Ella's POV
Naging normal naman ang buong linggo ko. Oo normal na kahit kabaligtaran nun ang nangyayari.
Sabado na ngayon kaya meaning walang pasok. Pagwalang pasok pwede daw gamitin ang pool.
Medyo madilim pa ang langit dahil alas singko pa lang at wala pang estudyanteng pakalat kalat. Nagjogging ako papunta sa pool area.
Nagsimula na namang magningning yung mga mata ko ng makita yung pool. Ang laki at ganda talaga.
Nagpalit lang ako ng swimming suit at lumusong sa tubig. Waahhh ang sarap ng tubig nakakarelax.
Feeling ko isang taon na ang lumipas sa dami ng nangyari.
Masakit pa nga yung katawan ko dahil sa Taekwando ang klase namin sa PE kahapon.
Lumangoy lang ako ng lumangoy. Halos isang oras din ang itinagal ko bago ako umahon kaya lang takte nag ka cramps pa ako.
Napaupo ako sa gilid ng pool. Putek ang sakit.
" Idiretso mo lang at lagyan mo ng pressure yung paa mo."
Napatingin ako likuran ko. Pero agad ako napangiwi. Takte ang sakit.
Ginawa ko yung sinabi nya pero parang wala namang nangyari.
"Hindi kasi ganyan" naramdaman ko sya sa likod ko. Halos mapatalon ako ng ipress nya yung paa ko at hinila towards me.
"Aray! Shutanginames Kuya masakit!" Napalo ko yung braso nya sa sakit. Pero mukhang malakas ang topak ni kuya dahil mas lalo nya pang diniinan.
Napasigaw ako sa sakit. Halos mapa allelujah ako ng binitawan nya na ito.
Sinamaan ko sya ng tingin at labas ilong na nagpasalamat.
"Crying baby eh?" At nginisihan pa ako. Tsk akala mo kung sinong--
Fine oo na ang gwapo ni Kuya. Mukha syang k popper na badass.
Tumayo na sya at tinulungan din ako. Napatingin ako sa kanya habang naglalakad. May pagkagentle naman pala.
"Salamat" bulong ko sa kanya. Iniupo nya muna ako sa locker area at kinuha yung towel ko at pinatong sa gilid ng locker.
"No problem" ginulo nya ang buhok ko bago umalis.
Napangiti ako. Ang gwapo! Crush ko na ata si... -.- aish nakalimutan kong itanong yung pangalan nya! Yaan na nga.
HINILA ko pababa yung dress ko. Langya ginawa ba naman akong manika nung tatlo.
"Ano ba Ella smile. Tara dali sayaw tayo" at hinila nila ako sa dance floor.
Tinignan ko si Joana ng help me look but she just mouthed me sorry. I'm doomed.
Bakit ba kasi ako napasama dito. Aish actually first time kong magpunta sa isang Bar and to tell you nahihilo ako sa ilaw at ingay idagdag mo pa ang wild ng mga tao.
Tumakas ako kila Sam at Love. Pabagsak akong umupo sa tabi ni Joana na tinatawanan ako tsk.
I wonder kung bakit pinayagang magkaroon ng Bar dito sa loob ng campus. Sabagay ano nga bang bawal dito? Napailing na lang ako.
"Mukhang hindi ka party girl. Same here mas gusto kong uminom na lang kesa makipagdirty dance."
Napangiwi ako ng binottom up nya yung Tequila. Pinatikim nila ako nun kaya lang hindi ko nagustuhan ang lasa.
Tinuro ko yung isang bote na kulay green. "Ano yan?"
"Champagne yan ate. You wanna try?" Bago pa ako makahindi ay nagsalin na sya. Tsk okay try lang naman.
BINABASA MO ANG
Ella: The Innocent Gangster
ActionI'm innocent. Simple lang naman ang buhay ko not until I enter that Hell school. It change me. It turn me to the version I never thought I would be. I'm Ella and they named me as... The Innocent Gangster ~~~<3~~~ Written by: MsBlckPn...