51

807 22 1
                                    

Chapter 51***

GREY POV***

"Hoy abo bakit parang pinagbagsakan ka ng langit dyan?" Sabi bung asungot na si Drake

"Shut up punk"

Wala ako sa wisyo para makipagasaran sa kanya. Nasstress ako sa hindi pagpansin sa akin ni Shay. Wala naman akong ginawa sa kanya eh. Pambihira

"Hulaan ko nalang.. Busted ka noh?" Sabi nya sabay akbay sa akin tar feeling close ang isang ito

"Sapakin kaya kita? Bitawan mo nga akong engkato ka" Asar na sabi ko

"Kalma lang Anderson baka atakehin ka nyan sa puso kawawa ka naman.. Tsk" sabi nya sabay iling pa

Bigla akong natigilan. It suppose to be a joke pero hindi ko magawang matawa.

Tumingin ako kina Shay na kasalukuyang kausap ang kapatid nyang gangster. Mukhang seryoso ang pinaguusapan nilang dalawa.

"Make it up to her.. Minsan kailangan lang suyuin ang mga babae para hindi magtampo.."

"Anong pinagsasabi mo?"

"Grey I know that look. Ganyan din ako dati kapag nagaaway kami ni Shaine pero syempre nagbabati din naman kami agad.  Hindi naman ako matiis ng babaeng yun eh. Kaya kung ako sayo at ayaw mong lumala... suyuin mo na tol"

Tsk ang yabang talaga. Kapal pa nya edi hamak na mas gwapo naman ako sa kanya.

Pero may point din naman ang ungas.

"So do you have any plan?"tanong ko

"You're asking the right guy Anderson. Wait.... Hey kids come here!" Tawag nya sa mga bata na agad namang nagsilapitan. Ano kayang binabalak ng lalaking ito? Tsk

"Sure ka ba dito?" Tanong ko kay Drake

"Oo naman ano ka ba? Ngayon ka pa maduduwag? Tsk"

Sapakin ko kaya sya? Hay naku kapag ito hindi gumana ewan ko lang sa kanya.

"Kuya Grey wag kang magalala kaming bahala" sabi ni Jhay

"Yeah right. We gonna do our best so don't you worry na ok?" Sabi ng isang bata na kasama ni Drake.

Hay bahala na nga.

SHAY POV***

"Saysay ano gusto mo? Hotdog with sandwich or hotdog on stick?"

"I'm not hungry Grey"sabi ko sabay alis.

Kanina nya pa ako kinukulit para pansinin pero nageenjoy pa ako na pagtripan sya. Umupo muna ako sa may bench dahil kanina pa kami naglilibot kaya ngayon ang sakit na ng paa ko. Grabe ang energy ng mga bata parang walang mga katapusan nakakapagod. 

"Hey..  Are you ok?"

"Shaine.. Uhm ok lang.. may kailangan ka ba?"

"Wala naman. Bawal na bang kausapin ang kambal ko?"

Aw nabara ako doon ah. Tsk

"Hindi naman.. Nakakapanibago lang siguro?" Sabi ko nalang sa kanya habang hinihilot ang nananakit kong paa.

"Yeah..  You're right. Everything now seems so perfect and that's  getting unusual for me.." Sabi nito na nakatingin sa mga bata na nagkakasayahan kasama sina Drake at Grey. Kanina lang halos magbangayan ang mga bata dahil hindi sila magkasundo sa mga gusto nilang sakyan pero naging ok na sila tapos ngayon yung dalawang isip bata naman ang nagaaaway. Hay naku

Pero kung iisipin ang sinabi ni Shaine,  nakakatakot nga ang mga araw na ganito. Parang any minute pwedeng mabago at maging kabaliktaran.

"Alam mo Shaine.. Naisip ko lang its our first time to spend time together without any gangster stuff involve."sabi ko

Madre to be naging Gangster wanna beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon