Shay is Back!

1.2K 47 0
                                    

Chapter 20

Normal POV***

"Malapit na ang Annual Ball.. im so excited na to perform again on stage!!" Haeley

"Ako din.. Dadami na naman ang fans ko nito panigurado.." pagyayabang ni Dwaine na nakapogi sign pa..

"May fans ka pala Dwaine?.. ngayon ko lang nalaman.."pambabara ni Kylie

napabusangot nalang si Dwaine dahil wala syang kakampi. kawawang bata..

Pauwi na kami ngayon galing sa band practice namin. Busy na rin kami dahil nga sa parating na Annual Ball ng school. Kasabay kasi nun ang Interhigh competition kaya halos wala na ring klase. Wala ngayon si Ully dahil may kailangan daw syang gawin.. Mukhang alam ko naman kung ano yun hihi lumalablayf kasi si Ully boy..

"Grabe talaga kayo.. sumbong ko kayo kay Kuya Drake.. pinagkakaisahan nyo ako.." sabi ni Dwaine na nakapout pa.. pasalamat sya bagay sa kanya yan kundi baka nabatukan ko na ito..

"Asa ka pa Dwaine.. baka unahan pa kami nun na barahin ka.. haha" Kylie

Ang astig talaga ni Kylie kahit kelan. Bukod sa band varsity din sya ng school kaya minsan nalang namin sya makasama.

"wait.. speaking of Drake bakit parang di ko na nakikita yung taong yun?"Haeley

"Kasama sya sa varsity pero minsan ko lang naman sya nakikita sa gym.. maaga din syang umuuwi.."pati si Kylie nagtataka na rin sa engkatong bestfriend ko

"May inaasikaso yata sya sa trabaho nya.."sagot ko.. actually minsan ko lang din sya makita simula nung nagyaya syang kumain ng cup noodles..

Nasa gate na kami nung naalala kong naiwan yung math notebook ko sa room. Hala may activity pa naman kami..

"Guys kailangan kong bumalik sa room natin.. mauna na kayo.."

"ha?.. hintayin ka nalang namin.."Haeley

"sige.. sandali lang ako.."at umakyat uli ako sa room..


Pababa na sana ako pero may napansin ako sa library. Parang may tao. Pumasok ako sa library at may nakita akong lalaking nakaitim na jacket at nakamask.

May kung anong hinanahanap sya sa isang bookshelf doon..

Parang may biglang may nagflash na alaala sa utak ko.. mga lalaking nakaitim. Biglang akong kinabahan ng husto dahil sa mga alaalang yun.

"Sinong nandyan?!!" sigae nya ng mapansin ako


Hindi na ako makagalaw sa aking kinatatayuan.Gustuhin ko mang tumakbo ngayon hindi magawa ng katawan ko. Tuloy-tuloy din ang paglabas ng mga imahe na nagpapasakit sa ulo ko ng husto..


Naalala ko na..


Yung gabing nawala ang alaala ko .


Kung sino ako..


Naaalala ko na ang lahat..


Nanghina yung tuhod ko. Wala na ring humpay ng pag-iyak ko. Sa takot.. sa kaba.. halo halo na ang nararamdaman ko ngayon..

Yung lalaking nakaitim naman ay papalapit sa pwesto ko.. Hindi ko magawang tumakbo o magsalita man lang.. naiinis ako sa sarili ko ngayon.. bakit ayaw ng katawan kong kumilos..

"kung sinuswerte ka nga naman.. hindi ikaw ang pakay ko pero ikaw ang kusang lumapit..." malademonyo nyang sabi..

Hindi ko sya makita.. Natatakot akong tingnan ang mukha nya. Nahihirapan na akong huminga dahil sa panic attack ko..

Naglabas sya ng baril kaya lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.. Kahit umatras sa pwesto ko hindi ko magawa. Katapusan ko na ba talaga?

*BANG!**

narinig ko ang putok ng baril pero hindi ako tinamaan. May biglang sumulpot na tao at binaril nya yung kamay nung lalaki..

Hindi ko rin makita ang mukha nya dahil nakahoodie ito at walang ilaw.

Buhay pa ako..Nligtas ako ng taong yun.


Doon lamang ako nakagalaw.

Napaluhod nalang ako sa takot at sa sobrang kaba dahil sa mga nangyayari ngayon...


"TANG¡N@!!.. Paki-alamero ka!!" sigaw nung lalaki at tumakbo na sya palabas..

Medyo nakahinga na ako ng maluwag pero hindi pa rin ako tumitigil sa panginginig ko at pag-iyak.

Lumapit sa akin yung taong nagligtas sa akin.. At iniabot nya ang isang panyo pero dahil masyado pa akong tulala sa mga pangyayari kinuha nya ang kamay ko at inilagay ang panyo..

"WHAT THE HELL??.. ANTONIO?!!"

biglang pumasok si Grey.. Pawis na pawis sya at hinihingal pa.. Nakatingin sya sa pwesto ko mas lalo akong nakahinga ng maluwag ng makita ko sya..

Bigla namang nagmadaling umalis yung taong nagligtas sa akin..naiwan yung panyo sa kamay ko. Hindi man lang ako nakapagpasalamat.. Lumapit si Grey sa akin matapo buksan ang ilaw kaya nakita ko ang paligid na magulo at halata mong may nangyaring gulo..

"Ayos ka lang ba?!.. nakarinig ako ng baril kaya tumakbo ako agad papunta dito..!! ano?.. may tama ka ba ha?!" nag-aalalang tanong ni Grey..

"G-grey..."

Yun lang ang salita na kaya kong sabihin ngayon.. wala talaga akong lakas.. parang hinigop lahat ng lakas ko..

Isang mainit na yakap ang para bang nagpahiram ng lakas sa akin. Ang higpit ng pagkakayap nya sa akin..

"shhh.. you can cry..dont worry now.." at parang cue ang sinabi ni grey dahil bigla nalang akong humaholgol..

Hinigpitan nya pa ang yakap sa akin na tila ayaw nya akong paalisin pa. Sa sitwasyon ngayon wala akong nagawa kundi sumandal sa kanya. Hindi ko kaya kung mag-isa ko ngayong haharapin lahat ng nalaman ko..

"OMG!! What happened here?!.. Besty are you ok?!" narinig ko sila Haeley pero hindi pa rin ako umaalis sa pagkakayakap kay Grey

Pakiramdam ko kasi pagumalis ako bigla nalang ako matutumba.

"Grey anong nangyari?.. ok lang ba si Shaine?" Kylie

lahat sila nag-aalala. Pag-aalala na hindi naman para sa akin. Humigpit ang pagkakahawak ko kay Grey..

"Ako na munang bahala sa kanya.. can you guys just report what happened here to the police.?" Grey.. ngayon ko lang sya nakitang ganito seryoso

""b-but--" aangal pa sana si Haeley pero inunahan na sya ni Kylie magsalita

"sige anderson kami na bahala magreport about this incident.. take care of her.." Kylie

Inalalayan akong tumayo ni Grey. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ang mga tuhod ko. Kung hindi lang siguro nakahawak sa akin si Grey baka bumagsak na ako sa sahig.

"Ate.."si Dwaine yun. Halata sa boses na gusto nyang magtanong. Pero alam kong hindi ko pa kayang humarap sa kanila..

Hindi ko sila magawang tingnan. Naiinis ako sa sarili ko. Niloko ko sila. Hindi ako dapat nandito.

This is not my life..

Im not Shaine Antonio...

I am Shay Garcia..

Madre to be naging Gangster wanna beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon