Ella's POV
Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch ngayon. My back is fine now thanks to their new technology. Nadischarge din ako agad kanina... I mean kaming lahat pala. Pati sila ay naconfine dahil sa mga sugat na natamo nila.
Tinapik ko iyong kamay ni Stephen na panay ang lagay ng mga pagkain sa plato ko.
"Tama na. Di ko na mauubos yan." saway ko sa kanya. Inilipat ko yung ibang mga ulam sa plato nya.
"You should eat more. Look at yourself you look like a stick." aniya. Agad ko syang sinamaan ng tingin.
Imbis na makipagtalo pa sa kanya ay sinimulan ko ng kumain. Bahala sya sa buhay nya.
"Don't you think na masyadong unfair ang iscoring?" sabi ni Sam.
"Tingin ko nga may daya talaga yun." dagdag pa ni Joanna.
Tie kasi ang scoring with Slaying Monster which ranked as No. 2 last year. Ayon sa results ay kami ang nag first sa second test pero sa unang pagsubok ay pangalaw lang ang gang.
"We all survived in the first test. While, they lost two members from their gang. We should get high score from that. Dun pa lang kita na lamang tayo." Sam said.
I agree with her pero baka kasi may ibang criteria na pinagbasihan ang mga scorer. Pero hindi rin malabong may dayaan ngang nangyari o ano. Wala naman kasi imposible sa lugar na ito.
Halos mabilaukan ako ng maramdaman ko ang kamay nya sa ibabaw ng tuhod ko.
"Here, take this." aniya habang iniabot sa akin ang isang basong tubig. Ininuman ko agad iyon. I felt relief ng umayos na ang lalamunan ko.
Tinapik ko iyong kamay nya sa ibaba at binigyan ng warning look pero binigyan nya lang ako ng nagtatakang ekspresyon.
"What?" aniya pa.
Napailing na lang ako at nagpatuloy na sa pagkain. Dapat na siguro akong masanay sa mga galawan nya. Aish.
Buong araw ay hindi mawala ang pulang kulay sa mukha ko. Paano ba naman ay panay ang panglalambing ni Stephen at pangaasar ng gang. Nonetheless, I feel so happy. Yung tipong parang musika sa pandinig iyong tibok ng puso ko. Wala yatang segundo na bumagal ito. It feels so surreal na parang ayoko ng matapos.
Shit! I can't believe that I'm falling to this guy.
Hinawakan ko iyong tattoo nya sa braso. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maunawaan ang mga naroon.
Kasalukuyan kaming asa boxing ring. Sinamahan ko syang magensayo na nauwi sa pagtuturo nya sa akin. Kaya eto kami at parehas na pinagpapawisan. Nakasandal ako sa corner ng ring ganun din sya sa aking gilid.
"Anong ibig sabihin ng mga tattoo mo?"
"Uncertainty, madness, void." aniya habang nanatili syang nakapikit.
Napakunot ako ng noo dahil hindi ko talaga maintindihan. Mukhang napansin nya ang pagkalito dahil mapaglaro syang ngumiti.
"Minsan kasi you don't need to understand everything rather feel it." aniya pa.
Nakatulog si Stephen so wala akong magawa kung hindi ang pagmasadan sya. Kahit sa pagtulog ay napakastrong talaga ng feature nya. His thick eyebrows and prominent jaw says it.
I reached my bag ng tumunog ito. I feel delighted ng makita kong tumatawag si Ate Eli.
"Ate!" bati ko sa kanya.
"Ella, kumusta ka na dyan?" tanong nya sa kabilang linya.
Ilang saglit akong napahinto. I don't know if I will tell her the truth or not. Dapat ko bang sabihin kung anong kalokohan ang nangyari sa akin sa loob?
Napahinga ako ng malalim. But I don't want her to worry.
"I'm fine ate. I'm enjoying my stay here." I tried not to be sarcastically.
"Are you sure?" I don't know if it is just me pero may kakaiba sa tono ni ate. Parang bang she's mocking or something.
"Oo naman ate. Bakit naman hindi."
"Sabagay. So how's your friends?"
Napakunot ako ng noo. "They're fine ate. We are fine here. No need to worry."
She laugh. At hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko.
"Mabuti naman kung ganon Ella." aniya ng makabawi sya pag tawa.
"Ikaw? Kumusta ang pagpunta mo sa probinsya? Are you still there?"
"Yes and I started to love here." bakas sa tono nya ang pagiging masaya nya.
Parang gumaan ang pakiramdam ko when she says that. Masaya ako na masaya rin si Ate. After what happen to us this past years. She deserved to be happy.
Saglit lang ang paguusap namin ni ate. Ibinaba nya rin agad dahil daw may trabaho pa syang tatapusin.
Sinilip ko si Stephen kung gising na ba sya and to my surprise ay wala ng tao doon.
Saan pumunta yun?
Iniligpit ko na iyong mga gamit. I'm about to zip my bag ng may pumalupot na kamay sa bewang ko. Napatili pa ako sa gulat.
He chuckled. "Urgh. Ang tinis mong tumili."
Sinimangutan ko sya. "Kasalanan mo."
Hindi ko na tinanong kung saan sya galing dahil based sa wet hair and menthol scent nya ay alam ko ng nagshower sya. Bigla tuloy akong naconcious.
Kumawala na ako sa yakap nya at isinukbit ko na iyong bag ko na agad din naman nyang inagaw sa akin. Kinuha nya iyong kamay ko.
"Hatid na kita." aniya.
Pinilit kong magpoker face kahit kinikilig ako.
"Dapat lang." sabi ko at nagsimula ng maglakad.
Pagkarating ko ng dorm ay sinalubong ako ng tanong ng apat. Mali noong dalawa lang pala dahil tahimik lang na nakikinig sila Sam at Rhix. I tell them what happen and kung paano kami umabot sa ganito. Syempre hindi ko isinama iyong mga part na alam kong hindi naman karapat dapat na isama pa. Still, nagsisiakyatan pa rin sa mukha ko iyong dugo dahil nahihiya ako. Ngayon ko lang narealize na wala man lang kaming matinong paguusap ni Stephen tungkol sa estado namin ngayon. He didn't even courted me or proposed to me or what!
"So kayo nga?" tanong ni Love na hindi ko alam kung pangilang beses nya ng itinanong.
"Hindi ko nga alam." That is the truth. He just said that I am his girl and that's it.
I felt relief ng makuntento na sila sa kakatanong or hindi pa nga eh. Hindi ko kasi talaga alam kung paano sagutin yung ibang tanong dahil ako mismo ay tanong ko rin iyon sa sarili ko kaya siguro nag give up na sila.
Pagkatapos naming magdinner ay nagkanya kanya kami ng gawain. At dahil may love life daw ako ay ako ang pinagurong nila. Honestly, hindi ko makita ang connection sa paguurong at pagkakaroon ng love life.
Pumasok muna ako saglit sa kwarto to get my phone ng maabutan ko rin doon si Sam.
"Can I talk to you?" sabi nya na syang ikinagulat ko.
Nanatili akong nakatayo sa likuran ng pinto. I didn't answer. I just stand there and wait for her.
"I don't hate you but I don't like you either."
I feel it yung kirot. Imbis na magtanong kung bakit ay nanatili akong tikom. I just want to hear it.
"The gang is attached to you even though they know that you are weak and troublesome. They still welcomed you. Alam kong alam mo ang tinutukoy ko. Even Stephen is against you at hindi ko alam kung paano mo nakuha ang loob nya"
"Anong gusto mong palabasin?" hindi ko na mapigilang magtanong. Hindi ko na kasi nagugustuhan ang ipinupunto nya.
"I was trying to say na sana you are worth it for Stephen and for the gang." tumayo sya at tumungo sa direksyon ko.
"When the time comes maiintindihan mo ang sinasabi ko at sana pagdumating ang oras na iyon hindi mo kami talikuran."
"I hope na hindi lang masayang ang isinasakripisyo namin para sayo." dagdag pa nya bago tuluyang lumabas.
BINABASA MO ANG
Ella: The Innocent Gangster
ActionI'm innocent. Simple lang naman ang buhay ko not until I enter that Hell school. It change me. It turn me to the version I never thought I would be. I'm Ella and they named me as... The Innocent Gangster ~~~<3~~~ Written by: MsBlckPn...