31

1.2K 44 2
                                    

Chapter 31

SHAY POV***

Nung tumakbo ako paalis di ko alam kung saan ako pupunta. Parang wala ako sa sarili ko. Hay naku..

"Shay?"

"Ashley?"

"Oh my God.. youre safe.." sabi nya at niyakap ako.. dapat ako ang nagsabi nun. akala ko napahamak na sya nung gabing yun. salamat naman at mukhang ok na sya ngayon.

"bakit ngayon ka lang bumalik ha? alam mo bang binully ako nung kambal mong gangster?!"

OMG?!

O_______O??

"Kilala mo si Shaine?.." gulat na tanong ko sa kanya

"wait don't tell me di pa kayo nagkikita nung babaeng yun?"

ang gulo na talaga.. so ibigsabihin nagkapalit kami ng katauhan... nung mga panahon na nawala ang alaala ko sya ang tumayo bilang ako..

pero bakit?

"halika ikukwento ko sayo.." at hinila nya ako papunta sa isang cofee shop..

Pagkatapos nung kwento ni Ashley medyo naging malinaw sa akin kung ano bang nangyari sa dito nung wala ako.

Si Shaine matapos yung insidente pinalabas nya na nadamay lang daw ako nung nakidnap kaming dalawa ni Ashley. Sinabi nya na mga kaaway yun ng pamilya Gonzales kaya walang imbestigasyong nangyari.

"paano mo naman nalaman na hindi ako yung kakambal ko?"

"duh?!.. naging magkaibigan naman tayo diba?.. tingin mo ba hindi ko mahahalata na ibang tao ang kasama namin dito?"

aww natouch naman ako kay Ashley.. actually we became bestfriend pa nga.. sayang lang nasira yun pero masaya na ako dahil mukhang bumalik na yung kaibigan ko..

"At isa pa.. alam mo ba yung kambal mo? sobrang snobera.. mapapanis na laway mo kakasalita di ka pa rin papansinin eh.. tsk"

"haha. ganun nga talaga sya.. yun din kasi pagkakakilala sa kanya nung mga kaibigan nya eh." parang ngayon lang ako nakipagkwentuhan tungkol sa kambal ko bilang si Shay at hindi bilang ibang tao..

Masarap sa pakiramdam dahil wala na akong tinatago sa sarili ko ngayon..

"Pero alam mo ba?.. nagulat ang buong school dahil nagexcell sya sa academic and sport ranking.. i bet nagtop 1 sya nun.. psh genuis ba yung kapatid mo?"tanong nya. halata naman sa boses nya ang medyo pagkairita..

alam ko kasi nasa top 1 si Ashley dahil di naman ako sumasali sa extra curricular activities..

Kaya naman pala ganun nalang yung naging reacsyon sa akin ni Mam Ocampo.. dahil pala sa kakambal ko.

Pagkatapos naming magkwentuhan ni Ashley nagyaya na syang umuwi.

"Hatid na kita sa inyo shay.. delikado baka maulit yung nangyari last time.." sabi nya

"hehe hindi naman halata na nagiingat ka na nga.."

Ang dami kasi nyang bodyguard eh.

Sumakay na ako sa kotse nya, mahirap na kasi maglakad nakakapagod. Nang makarating kami sa kumbento agad umalis si Ashley.

"oh Shay kamusta naman ang lakad nyo?" tanong ni sis Mary

"ok naman po.. pasensya na kayo sis ngayon lang po ako nakabalik hindi tuloy ako naktulong sa mga gawain sa ampunan.."

"ano ka bang bata ka.. ayos lang yun wala namang masyadong trabaho ngayon.. pero teka asan pala yung binatang si Grey? diba magksama kayong umalis?"

>////////< nakakaasar naalala ko na naman yung katangahan ko kanina..

"ah-eh.. baka po naglibot libot lang.. alam nyo naman po batang syudad yun..he.he.he"

"ahh.. ganun ba.. oh sya kakausapin ko lang si Sister Margarete.."

"sige po.."

Nung umalis si Sister naisipan kong puntahan muna yung mga bata..

"Ate shay!"

"Oh merry.. bakit nandito ka? bakit di ka nakikipaglaro sa ibang mga bata?" nakaupo lang kasi sya at nakatingin sa mga bata na naglalaro

"bawal na daw po kasi.. baka daw mapagod ako.." sagot nya..

Dumating si Merry sa ampunan na sakitin at halos laging naoospital. Mahirap lang ang mga magulang nya kaya wala silang nagawa kundi iwan si Merry sa mga madre dito sa kumbento. Lagi syang nagiisa dahil hindi sya pwedeng mapagod dahil inaatake sya bigla nung sakit nya. VSD ang sakit nya.. may butas ang puso nya..

"Gusto mo bang makakita ng magic Merry?"

"magic po..?"

"oo.. may ituturo ako sayo.. pero secret lang natin ito ha.."

"opo ate shay"

"ano nga ulit yung paborito mong bulaklak?" tanong ko sa kanya

"ahm.. yellow bell po ate shay.."

"ahh.. ito ba?" sabi ko pagkakuha nung bulaklak sa tenga nya..

"wow!.. ang galing mo naman po ate.. saan po kayo natutong magmagic?"

"sa isang dating kaibigan.."

Nalungkot naman ako bigla nung naalala ko si kenken.. sya yung taong nagturo sa akin kung paano magmagic..

"ahh.. thank you po ate Shay.." nakangiti nyang sabi

"youre welcome.. sana lagi ka lang nakangiti Merry.. wag mong isipin yung mga bagay na malulungkot dahil bata ka pa ok?"

"opo ate.."

Nakakatuwa na kahit mahirap ang sitwasyon ng ilang bata sa ampunan nakukuha pa nilang ngumiti at maging masaya.

***

Nakakaasar.. Saan naman kaya pumunta yung baliw na si Grey? Bakit hanggang ngayon wala pa sya?

Hindi kaya umuwi na sya sa kanila? pero nandito pa naman yung bag nya eh. tsk pambihira talaga yun.

Mag aalas 9 na pero wala pa rin sya hindi tuloy ako makatulog. nagaalala ako dahil baka kung ano ng nangyari sa lalaking yun. hayyy makalabas nga muna..

Pero pagkabukas ko nung pinto saktong nakatayo sa harapan ko si Grey. Hindi agad ako makapagsalita dahil nabigla ako sa pagsulpot nya.

"S-shay.." halata mong asiwa din sya sa sitwasyon namin.

"a.. kukuha lang ako ng tubig.. pumasok ka na.." sabi ko naman at aalis na sana pero bigla nyang hinawakan yung braso ko..

>_____< eh.. bakit parang nakukuryente ako?

"oh.. dalhin mo ito madilim and daan.." sabay abot nung flashlight

"s-salamat.."

at umalis na ako.. whooo grabe yung kabog ng dibdib ko kanina.. ano ba itong nangyayari sa akin?? bakit ba ako nagkakaganito.??.

pagbalik ko sa kwarto nakita kong nakahiga na si Grey. hindi ko alam kung tulog na ba sya o nagtutulog tulugan lang pero at least hindi na masyadong nakakailang.

Ilang minuto ang lumpipas di pa rin ako makatulog. Magbibilang na sana ako ng tupa ng marinig ko si Grey na magsalita. Hinid pa pala sya tulog..

"sorry.."

"alam kong nagulat ka kanina.. ako rin naman eh.. hindi ko naman talaga plano yung nangyari.. gusto lang sana kita asarin.. nakakatuwa ka kasi kapag naaasar.. para kang aso na mangangagat.."

ay grabe sya..compliment ba yun?

"pero hindi ko pinagsisihan yung nangyari.. that kiss was one of the best thing happened to me.. thank you.."

>/////////<!!!!!!

Shemay pasalamat talaga ako at nakatalikod ako sa kanya ngayon dahil kung hindi baka nakita nya ang mukha ko na sobrang pula..

"Goodnyt Shay.."

At ewan ko kung paano pa ako nakatulog ng gabing yun.. bwesit na Grey..

Madre to be naging Gangster wanna beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon