50

786 27 3
                                    

Chapter 50***

SHAY POV***

"Ate shay anong itsura ng kakambal mo?" Tanong ni mae habang nagluluto ako para sa almusal namin.

"Malamang kamukha ni ate Shay yun, kakambal nga diba?" Pambabara ni jhay kay mae

"Ikaw ba tinanong ko?"

"Hindi"

"Eh bakit ikaw sumagot? Epal ka talaga!"

At bago pa magkaroon ng world war III pumagitna na ako sa kanilang dalawa.

"Hep hep bawal magaway diba?.. magagalit nyan si Mother superior kapag nakita nya kayong dalawa na nagaaway" saway ko sa kanila

"Sorry po ate Shay" sabi nilang dalawa na nakayuko.

Nakakamiss talaga yung ganito. Wala akong iniisip na problema maliban sa makukulit na mga bata na iniaalagaan ko at tinuturing ko ng mga kapatid.

Naisipan kong bumalik na dito sa ampunan at sa dati kong buhay. No CIHS, no band, and no black organization. I feel simple and ordinary like the old times, but I miss it sometimes.

Tinatawagan din ako palagi ni Shaine to know if I'm ok. Sabi nya kasi hindi pa sure na ligtas kami kahit nakakulong na si Mr. Clarkson. Pero ayaw ko namang mabuhay na laging natatakot. If I die tomorrow I will live today.

"Shay patulong naman ako sa mga pagkain. Padating na daw kasi ang bus na sasakyan natin." Sister Grace

"Sige po sister."

May nagsponsor kasi para makapasyal ang mga bata ngayon. Natutuwa nga ako kasi at least kahit ganito ang sitwasyon nila may pagkakataon pa rin na pwede silang mamasyal at magenjoy.

Habang nagaayos ako ng gamit napansin ko yung kahon na ibinigay ni Mother sa akin dati. Ngayon ko lang ulit naalala, sabi nya buksan ko daw kapag ready na ako I wonder what is inside this box.

Bubuksan ko na sana nang marinig kong tinatawag ako ni Sister Mary at aalis na daw. I think this is not the right time to open this. Kaya binalik ko sa damitan ang box.

Sa amusement park pala kami pupunta kaya tuwang tuwa ang mga bata pati ako. Its my first time to go to a place like this. Para tuloy akong bumalik sa pagkabata ko.

"Ate Tara na.. Sakay tayo sa mga rides!!!" Jhay

"Oo nga ate shay... Pasok na po tayo!! Gusto ko sumakay doon Sa mga kabayo na umiikot" merry

"Ako gusto ko sa parang uod na lumilipad!!" Mae

At ang dami pa nilang sinasabi pero di ako sure kung ano ba ang tinutukoy nila. Natatawa nalang ako sa kakulitan nila pero di ko naman sila masisisi dahil kahit ako excited na rin.

"Sister hindi pa ba tayo papasok?" Tanong ko dahil kanina pa ako hinihila nila merry. Natatakot nga ako at baka mapunit ang damit ko.

"Wait lang shay, may hinihintay lang tayo.. Bakit kasi ang tagal- Oh! Ayan na pala" sabi ni Sister Grace

"Hi kids!!!! Did you miss me?!" Sigaw ng huli dahilan para makakuha sya ng atensyon pero dahil isa't kalahating ewan si Grey Anderson kinawayan nya lang ang mga taong nakatingin sa kanya. Kasunod nya si Mr. Park na may dala dalang basket.

"Kuya Aboooooo!!!"at isa isa silang yumakap kay Grey

"Mabuti naman at nakapunta ka hijo.. Namimiss ka na namin lalo na si Shay.." may pangaasar sa boses ni Sister Mary habang sinasabi yun. Nakangisi naman na nakatingin sa akin ang ungas. Tsk.

Ngayon ko nalang ulit sya nakita dahil naging busy na sya. Hindi ko alam kung ano bang pinagkakabusyhan nya para hindi manlang magparamdam o kahit magtext man lang. Ni hindi ko nga nasabi na babalik ako ng ampunan dahil wala sya lagi sa mansyon nila at di ko rin sya makontact.

"Hi saysay!" Sabi ni Grey at balak nya sanang yakapin din ako pero nakaiwas ako.

"H-hey..  Did I do something wrong? Galit ka ba?" Inosente nyang tanong at pilit na hinuhuli ang tingin ko but i keep on avoiding it. Bahala sya sa buhay nya. Hindi naman ako galit, siguro nagtatampo lang pero bahala syang magisip kung galit nga ako o hindi it's his fault anyway.

"Shay naman ehh...." At kahit hindi ako nakatingin alam ko na ang haba ng nguso nya ngayon. Still the childish kenken I know.

"Nandito na rin pala yung isa pa nating hinihintay eh." Kaya napatingin kami sa direksyon kung saan nakatingin si Sister Grace. May iba pa kaming kasama?

Huminto sa tapat namin ang isa pang bus at nagulat ako nang biglang nagtakbuhan ang mga bata papunta sa akin.

"Ateeeeeeeeeeeee!!!!" Sabay sabay nilang sabi ha bang nakayakap sa akin.

"Ikaw po ba ang twin sister ni ate teyn?  Ikaw po yung kasama namin dati say party diba?" Tanong ni minmin sya yung fashionistang bata sa day care center.

"We're happy to see you again ate. Hinintay ka po namin to visit us again pero hindi ka naman po bumalik." Malungkot na sabi ni jelly

"Kaya natuwa kami noong sinabi ni Ate teyn na mamasyal kami kasama ka hihi" sabi ni lovely

Grave namiss ko ang mga batang ito ang tagal na rin pala nung nakita ko sila.

"Sorry.. Marami kasing nangyari" sabi ko nalang dahil alam kong di nila maiintindihan kahit na ikwento ko pa.

"Naku I'm sorry Shay excited kasi silang makita ka" sabi ng isang babae na kasamang bumaba sa bus.

"A-ate Caren?!"

"Hi... It's nice to see you again Shay" nakangiting sabi nya habang ako tulala pa rin sa nangyayari

Lumapit naman sa akin si Father Romel at niyakap ako dahilan para magsimulang tumulo ang luha ko.

"You're such a brave girl Shay..  You and your sister.."

"F-father..  Sorry po kung nagsinungaling ako kung sino ako d-dati.." I said between my sobs

"Shhhss..  Its ok we understand..  You don't need to say sorry"

I really can't believe this is happening. Masaya akong malaman na hindi sila galit sa akin.

"Ang iyakin talaga ng kambal mo Shaine tapos ikaw ang grumpy mo, kambal ba talaga kayo?  tsk!.." Sabi ng isang pamilyar na boses

"Shut up Drake"

Teka..  Nandito din silang dalawa?

"B-bakit kayo na-na-nandito?"

"Simple because we sponsor this trip my twin"cool na sabi ni Shaine

Kung ganun sila pala ang may pakana sa trip na ito?

"Oh bakit wala kang imik dyan Shay? Hindi mo ba namis ang kagwapuhan ko?" Drake sabay akbay sa akin

Tsk baka yung kayabangan nya kamo. Pero sa totoo lang masaya akong makita silang lahat. This day is perfect.

"Ehem* pakitanggal ng kamay ehem*" singit ni Grey na masama ang tingin sa kamay ni Drake na nasa balikat ko.

Problema nya? Kanina parang bata na inagawan ng laruan ngayon naman mukha syang papatay sa itsura nya.

"At kung ayaw ko? Bakit may magagawa ka?" Drake

Narinig ko nalang tumunog ang ngipin ni Grey kaya ako na ang nagalis ng kamay ni Drake. Inirapan ko nalang silang dalawa at lumapit kay Shaine.

"Hey twin-" mukhang nagulat sya ng yakapin ko sya. Iba talaga ang pakiramdam kapag kayakap ko ang kambal ko. Feeling ko nabubuo ako kapag kasama ko sya.

"Uhm..  T-twin you know that im not a argh.. H-huger? Right?" Ramdam ko na ang pagkailang nya.

Nang bitiwan ko sya gusto kong matawa sa reaksyon nya. Namumula at di makatingin sa akin ng diretso. Hay ang cute naman ng kambal ko. ^______^

"Oh sya tama na muna yan. Magenjoy na tayo!"

"Yehey!!!!" Sabay sabay na sigaw ng mga bata pati yung dalawang lalaki nakisabay na rin. Natawa tuloy kaming dalawa ni Shaine sa inasal nila.

Madre to be naging Gangster wanna beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon