Being her for the last time

1.2K 39 0
                                    

Chapter 23

NORMAL POV**

Pinili kong di muna pumasok ngayong araw. Sa mga nalaman ko hindi ko alam kung kaya ko pa bang mabuhay bilang si Shaine. Paano ba nila ako napagkamalang si Shaine?

"are you sure youre ok baby?.." tanong ni Daddy nang makita ako sa sala

"opo.. ok lang.. ipapahinga ko na lang po.."sagot ko

"alright.. but if you need anything call me ok?"

"yes D-dad.."
Nakakaguilty naman ito.. Parang niloloko ko si Mr. Antonio ngayon na alam ko ng hindi ako si Shaine. Pero hindi naman pwede agad-agad kong sabihin na nagkamali lang sila. Ang laki na ng gulo na nagawa ko..

"Ok ka lang ba talaga Hija?" tanong ni Manang

Kahit sya nag-aalala na rin para sa akin.

"ok lang po.. Pasensya na po hindi ako nakaluto ngayon.." ayoko kasing bumaba kanina na paga pa ang mga mata ko..

"naku hija ayos lang.. Namiss ko na rin namang ipagluto kayo."
sabi ni Manang.. Tumayo na rin syang parang nanay ni Shaine dahil ito daw ang nag-alaga rito simula nung dumating sya sa pamilya Antonio..

Ang swerte talaga ng kakambal ko.. Sana lang alam ko kung anong nangyari sa kanya..

"Manang lalabas lang po ako.. papahangin lang.." paalam ko.. kailangan ko muna sigurong mag-isip isip

"Sige Shaine.. mabuti yan para umayos na ang pakiramdam mo.."

Lumabas na ako ng bahay. Hindi naman kalakihan ang subdivision na ito kaya sigurado akong di ako maliligaw..

Gusto ko sanang pumunta sa secret place na pinuntahan namin ni Drake kaso parang hindi tama.. Hindi naman ako yung dapat na dinala nya doon eh.. Si Shaine dapat..

Pumunta nalang ako sa Simbahan. Naalala ko tuloy ang mga madre na nagpalaki sa akin.. kamusta na kaya sila.

"Akala ko ba masama pakiramdam mo?"

"Drake.. anong ginagawa mo dito?" pasulpot sulpot naman ang engkatong to..

"Diba dapat ako ang nagtatanong nyan?.. kaya ka di pumasok kasi sabi mo may sakit ka pero bakit nandito ka?" sabi nya at umupo katabi ko.. Pansin kong nakauniform pa sya. Cutting na naman sya.. tss

"Nagpapahangin lang.. pumasok ka na lagi ka nalang absent.."

actually ayaw ko lang talaga sila makita ngayon.. lalo lang ako naguguilty sa sitwasyon ko..

"May lead na kami sa lalaking pumasok sa school kahapon.. Tingin namin mukhang may bagay syang hinahanap sa school.. Inaalam pa namin kung ano yun.. May napansin ka ba kahapon na kakaiba sa lalaking yun?" seryosong tanong nya. He's on his detective mode now.

"Wala.." sagot ko pero ang totoo alam kong may kinalaman yung lalaki sa pagkidnap sa akin noon..

"Ganun ba?.."mukha namang naniwala sya sa sinabi ko..

"Shaine ikaw ba yan?" napalingon kami pareho sa taong nagsalita.

"Ngayon ka nalang ulit nakapasyal dito ah.. Hinihintay ka pa naman ng mga bata.. namimiss ka na nila.." masayang kwento ni Father.. so kilala pala ni Father ang kambal ko..

"mga bata?.. do you mean the kids from daycare center Father?.."napatingin ako nang magsalita si Drake.. ano namang problema nya? makapagreact naman sya akala mo may nangyaring milagro

"yes.. Shaine is one of our volunteer worker sa daycare center.. nagkulang kasi kami nung nakaraang taon kaya nagpresenta sya.. nag-alala nga kami nung di ka na dumadalaw dito.. may nangyari ba sayo?" tanong ni Father sa akin..

"ahm.. naaksidente po kasi ako pero.. im better now.." i used the term better cause i know im far from being ok..

"Mabuti naman kung ganun.. pero gusto nyo bang sumama sa akin ngayon?? im going to the daycare center may palaro sila para sa mga bata.."

"Hindi na po/Sige po"Ako/Drake

Nagkatinginan kami ni Drake. Ano naman kayang plano ng engkatong ito?

"Sama kami Father..DIBA?!" Pinandilatan nya ako ng mata.. mukha syang timang..

Tumango nalang ako bilang sagot. Ano pa nga bang magagawa ko? Sya na nagdesisyon eh.~___~

Pagdating namin sa daycare center agad akong sinugod ng mga bata. Muntik pa nga ako maout balance kung di lang nakaalalay si Drake sa likuran ko..

"Ate teyn bakit ngayon ka lang ulit punta dito??"tanong ng isang cute na batang babae na may hawak hawak na teddy bear..

"Oo nga po ate teyn.. tabi mo dati lagi ka dito punta.. taan ka galing?" sabi naman nung isang bata na nakayakap sa akin..aww ang cute nya

"ah.. kasi.." Hindi ko alam kung paano sila kakausapin. Hindi naman kasi ako yung ate Teyn nila

"teka sino sya ate?.."at lahat sila napatingin kay Drake na nasa likod ko..

"hehe.. hi?" napakamot lang sya ng ulo nya ng isa isang lumapit sa kanya ang cute na mga bata..

"sino ka?"

"bakit kasama mo ate teyn namin?"

"boyfriend ka ba nya?"

ang dami nilang tanong kay Drake.. kaloka parang mga imbestigador lang sila..

"ano pangalan mo?" sabi nung cute girl na may teddy bear..

"ako si Drake.. bestfriend ako ni ate teyn nyo.."sabi nya at pinat sila sa ulo.. hilig nya yung ganun.. tss

"lake?"

"hindi bake daw.."

"akala ko cake.."

ang dami nilang sinasabi pero wala namang tumatama sa kanila.. natatawa lang ako sa kakulitan ng mga bata. Naalala ko tuloy yung mga bata sa ampunan..

"Naku tama na yan mga bata.. baka nakukulitan na sa inyo ang mga bisita natin.." isang magandang babae ang lumapit sa amin. Sya siguro ang namamahala sa daycare center..

"teacher bumalik na po si ate teyn namin!!" sabi nila at hinila ako papunta sa teacher nila

"makikipaglaro po ulit sa amin si ate teyn.. diba ate?"

"ah.. oo naman.." at nginitian ko sya

"Love punta ka muna kina Father Romel.. bless muna kayo sa kanya.." sabi nung teacher sa kanila at agad namang nagsitakbuhan yung mga bata paalis..

"Nasabi na sa akin ni Father ang nangyari sayo Shaine.. nakakalungkot na hindi mo na sila naalala.. alam mo bang lagi ka nilang tinatanong sa akin.. pero mabuti nalang at pumunta ka ngayon.. salamat.."sabi nya..

"salamat din po teacher-"

"Ate Caren.. yun ang tawag mo sa akin.." sabi nya at nginitian ako.

"Ate Caren.. ito nga po pala si Drake kaibigan ko po.." pagpapakilala ko kay Drake.. nawawalan na sya ng exposure eh..

"Hello Drake.. nice to meet you.."

"The pleasure is mine teacher Caren.." cool nyang sabi..

"Ate teyn!!! tara na po magsstart na yung party!!" at hinila na nila kami papasok..

Mukhang kailangan ko munang maging Shaine sa huling pagkakataon. Gusto kong makilala ang kambal ko kahit  sa pamamagitan lang ng mga taong nasa paligid nya.. Pagtapos nito babalik na ako..

Babalik na ako sa St. Teresa Convent. Kailangan ko ng bumalik bilang si Shay..

Madre to be naging Gangster wanna beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon