49

829 26 1
                                    

Chapter 49***

SHAY POV***

Gulat kaming lahat sa nangyayari. Wala akong ideya na si Grey ang tinutukoy ni Shaine na tatapos ng paglabas. Inutusan nya lang kami na ipresent kuno ang isang video para sa chairman pero wala kaming alam kung ano man ang binabalak nila. Para din daw sa kaligtasan namin kaya hindi nila ipinaalam ang plano nila.

"That was an amazing show Grey but I'm sorry to tell you na dito na nagtatapos ang kalokohan mo na ito.." sabi ni Mr. Harrold at naglabas ng folder ang tauhan nya at ibinigay sa kanya. Dahil medyo malapit kami sa stage nahagip ng mata ko ang logo sa folder at kung hindi ako nagkakamali ay logo ng hospital kung saan ako naconfine noong nagising ako bilang si Shaine.

I also remember na doon kami unang nagkita ni Grey.

"This is your medical records from Gullien Hospital saying that you are psychologically unstable. Ayoko sanang ilabas ito but you're not ok Grey... sorry but I'm doing this for your own good.." ngising sabi nya na nakapagpagulat sa lahat

Anong? Psychological unstable? Si Grey? That's imposible, it can't be...

"We better settle this at home.." sabi nya at may lumapit kay Grey na dalawang tauhan ni Mr. Harrold. Balak ko sanang lumapit pero may isang lalaking nakasuit ang biglang nagsalita.

"Let go of him" anito na may authority sa boses yung tipong talagang mapapasunod ka sa gusto nya.

"Mr. Park? What are you doing? Kasabwat ka ba ng batang ito sa kabaliwang ginagawa nya?"

Pero imbes na sagutin ang tanong nito ay nilapitan nya si Grey at kinuha sa hawak ng mga tauhan ni Mr. Harrold.

Nagkaroon pa ng ingay nang may mga lalaking pumasok sa auditorium at may mga nakasukbit na baril sa bewang. Magfrefreak out na rin siguro kami kung di lang namin nakita si Drake na kasama ng mga ito. Maybe they are the agents he's talking about.

"Mr. Harrold Clarkson, we are NBI agents and we would like to invite you for the investigation about the attempted murder case of Shaine Antonio and also about the your connection to the underground organization" sabi ni Inspector Hermes na nakapagpatigil at pinakita ang warrant of arrest sa gulat na si Mr. Harrold

"Wala kayong ibedensya, so you cannot arrest me.." sagot nito ng makabawi sa pagkagulat

"If the video of the culprit is not evidence for you, well we have another concrete evidence waiting at the station for you Mr. Clarkson.." at pinosasan na sya

"This is totally insane.. you will arrest me just because of my nephew crazy story? Unbelievable.. Do you know who I am?! I can sue all of you!!" Nakita namin na pulang pula na sya sa galit

"Walang maidudulot na maganda ang pagiging mainit ng ulo mo uncle... Sumama ka nalang sa kanila para mapatunayan mo kung guilty ka o hindi.." sabi ni Grey sa kanya na lalong nagpatiim sa bagang nito at parang Leon na mananakmal

"Ang kapal ng mukha mo! Akala mo kung sino kang bata ka.. Ano bang pinagmamalaki mo ha? Ang pagampon sayo ng magaling kong pinsan? Wala kang utang na loob!! Kung hindi naman dahil sa akin ay wala ka na sa kinatatayuan mo!! Lapastangan ka! Sana noon pa man ay pinatahimik na kita katulad ng ginawa ko sa mga magulang mo!!" Galit na sigaw ni Mr. Harrold try to grab Grey's collar and push him on the floor mabuti nalang at napigilan ito ng ilang agent.

Ito ang hinihintay namin. Na sya mismo ang umamin sa kasalanan nya. I see a victorious smile forming from the lips of Grey.

"So tama nga ang sinabi ni Mr. Park.. May kinalaman ka sa car accident nina mommy Grace at Daddy Arnulfo. Demonyo ka talaga" sabi nito sa kanya pagkatapos makatayo.

Madre to be naging Gangster wanna beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon