Ella* XLIX

2.1K 34 0
                                    

Ella's POV

Humiwalay ako ng yakap sa kanya. I hold his face. God! I miss him so much.

I sighed. "No, Stephen. I can't leave here."

"What?No. Sasama ka sa amin. Tatakas tayo Ella."

Gustuhin ko man ngunit alam kong madadamay lang sila kapag ginawa ko iyon or worst matulad din sila kila Sam. 

Sunod sunod na pagiling ang ginawa ko. "Hindi mo ako naiintindihan Stephen. Hindi nya ako titigilan hangga't hindi nya ako nakikitang nagdurusa. Madadamay ka lang at ayoko ng dagdagan ang mga taong namatay ng dahil sa akin. Hindi na kakayanin ng konsensya ko Stephen."

"Damn! Ella. Do you think na kaya kitang iwan dito? Hell no. Look at yourself Ella. I can't. Sasama ka samin. Ilalayo kita sa impyernong ito." aniya at pilit na kinalas nag mga tali sa aking kamay at paa.

Lumipat ang tingin ko sa bintanang pinanggalingan ni Stephen kanina ng bumungad duon si Sonya. 

"Ang tagal mo. Natunugan na tayo ng kampon ni demonyita." aniya habang tinutulungan si Kyo sa pagtakas. 

Itinayo ako ni Stephen. Hindi ko alam kung ano ang uunahin, ang pakiramdaman ang pamamanhid ng paa ko o ang pagtutol sa kanya.

Malalakas na palitan ng pagputok ng baril ang naririnig ko sa ibaba. Abo't ang kaba sa aking puso lalo na ng makita ko kung gaano kataas ang kinalalagyan namin.

Sa ibaba ay nakita ko si Sonya at Kyo na tumatakas patungo sa mapunong parte ng lugar.

Hindi ko alam kung paano ako nakababa sa ganoong kataas. Basta ang alam ko ay hinahabol kami ng dalawang lalaki. Halos kada putok na ipinapatama nila sa amin ay napapatili ako sa takot.

Up until now ay natatakot pa rin akong harapin ang kapalaran ko. Alam kong hindi na rin naman ako magtatagal ngunit hindi ko magawang tanggapin ito. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Stephen. 

This guy besides me show me the real love. Para sa akin sa kanya ko lang natagpuan kung ano ang totoong pagmamahal. Sa ilang buwan ko siyang nakasama, iba't ibang emosyon ang naramdaman ko, iba't ibang pagsubok ang pinagdaanan ko and in every ends sya ang kasama ko. Tinuruan nya ako kung paano lumaban, kung paano maging malakas, at kung paano maging masaya. 

In my 17th years of existence ngayon ko lang ulit naramdaman na buhay ako and it is because of him. Ipinaramdam nya sa akin kung gaano kasaya ang mabuhay. Kung gaano kasarap ang tumuklas ng mga bagong karanasan. 

Nakakatawa na ang pagpasok ko pala sa Empire ay ang simula at katapusan ng lahat. Empire gives me memories, mga alaalang babaunin ko sa akin habang buhay. I didn't regret to enter to this hell school what I regret is the weak version I am yesterday. Kung hindi lang ako mahina at nagpatalo sa aking emosyon, e di sana buhay pa sila mommy at daddy. Sana masaya pa kami ni ate Eli. At sana walang ng buhay ang nawala at nadamay sa gulo naming magkapatid. 

Hinahabol ko na ang hininga ko. Halos wala na akong lakas sa pagtakbo. Pagod na pagod na ang katawan ko. Mukhang na pansin iyon ni Stephen kaya huminto sya sa pagtakbo at binuhat ako.

"Shit! Just hold on Ella. Malapit na tayo." aniya.

Kahit malamig ang hampas ng hangin ay tumatagaktak ang pawis ni Stephen. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak nya sa akin. Panigurado ay nangagawit na sya at nauubusan na rin siya ng lakas. May ilang sugat na rin siya dahil sa mga sangang tumatama sa kaniyang balat.

"Ibaba mo na ako Stephen. Kaya ko na." sabi ko ngunit hindi nya ako pinakinggan tulad ng dati. Hindi pa rin siya nagbabago napaka tigas pa rin ulo.

"Stephen, put me down. Kaya ko na sabi. Nahihirapan ka na oh."

"Wag mo kong alalahanin. I can do this forever to you." aniya na may ngisi sa labi.

Ella: The Innocent GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon