Ella's POV
I tried some combination but it didn't work. Ano ba naman kasing klaseng mga numero ito?
Baka naman password ito ng kung ano. Pero ang haba naman yata nito masyado para maging isang password.
Napahilot ako sa sintido ko dahil sumasakit na ito sa kakaisip. Sabi ko na nga ba wala akong future sa ganito eh.
Teka! Hindi kaya may hidden message sa mga numerong iyon katulad ng kanina. Maybe, ito ang magtuturo sa akin palabas dito.
Maaring ang mga numero dito ay may katumbas na mga letra. Tama! Bakit ba ngayon ko lang naisip ang bagay na iyon?
Dinampot ko muli iyong kahoy na itinapon ko kanina dahil sa inis.
Kung sa alphabet number one symbolize letter A. I substitute the corresponding letter to the numbers. And I get this message.
23011211010805010406181513011408152118200805141301110501060918052015190505011209070820
walkaheadfromanhourthenmakeafiretoseealight
"Aba abuso na 'to ah! Pinagod na nila ako sa kakaisip tapos gusto pa nila akong paglakarin ng isang oras? Wow!" napabuga ako ng hangin sa inis.
Napatingin ako sa braso ko. I just wasted another hour for this.
Padabog akong tumayo at nagsimula ng maglakad. Aish! bahala na.
Halos thirty minutes na akong naglalakad ngunit panay puno at mga malalaking bato pa rin ang natatanaw ko.
Kung nakikita lang ni ate ang kalagayan ko paniguradong pinagtatawanan na ako noon. Sana lang ay walang multong bigla na lang sumulpot dito. Imbis na mayroon pa akong less than a day ay mamatay ako ng maaga.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip kung bakit hinayaan akong pumasok ni ate sa ganitong klaseng lugar. Hay naku! pag nagkita talaga kami hindi pwedeng hindi nya ako bibigyan ng magandang rason. Aba! Ilang beses akong nakipag laro ng tagutaguan kay kamatayan dahil sa eskwelahan na ito. Hindi ko pa nga alam kung makakalabas pa ako sa lugar na 'to.
"Ahh!" napadaing ako ng matapilok ako. Napaupo ako sa sakit. Namumuo na rin ang mga luha sa aking mga mata.
Kinuha ko iyong panyo ko sa bulsa at binendahan iyong namamaga kong paa. Tiniis ko iyong sakit. Mabuti na lang talaga nakikinig ako sa PE teacher ko.
Kusang nagsituluan iyong mga luha ko. Napatawa na lang ako sa kalagayan ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong maawa o maging proud sa sarili ko. I never feel this alone in my entire life.
Hindi ko lubusang maisip na mararanasan ko ang mga bagay na ito. Siguro nga tama iyong kasabihan na 'Live long enough and you'll see everything.'
Pinulot ko na iyong kahoy at pinangalalay sa paglalakad. Wala rin naman kasi akong mapapala kung uupo ako dun at iiyak.
Tumingin ako sa paligid ng marating ko na ang sinasabi ng nasa mensahe. Tinignan ko muli ang oras sa aking braso para makasiguro.
Magsindi daw ako ng apoy pero paano ako magsisindi ng apoy? Wala man lang posporo o kaya lighter dito.
Lumapit ako sa mga bato na naroon. Alam kong pwedeng gamitin iyon para makagawan ng apoy pero hindi naman ako batang girl scout para malaman kung paano gamitin iyon. Ni hindi ko nga matandaan kung nag girls scout ba ako nung bata ako.
Pagkikiskisin lang naman ito diba? Wala namang masamang subukan.
Kumuha muna ako ng mga kahoy na pwedeng gamitin para makagawa ng apoy. Medyo nahirapan pa ako dahil madilim ang paligid.
Sinimulan ko ng pagkiskisin ang dalawang bato. Nakailang subok na ako pero kahit anong gawin ko wala namang nangyayari. Sabi ko na nga ba wala na talaga akong pagasa dito eh.
Nagsisimula na namang tumunog iyong tiyan ko. Aish. Hindi ko na talaga kaya nagugutom na ako. Kinuha ko iyong kahon sa bulsa ko at tinake up iyong isang capsule.
"In fairness! Effective ah."
Dahil nawala na iyong gutom ko I decided to try again.
"OMO." bulalas ko ng lumiyab na iyong tuyong dahon at kahoy.
Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na napansin iyong dugo sa mga kamay ko. Biglang nawala iyong ngiti ko ng may lumitaw na hologram sa harapan ko.
'The fire will set you free. Trust yourself and you'll never feel the pain.'
Napasinghap ako kasabay noon ang pagkawala ng hologram at taanging natira ang apoy na ginawa ko kanina.
Napatingin ako sa braso ko. I have enough time to think about it.
Geez. Ngayon ang gusto naman nila ay i cremate ko ang sarili ko. Ang labo nila. Grabe napakalaking kahibangan nito.
Napahiga ako sa frustration. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko lubos isipin na ang lahat ng ito ay isang laro lang para sa kanila.
Isinara ko iyong mga mata ko kasabay nito ang pagpatak ng luha ko. Sa bawat pagpintig ng puso ko kasabay nito ang pagbabago ng mga numero sa braso ko.
Para akong sinasakal. Na para bang isang kasalanan ang paghinga.
Napahawak ako sa kwintas na suot ko. Gawin ko man o hindi sa kamatayan din naman ang katapusan nito diba?
"Fine! I'll do it"
Lakas loob akong tumapak sa apoy. Kinuyom ko iyong kamao ko. How it is possible na ni wala man lang akong maramdaman.
Unti-unti akong nagmulat ng mata. Isang pares ng mata ang sumalubong sa akin. Nagsimulang magsipatakan iyong mga luha ko.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at niyakap ko sya.
"Shh. It's okay now."
Parang bigla akong nawalan ng boses at tanging pagtango na lang ginawa ko.
Kumalas na ako ng pagkakayakap kay Kyo ng kumalma na ako.
Napangiwi ako ng biglang kumirot iyong kamay ko. Another remembrance tsk.
Umatras ako ng isang hakbang. Shit! Ngayon ko naramdaman yung hiya. Napaiwas ako ng tingin sakto naman ang pagdating ni Love na basang basa. Hindi ko alam kung saan sya galing at bigla nalang syang sumulpot.
"Waaahhh! Ella!" dinamba ako ng yakap ni Love.
"You'll not believe it! dinala nila ako sa gitna ng karagatan and guest what? Muntikan na akong gawing pulutan ng mga pating dun. Grabe ang daming pauso ng eskwelahan na ito. Ang sarap sunugin!" inis na insi na sabi ni Love.
That explain kung bakit basang basa sya.
Di rin nagtagal ay dumating na rin ang iba. After hearing their stories I feel ashamed that I almost give up to the things that happened to me when in fact mas life threatening ang nangyari sa kanila. Maybe because I'm not that strong.
or it's just that I'm not ready to die yet.
Habang naglalakad kami papalabas ng arena na pansin ko ang mga naka hood ng all black na may buhat na malaking bagay na nakabalot sa itim na tela.
Kinalabit ko si Joana sa tabi ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakaget over sa pakikipaglaro nya sa Minotaur sa Labyrinth. Sa amin lahat sya lang yata ang nasiyahan. Nakita nya raw kasi si Theseus.
"Bakit ate?"
Tinuro ko iyon sa kanya. Agad naman syang lumingon. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mata nya. Parang bigla syang nalungkot.
"Ang dami rin palang hindi nakasurvive." bulong nya.
"What do you mean?" kinakabahan kong tanong. From the way she look at those parang alam ko na kung saan papunta ito.
"Hindi sila nakasurvive sa pagsubok at isa lang naman ang pupuntahan nila... ang kamatayan."
BINABASA MO ANG
Ella: The Innocent Gangster
ActionI'm innocent. Simple lang naman ang buhay ko not until I enter that Hell school. It change me. It turn me to the version I never thought I would be. I'm Ella and they named me as... The Innocent Gangster ~~~<3~~~ Written by: MsBlckPn...