakit nyo naman pinapatigil? Dahil ba may katotohanan ang sinasabi ng lalaki?"

Lumabas sa kung saan si Grey Anderson at may hawak itong mike habang seryosong nakatingin sa chairman. Sandali syang lumingon sa direksyon ng mga kaibigan bago muling binalingan si Harrold.

"What's the meaning of this Grey? Anong kalokohan na naman ba ang binabalak mo?" Tanong nya matapos makabawi sa pagkabigla.

"This is not kalokohan uncle Harrold. Sino naman ang nagsabi sayo na nakikipaglokohan ako sayo?" nakangising sagot ni Grey

Madre to be naging Gangster wanna beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon