Ella* XLI

2K 56 1
                                    

Love's POV

Halos wala ng natira sa kalaban maliban sa lalaking nasa harapan ko ngayon. May ilang sugat siyang natamo pero parang wala lang iyon sa kanya.

Nanatili ako sa kanyang harapan ilang metro ang layo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa kakaibang titig nya. Ibang iba sa kung paano nya ako tignan noon. Kung noon ay puno ito ng lambing ngayon ay wala akong ibang makita kundi ang pagkamuhi.

I tried to ignore everything pero sa isang sagot pa rin nagtatapos ang lahat. Kasalanan ko.

Ginamit ko sya para lang makaganti sa pangloloko ni Ken. Inabuso ko ang pagkakagusto nya sa akin para lang mapagtakpan iyong sakit dahil sa ipinagpalit ako. Ginamit ko sya para ipakitang kaya ko. Na hindi lang si Ken ang lalaki sa mundo para magpakatanga ako. I'm so desperate to get even dahil wasak na wasak ako.

Minahal ko si Ken ng tapat. I tried my best to be a good girlfriend to the point that I gave everything. I gave him everything pero mukhang hindi iyon sapat. Hindi ako sapat. Nangbabae sya. Nagpakatanga ako pero hindi na kaya ng pagkababae ko.

Hindi ako option lang. Hindi ako kung sino lang para tapakan iyong ego ko. Kaya nagpakalasing ako nangako na sa gabing iyon gagawin ko ang lahat para makaganti ako. Noong gabing iyon din ng nakilala ko si Dave. I had sex with him. At doon nagsimula ang panggamit ko sa kanya. Pero kahit ganito ako ay kinunsensya ako. I take him for granted. Hindi ko alam na mahuhulog sya sa akin. So I stop. Umamin ako at iniwan ko sya.

"So it's still him huh?" nakangising nyang sabi. Hindi ko gusto ang tono nya. Para bang handa nyang gawin ang lahat makaganti lang.

"Ang tagal kong hinitay ang pagkakataon na ito."

"Anong ibig mong sabihin?" kinakabahan kong tanong.

Imbis na sumagot ay inilabas nya iyong baril nya at itinutok sa akin. Nanlaki iyong mata ko. Bigla akong naestatwa.

"Whore. You'll pay for what you did to me." mababa pero tagis bagang nyang sabi sa akin. Galit na galit ang kanyang mata. Sa higpit ng pagkakahawak nya sa baril ay halos mamutok na ang ugat sa kanyang braso.

Nanatili akong estatwa sa kanyang harapan. Ilang beses kong hinarap ang kamatayan pero kahit kailan ay hindi ako nakaramdam ng takot. I am not afraid to die. Wala na akong pakielam kahit lisanin ko ang walang kwentang mundo na ito. Wala rin naman akong makitang rason to live. Both of my parents died. Well my mother is still breathing at nagpapakasaya sa buhay nya but for me matagal na syang patay. Matagal na akong nawalan ng isang ina. The moment she entered me to this hell school is the time I killed my mother.

Si Ken? I don't think he really need me to his life. The gang? They can still be the Death Beast without me. Hindi naman ako kawalan sa grupo maging sa mundo. Mapait akong napangisi. That's the reality. A very bitter one.

"Papatayin mo ako? Go! Shoot me Dave. Barilin mo ako." sabi ko sa kanya na syang mas ikinangisi nya.

"As you wish." walang emosyon nyang sabi and then he pulled the trigger.

Umalingawngaw ang dalawang magkasunod na pagputok. Dilat mata kong tatanggapin ang balang handang bumaon sa aking katawan pero nagkamali ako. Mukhang hindi pa sapat ang lahat ng pinagdaanan ko para tapusin ang paghihirap ko.

Nasaksihan ko kung paano tumilapon iyong baril at kung paano tumagas ang dugo sa tagiliran ng ulo nya. 

Napatakip ako sa aking bibig dahil hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Nakahandusay sa harapan ko ang walang buhay na lalaki.

Nanginginig kong binalingan kung sino ang gumawa noon. Na sana ay hindi ko na lang ginawa. The moment that our eyes met alam ko ng galit sya. Hindi ko nga lang alam kung para saan o kung bakit.

My heart beat so fast making it ache. Parang may pumipiga dito sa sakit. He walk fast to my direction hanggang sa namalayan ko na lang na nasa harapan ko na sya at marhas na hinawakan ang magkabilang balikat ko.

Wala akong emosyong maipakita. Parang lahat ng lakas ko bigla na lanag nawala.

He lick his lips because of frustration. Matalimang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. He murmured a curse.

"What the f*ck! Love. Paano kung hindi ko kayo nakita agad?! Shit!" galit na galit nyang sabi. 

"Nagpapakamatay ka ba ha? Hindi mo man lang ba naisip na pwede kang mamatay kapag natamaan ka ng bala? Shit! Have you lost all your sense? Ano nakita mo lang sya nagkaganyan ka na agad."  mas lalong humigpit ang pagkakahawak nya sa balikat ko. Nasasaktan ako pero baliwala iyon sa sakit na nararamdaman ko because of what happened.

Nagiwas ako ng tingin sa kanya at kumalas ako. Imbis na makipagtalo ay pinuntahan ko ang walang buhay na si Dave. Lumuhod ako sa tabi nya. I close his eyes and touch his face. 

The moment I land my hand and feel his cold skin make my eyes heat up. Hanggang sa tuloy tuloy na ang pagtulo nito. I feel sorry for him. Kung kaya ko lang lokohin ang sarili ko matagal ko ng ginawa. This guy is so kind to me. He's an ideal boyfriend na kahit sinong babae ay gugustuhin sya. He treat me as his queen but all I gave to him is heartaches, lies... and now he lost his life because of me.

"S-sorry." the only word na kayang bigakasin ng labi ko. Patuloy ang paghikbi ko at ang paghingi ng tawad. Not until someone grab me and make me stand. 

"The hell. Stop crying over this dumbass! Ano mahal mo pa? ha? Umiiyak ka kasi mahal mo pa iyang gagong yan?!" I can sense the venom to his words.

Kung galit sya ay galit rin ako. How dare he! Sa galit ko ay nasampal ko sya. His head tilt a bit. Kapansin pansin din iyong pagkagulat nya pero wala akong pakielam.

"Wag mong matawag tawag na gago si Dave dahil kumpara sa inyong dalawa mas gago ka. Wala kang alam ka---" napahawak ako sa aking ulo ng makaramdam ako ng pagkahilo. Bigla ang pagalalay nya sa akin pero itinulak ko sya agad.

Tinalikuran ko sya ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakaharap ay  nandilim na ang paningin ko. The last thing I heard ay ang pagsigaw ni Ken sa pangalan ko.

Nagising na lang ako dahil sa ingay. Parang may nagwawala dahil sa kalabog ng iba't ibang bagay. Nahihilo man ay pinilit kong bumangon.

Nakita ko si Ella sa tabi ko na nakatingin sa malayo. Hinawakan ko iyong kamay nya. Agad sya napalingon sa akin at napatayo. Bakas sa kanya ang pagod at pagaalala.

"Kumusta ka na? Anong nararamdaman mo?" 

"I'm fine. Masyado lang akong nastress sa nangyari." sabi ko at pilit na inilihis ang pagalala sa nangyari kanina.

Nakarinig muli ako ng malakas na ingay but this time ay nagpapalitan na ng mga putok. Abot ang kaba ko dahil sa mga naririnig.

"Ella, anong nangyayari sa labas?" kabado kong tanong.

"Habang naglalakad kami panorte kanina ay nakasalubong namin iyong isang grupo ng gang. Nagkainitan kaya ayan."

"Kailangan ko silang tulungan." sabi ko at tumayo pero hindi pa man din ay pinigilan na ako ni Ella. 

"Wag na. Kailangan mo munang magpahinga baka mapano ka lang sa labas. Isa pa binilin ka sa akin ni Ken.  Kahit anong mangyari daw ay wag kang palabasin."

Napairap ako ng marinig ko ang pangalan ng demonyo. Nagulat ako sa biglang pagyakap sa akin ni Ella.

"Akala ko mawawala ka na rin." 

..rin?

Inilayo ko sya at hinarap. "Anong rin?" naguguluhan kong tanong.

Nakita ko kung paano dumaan iyong lungkot sa mata ni Ella. Huminga muna sya ng malalim bago sinabi ang mga salitang nagpatulala sa akin.

"Wala na ang kambal."

Ella: The Innocent GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon