Date with Bestfriend

1.2K 43 2
                                    

Chapter 17

Normal POV***

Hayy.. isang nakakapagod na araw ngayon. Marami nangyari simula ng mawala ang mga alaala ko. Halos lahat ng tao sa buhay ko nakilala ko na pero bakit ganun? may kulang pa rin.. Parang hindi ko pa kilala kung sino talaga ako.. naguguluhan ako sa pakiramdam na ito..

Mababaliw na yata ako kakaisip eh. Hay naku Shaine mag-aral ka na nga lang. Kinuha ko yung ballpen ko sa study table pero nahulog ito. Butas yata kamay ko eh. tsk

Nang pinulot ko yung ballpen may napansin akong box sa may ilalim ng kama ko. Kinuha ko yun at binuksan. Mga letter at ibang gamit ang nakatago doon..

Ano kaya ang mga ito?.. Bakit ko ito tinatago?

"SHAINE SI DRAKE NASA TELEPONO GUSTO KA DAW MAKAUSAP!!" sigaw ni Manang Celing galing sa baba

Ano ba yan istorbo naman si Drake. Ano kaya problema ng lalaking yun?

"PABABA NA PO!!"

Tinago ko na yung box at bumaba na. Sa ibang araw ko nalang siguro babasahin yung mga sulat.

"Bakit?" sabi ko pagkakuha ko ng phone

"Hi din... grabe ka Shaine ganda ng bungad mo ha?.." Drake

"eh bakit nga?.. ano kailangan mo?"

"Kain tayo. Nasa labas ako.."sabi nya

"Ano?!!!!" Nagjojoke ba sya? ano namang ginagawa nya dito ng ganitong oras?

"Dali na.. ang lamig kaya dito sa labas." nanginginig pa yung boses nya kaya tumakbo ako sa pintuan at nakita ko si Drake sa labas.

"Loko ka talaga.."sabi ko ng makita syang kumakaway.

"yeah gwapo talaga ako.."sagot nya.

binabaan ko nalang kaya bigla syang sumimangot.. hahaha asar talo talaga si Drake..

pumasok muna ako sa loob para magpaalam kay Daddy. Pumayag naman sya dahil may tiwala daw sya kay Drake. Edi sya na may tiwala ako walang tiwala sa mokong na yun ahaha

"tagal mo naman.." reklamo nya pagkalabas ko

nakashort lang sya at simpleng poloshirt pero lakas ng dating. Ang gwapo talaga ng lokong ito..

"Ano bang trip mo?.. gabing gabi na.."

"Gusto ko kumain ng ramen ngayon eh.. wala akong kasama."

Ah magyayaya lang pala ng date.. teka??
........
.....
.....
Date?!! >////////< ano ba tong iniisip ko!!

"oh.. bakit namumula ka?"Drake

Hala..

"ah.. k-kasi.. m-malamig.. giniginaw na ako kaya ganun.." pautal utal na sabi ko. ang init na talaga ng mukha ko..

"Haist.. tara na nga.. baka magkasakit ka pa eh.. malagot pa ako sjanavajagajnakal" hindi ko masyadong narinig yung huling sinabi nya kasi medyo mahina yung boses nya nun..

Ano daw yun?? kayo narinig este nabasa nyo ba?

"lets go!" sabay akbay sa akin.. waaahhhh ang bango ni Drake!!! >//////////<!!!!

"Hoy bitawan mo nga ako!! ang baho baho mo ehhh" sabi ko pero di tinatanggal ang kamay nya.. echos lang yun..

"Sus.. Ok lang yan gwapo naman ako ehh.."

Ang yabang pero totoo.. Naglakad lang kaming dalawa papunta kung saan.. Napadpad kami sa 7/11.. ok?? ano gawa namin dito??

"tara na namiss kong kumain ng instant noodles eh.." Drake

"dito tayo kakain?!" Pambihira tong engkantong lalaking ito.. matatanggap ko pa kumain ng isaw sa tabitabi pwede pa yung matawag na date ehh..

Hinila nya ako papasok. Sarap nya talagang batukan. Kumuha sya ng tatlong instant noodles.

"bakit tatlo?" tanong ko sa kanya. dalawa lang naman kaming kakain pwera nalang kung may nakikita sya na di ko nakikita

"baka kasi kulang pa sayo.. in case lang naman.." pang-asar na sabi nya.

"hoy grabe ka naman.. di ako matakaw.." teklamo ko kay Drake pero di nya ako pinansin..

Lumabas na kami. Saan naman kami kakain? Gala talaga ng lalaking ito kung saan saan pupunta..

"dito na tayo.." sabi nya

Ok engkanto talaga sya. Tumigil kasi kami sa isang malaking puno. Parang balete nga ito dahil may mga parang ugat na nakalaylay. Creepy!

"Hoy hindi dyan.." at inikot nya ako.

0__________0!!!!
*0*!!!! WOW!! ganda naman dito!! ang daming ilaw.. nasa mataas na lugar kasi kami kaya kitang kita yung city.. At dahil gabi na ang ganda tingnan ng mga ilaw mula sa pwesto namin..

"Ganda diba?.. mas masarap kumain ng cup noodles kung ganito ang view." nakangiting sabi ni Drake.. edi sya na may dimple >\\\\\\\\\\\<

"paano mo nalaman ang lugar na ito?" kasi naman kung di sya gala
at makarating sya dito.. Mukhang nasa pinakasulok na kasi ang lugar na ito eh.. Tagong tago kung baga

"ahh.. may kaibigan kasi akong babae na sobrang pasaway.. lagi syang tumatakas sa bahay nila noong mga bata pa kami tapos naligaw sya..ehh dahil gwapo na ako mabait pa hinanap ko sya.. at aksidente naming nakita ang lugar na ito.. sabi nya ito daw ang magiging secret place namin... kaya simula noon lagi na kaming nandito.."kwento nya na may halo pa ring kayabangan..
Kutusan ko tong engkatong to eh.. Hindi nalang magkwento ng maayos eh..

"Baka naman magalit yung KIBIGAN mong yun kasi dinala nagdala ka ng iba dito.. secret place nyo pala ito eh.." talagang inemphasis ko yung word na kaibigan..

Nakakaselos lang kasi.. Akala ko ba bestfriend nya ako? bakit di man lang nya sinasabi sa akin na may kaibigan pala syang iba.

"Nah.. that's imposible.. she will never get mad at you.." seryosong sabi nya

Mukhang kilalang kilala nya yung babae habang kinukwento nya sa akin. Bestfriend din kaya nya?

"Sabi mo eh.. pero bakit nga pala bigla kang nagyayang kumain ng cup noodles?.. may problema ka ba?"

"problema agad.. di pwedeng gutom lang?.. kaw talaga kung anong pinagsasabi mo.. kumain ka na nga lang.." sabay subo ng noodles nya sa akin.. grabe walang ihip ihip diretso subo talaga..

nung ngunguyain ko na.. may nafeel akong mali.. parang...

>///////////////<!!!!!!!
ANG ANGHANG!!!!!!

"Waaahh.. tu-tubig!!!... ANGHANG SOBRA!!!!" sabi ko habang paypay ng paypay sa bibig ko..

Omygod pulang pula na yata yung dila ko sa sobrang anghang....

"ahahaha ang panget ng itsura mo.. ahahaha para kang kamatis...pfftt hahaha" halos gumulong naman si Drake kakatawa..

"HOY BAKIT DI MO NAMAN SINABI NA SOBRANG ANGHANG NYANG PAGKAIN MO??!!" ang sama talaga ng ugali ng engkantong to sarap nyang ibalik sa gubat..

"nagtanong ka ba?" at tinuloy nya ang walang katapusan nyang pagtawa.. edi sya na masaya ~_______~ wala syang kwenta kadate.. tss pareho sila nung manyak na abo..

eh?.. bakit naman biglang pumasok si Grey?? baliw talaga yun..

(A/N: hahaha sinisi pa si papa grey.. thanks sa pagbasa..)

Madre to be naging Gangster wanna beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon