ELLA* II

4.9K 123 3
                                    

Ella's POV

ILANG minuto na akong nakatunganga. Umabot na sa isang libo yung bilang ko pero hindi pa rin ako makatulog.

Namamahay ata ako. Sinilip ko kung gising pa ba yung apat. Pero mukhang naglalakbay na sila sa dreamland tsk. Hating gabi na rin kasi kaya malamang mahimbing na ang tulog nila.

Napabuntong hininga ako. Totoo ba to? Andito ba talaga ako sa Akademyang ito. Parang kanina lang ay naghihilahan pa kami ng ate ko dahil ayoko talaga sa eskwelahang ito. Bali- balita kasi na mga siraulo nag aaral dito. Hindi Literal ah yung tipong mga nakikipag basagulo, mga brat at rebelde ganun.

At sa nangyari kanina mukhang totoo yung balibalita. Well hindi man lahat pero may mga estudyante pa ring ganun.

May estudyante bang puro tattoo yung katawan? May estudyante bang nagyoyosi sa school grounds? Nakikipaghalikan kahit saang lugar? Nagsasapakan sa gitna ng daan?

Aish ano bang klase eskwelahan to? Tatanda ata ako ng maaga dito -.-

Bumalik na ako sa pagkakahiga at sinubukang matulog.

SAKTONG alas singko ng umaga ay nagising ako. Mukhang hanggang dito ay dala ko pa rin ang nakasanayan ko sa labas.

Tulog pa yung apat kaya ginawa ko na ang morning rituals ko. Saktong alas sais ng matapos ako sa pagluluto.

"Wow!You cook all this?" Bungad sa akin ni Sam.

" Goodmorning" bati ko sa kanila.

Hmm mukhang ala sais ang gising nila ah. Sabagay alas otso pa naman ang umpisa ng klase.

"So Ella ano bang sched mo?" Tanong ni Rhix.

"Hmm Gray Tower: 8-8:30 o'clock. 9-11 sa White Tower. Last ko ay Black Tower 1-2 o'clock."

Nagulat nga ako dahil lima lang subject dito at yung dalawa ay tuwing Tuesday at Thursday. Sa Gold Tower naman yun. Ang sabi nila ay yun daw ang tawag sa mga buildings. Ang weird.

"Talaga ate? Naku parehas tayo ng klase maliban lang sa Black Tower. 3-4 ako dun eh." Sabi ni Joana

"Aww sa Gray Tower lang kita kasabay." Sabi ni Love

Nagtanong at nagkwento sila ng possible na mangyayari sa First day of Class. Nagulat pa nga ako ng sabihin nilang hindi sila gumagamit ng books. Ipad daw ang gamit nila or desktop. At hindi lang yun minsan daw ay hologram ang ginagamit ng mga teacher sa pagtuturo. Syete! Ang high tech ah.

Kaya imbis na maexcite ay kinabahan ako. Langya gusto ko ng umuwi. Baka nangangain ng inosente yun. Hindi ata uso tanga dito.

"Ate bagay na bagay sayo yang uniform mo. Ang cute" nginitian ko lang si Joana.

Bagay? Eh mukha akong anime sa suot ko. Isang itim na skirt knee length ang haba. Isang White Polo shirt na may lining na Black and White kasama ang ribbon na ganun din para sa top. Yung High Cut na sapatos ko na lang ang isinuot ko sa paa kulay itim yun at black na pagback kong Vans.

"Oo nga" pagsang ayun naman ni Sam.

Napasimangot ako sa kanila. Oo na lang.

"Tara na" yaya sa amin ni Rhix.

Sumabay ako kay Joana. Langya kinakabahan talaga ako. Lalo na ng may nakasalubong kaming grupo ng babae na masama ang tingin sa amin. May nadaanan pa kaming ng Mamake out sa ilalim ng puno. At nag aaway sa harap ng Dorm.

"Nanginginig ang kamay mo ate. Mukhang kinakabahan ka ah.Ganyan talaga dito. Kung ayaw mong masangkot sa gulo wag kang mangielam. Wag mo na lang pansinin as much as possible umiwas ka." Bigla naman akong natigilan sa sinabi ni Joana. Binigyan nya lang ako ng ngiti at hinila.

P*taragis na yan. Ano ba tong pinasok ko?

HELL. Yan ang tamang description. Sh.t Sh.t Sh.t mga adik ata mga tao dito eh. May sari sarili silang mundo. Yung iba nagkwekwentuhan na akala mo sila lang yung nasa classroom. Nagmamake up. Nagbabasa. Natutulog. At may nagpapatayan.

Umupo na ako sa unahan. Katabi ko naman si Joana habang si Love naman ay nasa likuran ko.

Hindi ko talaga magets. May nagpapatayan na pero wala pa rin silang pakielam imbis ay nagchi cheer pa sila. Ang gulo!

Hindi ko namalayang may teacher na pala sa harap.

"Goodmorning Class"

Napaikot yung tingin ko sa buong klase. Wala man lang sumagot. Pero umupo na sila sa kanya kanyang upuan.

"Hi. I'm Mrs. Sandoval"

" Ok Let's start. If Doctor med people,Engineer build house then, Fisherman caught fish and Farmer plant grains while me, I teach student. So who am I?"

Ano yun riddles?Logic?

Hmm Doctor, Engineer, Fisherman, Farmer? Who am I?

Ah Teacher.

Napanganga ako na ang tamang sagot ay Mrs. Sandoval.

"Mike is a butcher. He is 5'10" tall. What does he weigh?" Tanong nya ulit.

Kailangan ba ng formula dun?

Napakamot ako ng ulo ng sinabi nyang Meat ang tamang sagot.

Loading...

Langya Interactions pala yung topic. Sabi nya mas madaling makipaginteract sa ibang tao kung alam natin kung paano sila magisip at kumilos.

Buong klase tango lang ako ng tango. Nakakabilib syang magturo infairness.

Hanggang ngayon nga inaabsurb ko pa rin yung nangyari.

"Kumain ka na. I totour kita pagkatapos."

Tulad nga ng sabi ni Joana ay inilibot namin ang campus hindi nga lang lahat dahil panigurado sa laki ng Academy na ito ay kulang ang isang araw para libutin ito.

Halos magningning nga yung mata ko ng dalhin nya ako sa Pool Area. Sabi nya ay pwede daw ito gamitin tuwing walang klase. Kaya mas lalo akong natuwa.

Asa classroom na kami at naghihintay sa teacher namin. Ang galing nga eh open space lang kasi sya. Sa sahig lahat nakaupo at nakapaikot kami.

Tinanong ko si Joana kung bakit ganun. Ang sabi nya ay kailangan daw yun para mas malaki ang space para sa Theater.

Halos himatayin ako sa gulat ng biglang may lumitaw na tao sa harap as in sa gitna talaga. Langya hologram pala.

" Goodmorning. Im Mr. Marquez. For our First Topic is about Mythology"

Wow ang galing. Pagkakumpas kasi ni Sir ay may lumabas na mga tao at lugar hindi lang yun. Nagsimula na ang pagnanarrate. Para kaming live na nanonood ng Trojan War dahil sa 3D ito.

Minsan pa nga napapamura ako dahil feeling ko bigla na lang lalabas ung mga apoy at mga bato dun. Minsan napapangiwi tuwing may labanan feeling ko ako yung nasusugatan eh.

Natapos ang klase na tulala ako. Shocks! nanaginip ba ako?Totoo ba yun? May ganito talaga dito? Eskwelahan ba to? Anong year na ba? 2099? Asa feature na ba ako? Asa mundo pa ba ako ng mga tao?

"Ate Ella tara Lunch na tayo." Tinignan ko si Joana.

"Asa Earth pa ba tayo?"

"Ha?"

Aish mababaliw ata ako dito.

Tumayo na ako." Wala sabi ko tara na" at sinimulan ko ng maglakad.

"Ate sandali... Pfftt-- hahaha haha A-te ano? Hahah "

See pati si Joana nababaliw na. Taragya. Ayoko na dito uuwi na talaga ako. Bago ako mabaliw. Hanep.

~~~~~

Vote and comment.

Ella: The Innocent GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon