35

1.1K 37 2
                                    

KABANATA 36***

SHAY POV**

"so kailangan ko ulit magpanggap na si Shaine?!"

Dyos ko ano ba tong buhay ko?? wala na yatang katapusan ang problema eh..

"yeah.. hindi natin alam kung kelan kikilos ang organization para bawiin sa kakambal mo ang black book na hinahahap nila.. habang nakikita nila si Shaine alam kong wala pa silang gagawin na hindi maganda.." paliwanag ni Drake..

Pero kahit anong explanation pa ang gawin nya ang hirap pa ring iabsorb ang lahat. Hello? ikaw kaya kwentuhan ng gangster black book at mafia hindi ka kaya mawindang?? tss

Batay kasi sa kwento ni Drake. Sinadya ni Shaine na magkapalit kami ng pagkatao para maitago nya yung black book na gustong kunin nung mga taong kumidnap sa akin dahil sa akala nilang ako sya. Hindi ako ginalaw nung mga taong yun bilang si Shaine dahil kabilang ang kakambal ko sa mga kilalang High profile mafia leaders.

Nung araw na umalis ako sa mansyon, bumalik na sa tama ang lahat. Ako bilang si Shay at sya bilang si Shaine. Pero ngayon.. may panibago na naman kaming problema..

"pero.. paano tayo makakasiguro na ok lang si Shaine?.. we dont know where she is right now.. paano kung.. k-kung.."

"you dont need to worry that much.. i know Shaine very well.. she can handle herself.." And he gave me an assurance smile..

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa daming impormasyon na nalaman kko ngayong araw na ito. Una yung pagkatao ni Grey na si kenken pala. Then ngayon naman itong pagkawala ulit ng kambal ko for real. Hay buhay nga naman...

"Shay.." tawag sa akin ni Grey..

"Oh?"

"Kailangan mo ba talagang magpanggap ulit bilang si Antonio?.. alam nating delikado.." halata sa boses ni Grey na nag-aalala sya.. Ako rin naman eh.. natatakot ako sa mga nangyayari at posible pang mangyari..

Pero ito ang kailangan kong gawin..

"Oo.. kailangan Grey.." determinado kong sagot..

***

"Papasok ka na ba Shaine?" tanong ni Mr. Antonio

"Opo Dad. May importante po kasi akong gagawin sa school.." paliwanag ko kahit ang totoo ayaw ko lang makisabay sa kanila. nakakailang pa rin kasi..

"I see.. mag ingat ka.. call me when you got to school.."

"K.."

Huli kong sinulyapan si Kuya Stanley na kung makatingin sa akin akala mo may mali sa itsura ko. Baka naman nahalata nyang hindi na ako si Shaine? Pero imposible naman dahil ayos gangster na ulit ako.. malayo sa madre look ko sa kumbento.. Naguguilty na nga ako dahil manloloko na naman ako ng tao. hayyy

"Tagal mo naman. Tutubuan na ako ng damo dito kakahintay sayo.. tsk" reklamo ni Grey pagkalabas ko palang ng gate. ~_____~

"Sino bang nagsabi sayo na sunduin mo ako ha?! kaya ko naman maglakad magisa noh!" pagsusungit ko. tss kaaga aga kasi manghighblood ng baliw na ito eh.

"Hoy bakit ba ang sungit mo?? mabait ka naman nung mga bata tayo ah.. anong nagyari sa sweet at maganda kong kababata ha? ha? ha?" sya sabay kurot sa pisngit ko..

"viytaw na Grey!! awtch!.. ano ba?!"

Dyos ko bakit ba ang kulit ng lalaking ito?! Makakasapak talaga ako ngayon ng tao talaga naman..

"Shaine!"

Sabay naman kaming napalingon ni Grey sa tumawag sa akin este sa kakambal ko pala pero ako muna ngayon.

"Drake?.." oh ano namang ginagawa ng isang ito dito?

"Papasok na ako eh sabay sana kita.." sabi nya sabay tingin kay Grey

"ah o-"

"kasabay ko sya.." biglang sabi naman ni Grey. Anong sinasabi nito wala naman akong sinabing ganun ah. Imbento rin itong baliw na ito eh..

"Ah.. edi sabay sabay na tayo.."Drake

kaya wala akong nagawa kundi sumabay sa dalawang kumag. Hindi naman sila halatang may galit sa isa't isa noh? kung makapagsiringan kasi wagas..

"Nagaway ba kayong dalawa?" tanong ko nung nasa bus kami..

Wala kasing nagkikibuan sa dalawang katabi ko. Kulang nalang amagin ako sa gitna nila eh. pero ni isa walang pumansin sa akin. Pambihira magkakasala talaga ako kung laging ganito ang makakasama ko grrr..

Nang makarating na kami sa school nakisabay ako sa agos ng mga estudyante para mailigaw yung dalawa at nagtagumpay naman ako. Gusto ko munang mapag-isa ngayon. Magulo pa masyado ang utak ko.

Dati isang simpleng estudyante lang ako na pangarap ay maging isang simpleng madre at makatulong sa kapwa. Pero ngayon isa na akong gangster este wanna be gangster pala. Nagbago ang takbo ng buhay ko dahil black book na yun. *sigh*

"Lalim naman nun.. muntik na akong mahulog.."

napaigtad ako sa pamilyar na boses na narinig ko mula sa likuran.

"Ashley??!.. A-anong?.. bakit?.. p-paanong?.." walang salita ang lumalabas sa bibig ko dahil sa gulat.

"tss.. akala mo ba ok na sa akin yung iniwan mong sulat ha?! Aba babae.. sinong matinong tao ang magdedesisyon ng ganun kadelikado ha?!.." pagtataray nya. Maldita si Ash pero alam ko naman deep inside mabait sya..

"Ash.. ayoko lang madamay ka kaya hindi na ako nakapagpaalam sayo ng maayos.."

"tss.. kahit na.. simula nung makidnap tayo damay na ako.. kaya kahit na anong mangyari tutulungan kita doon sa siga mong kakambal.."

"ANO?!!"

Nababaliw na ba ang babaeng ito? hindi nya ba alam na seryosong bagay ang sinasabi nya? Buhay ang nakataya dito.. ayoko na idamay pa sya..

Pero mukhang desidido na sya dahil sa uniform na suot nya na katulad ng suot ko ngayon..

tss problema na naman.. hay may forver na talaga...

Madre to be naging Gangster wanna beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon