Crush

1.2K 41 5
                                    

Chapter 24

NORMAL POV***

"Lagyan mo sya ng cutics Jelly!" Honey

"pero gusto ko syang ipitan!!"sagot ni Jelly sabay pout

"mas magaling ka sa cutics.. dali na tapos lagyan mo din ng glitters pagkatapos.." sabi naman ni Honey..

"sige na nga!.. oy kuya cake wag ka magalaw ha..?" sabi ni Jelly kay Drake.

"oo na.. pero ingatan nyo ang kuko ko kundi lagot kayo sa akin.." nakasimagot na sabi ni Drake..

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa kanya. Mukha syang lalaking manika dahil sa pinaggagawa sa kanya nung dalawang bata..

May laro kasi sa party na make-up contest at dahil kulang sila sa mga aayusan wala kaming nagawa kundi sumali. Noong una pa nga halos magwala si Drake pero dahil kay Father pumayag na rin sya sa huli..

"ate teyn diba gusto mo ng kulay black?"tanong ni Love sa akin na may hawak na cutics.. sya yung bata na may hawak na teddy bear.. ang cute nya ang sarap iuwi hehe

"gusto ko?" so black pala ang favorite color ng kambal ko..

"opo sabi mo yun dati.. akala ko nga gusto mo ng pink kasi yun ang fav. ko eh.."si Minmin ang sumagot. Pansin kong fashionista syang bata at ang ganda pa.

"ahh.. sige kayo na bahala.." mukha namang may alam sila pagdating sa mga ganito.

"hoy masakit!.. wag mong hilahin!..arg!" napatingin ako kay Drake na sumigaw.. Hinihila kasi ni Honey yung buhok nya para ipitan.

"eh kasi ang likot mo naman kuya cake eh.. di kita maipitan ng maayos ang dulas pa ng buhok mo.. nilalagyan mo ba ito ng oil?"Honey

"oil ka dyan.. wax po tawag dyan.. pampagwapo kaya yun..batukan kita dyan eh" sagot ni Drake. Tingnan mo yun pinatulan pa ang bata.. tss

Ang kulit nila. Nakakalungkot lang kasi malapit na akong umalis. Ito na ang huling pagkakataon na magpapanggap ako bilang si Shaine. Kailangan ng matapos ang pagkakamaling ito.

Hindi ko makakalimutan lahat ng nangyari sa akin bilang si Shaine. Yung saya na magkaroon ng pamilya, mga kaibigan at buhay na dati ay pangarap lang ng isang batang nasa ampunan katulad ko.

Sobrang mamimiss ko silang lahat. Sana lang may pagkakataon akong makapagpaalam sa kanila bilang si Shay.

"ate teyn why are you crying?"

"h-ha?.."
hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Ang iyakin ko talaga.

"w-wala to.. napuwing lang ako.."tapos nginitian ko silang dalawa at pinagpatuloy nila ang pag-aayos sa akin..

Nung matapos sila tuwang tuwa yung mga bata. Nagtatalon pa silang lahat. Nung makita ko naman ang itsura ko sa salamin nagulat ako dahil ang galing pala nilang magmakeup hindi mo aakalaing bata lang yung gumawa. Pwede na silang magtayo ng parlor nila.. nakakaamazed ^_____^

"ate teyn tingnan nyo po si Kuya cake oh.!"Minmin

Nilingon ko naman si Drake at OMYGULAY!!!

O_______O?!!!!!

"Waahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!!!" omygod ang grabe yung itsura nya! muntik ko na syang di makilala..

"Wag ka ngang tumawa!! pambihira.. This is so embarassing!!" sabi ni Drake na nakabusangot ang mukha..

"Hahaha.. ano ka ba?.. ang ganda mo nga eh.. mukha kang.. pfffft.. mukha kang manika ahaha" at maiyak iyak na ako sa kakatawa

Mukha naman talaga syang manika eh. Sobrang pula nung checks nya na kitang kita kasi maputi sya tapos makapal pa yung eye shadow nya. May lipstick din sya pero di naman ganun kapula. Tapos may kung ano anong kulay ng ipit sa buhok nya.. Ang cuteeeeee!!! wahahaha

Madre to be naging Gangster wanna beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon