ELLA* XI

3.1K 87 0
                                    

Ella's POV

Sinundan ko ng tingin si ate hanggang sa unti unti syang lumiit sa paningin ko. Di rin nagtagal ay tumingin na ako sa harap dahil nakakahilo ang bilis ng takbo ng tren.

Halos wala pa sa sampu ang nakasakay sa tren na ito pabalik ng Empire. Hindi na ako nagtaka kung bakit ganun.

Sumandal na lang ako sa upuan at isinuot ang headset ko. Hanggang sa nakatulog ako.

Nagising na lang ako dahil sa pagsimpa ng kung sino sa paa ko.

"Tsk. Get your ass up sleepy head." Sabi ng isang Babae bago lumabas ng tren.

She's having a blonde hair with pink highlights. At kung titignan ang fashion style nya ay masasabing isa syang hipster. I wonder kung fan sya ni Avril Lavigne.

Hinatak ko na ang maleta ko palabas.

'Okay. This is it! Wala ng atrasan to' Ella.'

Dumiretso ako sa boarding at medyo na dismaya ako na wala sila Rhix. I wonder kung asan na naman yung apat na yun.

Inayos ko na yung mga gamit ko at nagpahinga sandali. Kahit kasi nakaupo lang ako sa byahe kanina ay pakiramdam ko sobrang napagod ako.

Bumangon na rin ako ng mag hapon na dahil sa gutom tsk hindi pala ako nakapaglunch kanina.

Nagdadalawang isip ako kung magluluto ba ako o sa labas na lang ako kakain. Sa huli ay napagpasyahan kong kumain na lang sa labas dahil sa wala na akong oras magluto at kumakalam na talaga ang sikmura ko sa gutom.

Sa isang Italian restaurant ko napiling kumain. Gusto ko kasing masubukan ang mga dish nila dito. Tutal ay libre naman kaya susulitin ko na.

Naalala ko tuloy noon hanggang tanaw lang ang nagagawa ko tuwing madaan kami ni Ate sa mga magagarbong kainan sa siyudad. Nakakatawa na ngayon ay kahit minuminuto ay pwede akong magpabalik balik.

Pagkatapos kong kumain ay napasyahan kong dumaan muna saglit sa pool area. Ngunit hindi pa ako gaanong nakakalayo ay naramdaman ko na may nagmamasid sa akin.

Akala ko ay guni guni ko lang kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Pero napahinto ako ng naramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko. Hindi mali hindi niya kundi nila.

Kung tatanyahin ko ang yabag na narinig ko ay asa tatlo silang sumusunod sa akin.

Ano na naman ba ito? Kababalik ko lang may trouble na agad. Tsk grabe ah in love na ata sa akin ang kamalasan. Ayaw akong lubayan eh.

Pasimple akong luminga linga nababakasakaling makahanap ng mapagtataguan. Imbis na tumungo sa pool side ay lumiko ako papunta sa oval.

Ang alam ko ay may mga nagpapractice pa doon o kaya ay tumatambay. Ang alam ko rin ay may mga security na nagraround. Siguro naman ay hindi nila ako susundan dun.

Binilisan ko ang paglakad ko. Namamawis na nga ang palad ko sa sobrang kaba. Mas lalo ko pang binilisan ang paglakad ko ng marinig ko na bumibigat ang mga yabag nila.

Natatanaw ko na ang mga tao sa Oval dahil dun ay nabuhayan ako ng loob. Halos lakad at takbo na ang ginawa ko.

Konti na lang. Kahit na nginginig na ang tuhod ko ay tumakbo na ako palayo pero laking gulat ko na bago pa ako tuluyang nakatapak ng oval ay may dumamba na sa akin na naging sanhi ng pagturit ko sa tabing kakahuyan.

Takte napuruhan ata ang likuran ko. Hindi ako makakilos sa sakit ng likod ko at hindi rin nakatulong ang bagay na nakapatong sa akin.

"Aww!"

"Blue?" Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Stephen sa likod ng puno.

Nipapitan nya ako at inialis si Blue sa harapan ko. Kahit hirap ay tumayo na ako. Ala namang mahiga na lang ako dun forever diba.

Sinilip ko saglit yung mga lalaking humahabol sa akin at laking gulat ko na dalawa dun ay yung kambal. Remember si Leigh at Vincent. Ano naman agenda nung dalawang yun sa akin?

Napatingin ako kay Stephen na nakatayo sa harapan ko habang nakatingala.

"Hoy! Salamat. Bakit ka nga pala nandito?"

"Luck I guess"

Anong klaseng sagot yun? Kahit kailangan talaga walang kwentang kausap to tsk.

"Ah" na lang ang nasabi ko at gumaya sa kanya. Tumingala rin ako at dahil wala akong makitang ka interes interesanteng bagay ay nagtanong na ako.

"Anong tinitignan mo?"

"Darkness and light" sabi nya bago nya ako hinawakan sa pulso at hinila.

'Darkness and light'

"Hoy teka! Saan tayo pupunta?" Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak nya sa akin pero sadyang malakas talaga sya. Walang panama ang power ko sa muscle nya.

"Teka! Wait! Sandali! Stop!" Sunod sunod kong sabi dahil kinakabahan na talaga ako.

Kahit ilang beses nya na akong tinulungan ay hindi parin nun mababago na isa syang gangster.

Ewan ko ba pero kinakabahan ako sa kinikilos nya. Parang may hindi tama.

Pilit ko syang pinatigil pero tuloy tuloy pa rin sya sa paglalakad. Hindi ako pamilyar sa lugar kaya Mas lalo akong kinutuban.

Shemay naiiyak na ako pero pilit ko ito ng pinipigilan dahil hindi ko kailangan ng kahinaan ngayon.Kaya kahit nanginginig na ako sa kaba ay nanlaban ako.

"H-hoy! Bitiwan mo nga ako! Tulong! Tulong! Kidnapped!" I shout as loud as I can. At pilit na kumakawala sa pagkakahawak nya.

Nabuhayan ako ng loob ng huminto sya. Di na ako nagpaligoy ligoy tinapakan ko ang paa nya at siniko ko sya sa ilong sabay tulak sa kanya ng malakas.Akma na akong tatakbo ng maramdaman ko na naman ang main it nyang palad sa braso ko.

"Ouch!Takte!pakawalan mo ako! Ano ba! Nasasaktan ako!" Halos mamilipit ako sa sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak nya.

"YOU shut up or you'll DIE?"

Agad akong napatutop ng bibig. Shit nakakatakot sya.

"Good. Now you get in to this fucking door and were done." Madiin nyang sabi.

Nagaalinlangan man ay tumango ako. Damn I don't even have a choice but to do what he want me to do.

Unti unti nya akong binitawan at giniya papasok. Hindi pa man ay bumubungad na sa akin ang kadiliman.

Napahinga ako ng malalim at nagpatangay sa kadiliman. This is it wala ng atrasan.

Kung ano man ang meron sa lugar na ito o kung ano man ang reason kung bakit nya ako dinala dito ay hindi ko alam basta ang alam ko ay I'm in a big big trouble!

Ella: The Innocent GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon