Ella's POV
Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Stephen. After what happen last night hindi ko na alam kung saan lulugar.
Tulad na nga ng sabi ko kahapon hindi talaga ako makatulog 12 midnight na pero gising na gising pa rin iyong diwa ko. Ni hindi ko man lang maramdaman yung epekto ng alcohol sa sistema ko.
Napatakip ako ng unan sa mukha at duon nagsisisigaw. Hindi ko alam pero sobrang bilis ng takbo ng puso ko. Yung feeling na gusto nitong lumabas. Alam nyo yun yung hindi mo maintindihan kung ano? paano? bakit? Feeling ko sobrang nabetray ako.
Grabe nakakahiya kay ate rhix may pa "Mahirap paniwalaan pero alam kon gusto nya ako." pa akong nalalaman. In the end masyado lang pala akong assumera. Nakakainis. Bakit ba kasi ako nahulog sa kalokohan ng tsinelas na yun. Eh una pa lang alam ko ng kanting kanti yun sa pagpapaalis sa akin sa gang nya.
Nakakainis talaga. Bakit hindi ko napansin na wala pa lang meaning yung mga kasweetan kuno ng lalaking yun. Siguro tuwang tuwa yung lintik na tsinelas na yun.Argh! ang tanga ko talaga.
Nakakainis na nakakaiyak. Hinigpitan ko lalo iyong pagkakacover ng unan sa mukha dahil ayokong marinig nila iyong mga hikbi ko. Syet! hindi ko matanggap na umiiyak ako dahil sa kanya. Mas lalo tuloy akong naiiyak.
Buong magdamag ata akong umiyak. Hindi ko alam kung nakatulog ba ako o ano. Sobrang mugto ng mata ko pagkagising ko mabuti na lang at ako na lang ang naiwan sa kwarto.
Nakailang hilamos muna ako bago ako nakuntento sa itsura ko. Bahala na. Eh ganun talaga eh. Uso naman siguro yung excuse na 'kinagat lang ng ipis'
Napatingin ako sa kwintas sa leeg ko. Bigla akong alibadbaran kaya tinanggal ko ito at inilagay sa ilalim ng kama ko.
Kinuha ko na iyong cap ko bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko sila na nagbrebreakfast at as usual umaalingawngaw na naman iyong boses ni Love.
"WAAH! grabe sobrang sakit ng ulo ko. Matagal pa ba yan Sam. Mamamatay na ako." sigaw ni love.
"Sam yung soup kooo*ppp" natawa ako ng biglang sumpakan ng pandesal ni joana si Love.
"Ang ingay mo ate." walang ganang sabi nito sabay dukdok uli.
Napatingin ako kay Rhix ng mapansin ko iyong pagtitig nya. Agad akong nagiwas ng tingin at ibinaba pa lalo iyong suot kong cap.
"Ah magjogging muna ako." paalam ko sa kanila. Hindi ko na hinitay iyong response nila. Umalis na agad ako.
Pagkadating ko sa Oval ay agad akong napatalikod ng makita kong nagjojogging din sila Stephen. Kasama nya si Ken at Drake.
Ayoko na pa lang magjogging. Wala pala ako sa mood.
Nang makalayo na ako ay binagalan ko na iyong lakad ko. Wala akong maisip na pwedeng puntahan kaya pumunta na lang ako sa foodcourt. Kakain na lang ako.
Napangiwi ako. Pati yata sa pagkain wala na rin akong gana.
"Grabe may lahi ka bang kabute?" tanong ko kay Rage na bigla na lang sumusulpot sa harapan ko.
"Ikaw may lahi ka bang bumbay?" hirit nya na pinagtaka ko.
"Sa singkit kong to pagkakamalan mo kong bumbay?"
"Malay ko ba. Daig mo pakasi yung 56 na tinakasan ng mangungutang eh."
Napatitig ako sa kanya. "Grabe. Napaka walang sense of humor mo."
"Ikaw din napaka lifeless mo. Seryoso nga para kang bumbay na naloko." kumento nya habang nangalumbaba pa sa harapan ko.
Napairap ako sa kumento nya. Naloko naman talaga ako eh. Hindi nga lang ng bumbay kundi ng hilaw na amerikano na iyon. Imbis na sagutin at bigyan ng pansin ang presensya nya kinain ko na lang iyong pagkain sa harap ko.
"Seen." rinig kong bulong nya.
Ngumuso ako para maitago iyong ngiti sa mukha ko dahil sa kakulitan nya. Hindi ko alam kung sinadya nya ba talagang malagyan ng chocolate iyong harapan ng ipin nya o sadyang tatanga tanga lang talaga syang kumain.
May tumawag sa kanyang isang grupo ng mga babae. Kinawayan at nginitian. Halatang ang pagtataka at the same time ay ang humor sa mga mukha nila kaya maski ako ay hindi ko na napigilan. Natawa ako, na mas lalo pa akong natawa ng sinabayan nya rin ako sa pagtawa.
"Shit Rage! Shut your mouth." pakiusap ko sa kanya dahil feeling ko kakapusin na ako ng hininga sa kakatawa.
Hindi ko alam kung mas gusto ko pang seryoso sya o ganitong panay kalokohan ang alam nya. Unti- unti akong napatigil sa tawa ng mapansin ko ang dalawang pares ng mata na nakatingin sa amin...sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng magkasalubong iyong mga tingin namin. Sa huli, nagiwas na ako ng tingin dahil hindi ko na kayang salubungin iyong mabibigat nyang titig.
Napaismid ako. Galit sya. Pagkatapos ng nangyari kagabi sya pa ang may ganang magalit. Atsaka bakit naman sya magagalit sa akin? Wala naman akong ginagawang mali.
Napansin ko ang paglakad nila patungo sa direction namin. Agad akong napatayo at iniwan ang lamesang iyon. Ni hindi ko na rin nagawang magpaalam kay Rage dahil sa sobrang pagkakataranta ko na hindi ko alam kung para saan.
Napaupo ako sa sofa dahil sa hingal.
"Oh anong nangyari sayo?" tanong sa akin ni Love sabay abot sa akin ng isang baso ng tubig. Walang sabi sabi ko itong ininum pagkatapos ay napabuga ako ng hangin.
Napatingin ako sa kanya. "May tanong ako kaya sagutin mo ng maayos." sabi ko sa kanya.
Nagkibit balikat sya. "Go ahead. Basta wag math dahil kahit kelan hindi ko sineryoso yan."
Napailing na lang ako. "What if may nakilala kang guy and binibigyan ka nya ng mixed hint yung tipong akala mo may something pero wala naman pala talaga. Yung nagaassume ka na baka meron pero one night nakita mo syang may kasamang iba. Tapos parang may lumulukot sa dibdib mo. Yung sobrang naiinis ka sa lahat. Tapos gusto mo na lang syang iwasan. Gets mo ba?"
Tinignan ako ng seryoso ni Love.
"In like ka." sabi nya tyaka sya tumayo para patayin iyong sinaing.
"Anong in like?"
"Ano pa edi gusto. May gusto ka ganun yun. Hindi ka naman magiging affected kung wala lang iyon diba?" sabi nya na parang siguradong sigurado sya.
Bigla akong napaisip sa sinabi nya. Napashit na lang ako ng mapagtanto ko ang lahat.
Kinagabihan wala akong ganang sumabay sa pageensayo nila. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na totoong may gusto na nga ako sa tsinelas na yun.
"Ella, what the heck are you doing?" pagalit na bati sa akin ni Rhix.
Bigla akong natauhan kaya inayos ko na ang pageensayo. Argh! get your shit Ella. May gyera kang papasukan kaya umayos ka.
Huminga ako ng malalim at pilit na iniwaglit sa isip ko iyong tsinelas na yun.
Bukas kasi magaganap ang ikalawang pagsubok. Hindi ko alam kung anong klaseng pagsubok ang haharapin namin ngayon kaya as much as possible I don't need distraction.
I don't need this damn feelings!
BINABASA MO ANG
Ella: The Innocent Gangster
ActionI'm innocent. Simple lang naman ang buhay ko not until I enter that Hell school. It change me. It turn me to the version I never thought I would be. I'm Ella and they named me as... The Innocent Gangster ~~~<3~~~ Written by: MsBlckPn...