Ella's POV
"That's all. Thank you for coming!"
I sighed and lazily stand up.
Nagkaroon ng orientation about sa magaganap na pagsusulit. I tried to concentrate but my mind is so messed up para intindihin lahat ng sinasabi ni Mr. Anderson. Yes, Stephen's father.
Ang kaninang pagkakatamad ko ay napalitan ng kaba ng nahagip ng paningin ang isang lalaking nakatitig sa akin. Tulad ng mga dati naming pagkikita, wala pa ring pingbago ang mga mata nya. Hanggang nagyon ay hindi ko pa rin ito makitaan ng emosyon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko lalo na't tindig nya pa lang alam ko ng ako ang sadya nya.
Unti-unti ay pinaliit niya ang distansya naming dalawa hanggang sa naging isang metro na lamang ang layo namin sa isa't isa.
I sighed. "Anong kailangan mo sa akin?"
"Ilang beses kitang sinabihan na magiingat ka ngunit hindi mo ako sinunod. Mas lalo mo lang inilagay sa kapahamakan ang sarili mo." malamig na sabi niya. Habang ang mga mata nya naman ay halos lusawin ako sa pagkakadiin ng titig nya sa akin.
"Wala akong oras para makipagbugtungan sayo. Direktahin mo na ako. Ano bang kailangan mo sa akin?" pagod kong sabi sa kanya.
"Inaasahan ko na mangyayari ang bagay na ito ngunit hindi ko maiisip na magiging ganito ang epekto nito sa kanila. Binago mo ang nakaplano Ella." sabi nya habang umuukit ang ngisi sa kanyang labi na tila ba nasisiyahan sya sinasabi nya.
Nanatili akong nakatayo sa kaniyang harapan. Pinipilit na hindi sumabog dahil sa sobrang frustration ko sa mga sinasabi nya.
"You need to be careful Ella. And this time I really meant it. Pinagsigla mo ang laro kaya dumami ang nanonood. And they are all watching you, craving for more."
"Magsisimula na ang laro. Kaya tandaan mo na hindi lahat ng kaibigan ay kinakaibigan, ang iba ay..." pinaliit nya muli ang distansya namin at ipinantay niya ang kaniyang ulo sa akin habang kaniyang mata ay nakatingin sa likuran ko.
"...pinapatay" sabi nya bago sya umalis sa harapan ko.
Napakapit ako sa upuan sa gilid habang pinoproseso ang mga katagang lumabas sa bibig nya. Ano ang ibig sabihin nya?
"Ate Ella ayos ka lang?" sabay dalo sa akin Joana.
Agad akong nakaramdam ng kakaibang kaba.
"Bakit kausap mo si Rage?" sabi nya habang sinusundan ng tingin ang huli.
Rage... Rage pala ang pangalan nya.
"May... may tinanong lang siya. Tara na." yaya ko sa kanya ngunit panay pa rin ang lingon nya kay Rage.
"That's odd." kumento nya.
"K-kumusta na si Sam?" pagiiba ko ng usapan.
Mukhang nakuha ko ang atensyon nya dahil sa kakaibang lungkot na gumuhit sa mata nya. Ngunit pinilit nyang ngumiti.
"Gising na sya. Kaya nga dadaan tayo sa Mall para bumili ng prutas. Mukha kasi sa sususnod na araw pa ang labas nya." sabi nya at hinila na ako.
"Mabuti naman." sabi ko at sumunod sa kaniya.
Pagkatapos naming bumili ng ilang mga prutas ay dumiretso agad kami sa Hospital. Ilang beses akong napabuntong hininga dahil sa kaba.
Kaya ko na ba silang harapin?
"Ayos ka lang ba ate? Kanina ko pa napapansin ang panay buntong hininga mo."
Tumango lang ako bilang tugon kay Joana.
BINABASA MO ANG
Ella: The Innocent Gangster
ActionI'm innocent. Simple lang naman ang buhay ko not until I enter that Hell school. It change me. It turn me to the version I never thought I would be. I'm Ella and they named me as... The Innocent Gangster ~~~<3~~~ Written by: MsBlckPn...