Ella* XLII

2.2K 68 1
                                    

Ella's POV

Napatingin ako sa sugat ni Stephen. Tinanggal nya iyong manggas nya para magamot ng maayos iyong mga hiwa at pasa sa braso nya. Hindi ko maiwasang makaramdam din ng sakit sa bawat pagngiwi nya tuwing dinadampian ko ang sugat ng alcohol.

Hinipan ko iyon nagbabakasakaling maibsan iyong hapdi. Napaangat ako ng tingin sa kanya ng mapansin ko ang pagkatahimik nya. Napailing ako atsaka kinuha iyong pangbenda. Pagkatapos ay tumayo na ako at nilapitan naman si Sonya.

"Let me." hindi ko na hinintay iyong pagsagot ni Sonya. Kinuha ko na sa kanya iyong bandage. Nahampas kasi sya kanina ng kahoy sa likod kaya puro latay ang likuran nya.

"Makinig kayo. Totally we have 13 flags. Thanks to those bastards pero still if we want to be no. 1 hindi dapat tayo sa ibang gang lang and beat them to death. Kailangan din nating maghanap so I decide to split us into two groups." anunsiyo ni Rhix.

Pagkatapos ko sa pagbebenda ay tinulungan ko na sya sa pagsuot ng damit nya.

"So here's the names. Ako, Marco, Ella, Sonya,   Ken, Love. Then Sam, Kyo, Ginger, Sthepen, Drake, Joana. Aalis tayo pagkatapos ng tanghalian." aniya.

"Salamat." bulong ni Sonya.

Tinanguan ko sya atsaka pumunta sa direksyon nila Rhix para tumulong sa paghahain ng tanghalian. 

Halos hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa paninitig ni Stephen sa akin. I tried to ignore his stares pero sadyang naapektuhan ako. Hanggang sa pagkain ay ramdam ko pa rin ang pagsulyap nya pero sa tuwing titingin naman ako sa kanya ay nagiiwas sya ng tingin.

Pagkatapos naming kumain lahat ay nagusap usap na kami tungkol sa plano. They've decided na magkita kita kami dito sa aprtment na ito bago ang sunset. Meron kaming anim na oras para maghanap ng mga flags at sa pagbalik.

Namahinga kami ng kaunti bago nagpatuloy sa paghahanap. I'm about too go with Love ng biglang humila sa akin papunta sa ibang direksyon. I'm panicking. Love noticed what happened pero umirap lang siya. Teka hindi man lang ba nila pipigilan?

"Magingat tayo. Hangga't maari bumalik kayo ng buo." rinig ko pang bilin ni Rhix bago sila lumiit sa paningin ko.

Napabuntong hininga na lang ako. Kinuha ko iyong kamay ko kay Stephen pero binawi nya ulit ito at mas hinigpitan ang pagkakahawak. Sinamaan ko sya ng tingin pero ngumisi lang sya. 

"Ano ba? Sino ka para hawakan ang kamay ko huh?" inis kong sabi.

Tumaas iyong dalawang kilay nya. "Master mo." 

Mas lalo akong pinanginitan ng ulo. "Master mo mukha mo. Bitawan mo nga ako!"

"Paano kung ayaw na kitang bitawan?"

Nawala ako sa sistema. Ni hindi ko sya nasagot at nanatiling tahimik habang pinipigilan ko ang sarili ko na ngumiti. Kinagat ko iyong labi ko at minuramuara ko sa isip ang sarili ko. Langya alam ko malandi lang talaga si Stephen pero taragis. Kinikilig ako!

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya. Mas lalong uminit iyong pisngi ko. Tangina talaga ng lalaking to!

Imbis na pansinin sya ay pinagtuonan ko na lang ang paligid baka sakaling may mahanap akong flag. 

Huminto kami sa tapat ng isang bahay. Sa pinaka pinto kasi nito ay may flag na naksabit. Kung sas ordinaryong araw ay iisipin ko display lang iyon pero sa mga pagkakataon na ganito lahat na ata ng tatsulok ay mahalaga. 

Napansin ko rin iyong isang tatsulok na tela na nakalagay sa mail box sa gilid ko. Inabot ko iyon at tama nga isa rin iyong flag.

Halos dalawang oras na kaming naglalakad kaya tumigil muna kami sa isang abandonadong gusali. Umupo ako sa isa sa mga upuan duon. Hindi na ako nagulat ng umupo rin sa tabi ko si Stephen at inuusog pa ang upuan nya sa tabi ko. 

Inabutan ko sya ng Blu na agad nyang tinanggap. Kumuha rin ako ng para sa akin. Sa uhaw ko ay napangalahatian ko agad iyon.

 Pasimple nyang inlikod iyong braso nya sa likod ng upuan ko atsaka nya pinaglaruan iyong buhok ko.

Umupo sa harapan namin sila Sam at Kyo. Malisyosang tinignan kami ni Sam at tinukso.

"Kayo ah. You didn't tell na kayo na pala." sabi nya pa.

Agad na nanlaki iyong mata ko. "Hindi! I mean hindi kami." agad kong pagtanggi. 

"Ganun ba. Sayang naman bagay pa naman kayo ni Stephen."si Sam, at bahagyang sumulyap sa katabi ko.

"Wait! don't tell me nililigawan ka ng isang to?" dagdag nya sabay turo kay stephen. Nilingon sya ng huli at nginisihan. Gusto kong mapaface palm sa kalokohan ni Stephen.

"Hindi rin." sagot ko na lang.

"Ows? Ano ka ba Ella. Pwede mo namang sabihin sa akin. Wag ka ng mahiya." sabi pa nya.

Umiling ako.

"Tell me. Don't be shy. Do you like him? ha?" panunukso nya habang tumataas taas pa iyong kilay nya. 

"Stop it, Sam." iritadong saway ni Kyo sa girlfriend.

"What? Magtatanong lang ako."

"Tsk." Umiling si Kyo at naglakad palayo. Agad naman syang sinundan ni Sam.

Napabuntong hininga ako atsaka siniko si Stephen.

"Lapit ka kasi ng lapit. Ayan tuloy akala nila may something sa atin. Ano ba kasing trip mo sa buhay mo ha?" singhal ko sa kanya.

"Ikaw." aniya atsaka sya tumitig sa akin.

Ayan na naman iyong mga insekto sa tiyan ko. Ugh! 

Bago ko pa sya masinghalan ay napatayo na kaming lahat dahil sa mga lalaking pumasok sa kinalalagyan namin. 

Not again. Mahina kong bulong habang nakikiramdam sa nangyayari sa paligid.

Sinubukang makipagnegosasyon ng kabilang grupo. Kalayaan namin kapalit nung anim na flags na meron kami. Pero syempre hindi sila pumayag kaya eto kami ngayon at nakikipaglaban sa mga demuhong to.

"Wag kang lalayo sa akin." bilin ni tsinelas.

Halos lahat ng martial arts na natutunan ko ay nagamit ko. Pagod na ako. Feeling ko hindi namin sila kaya dahil ang dami nila. 

I kicked the last guy in front of me sa kanyang panga. Agad syang natumba dahil duon. Hindi ko alam kung dapat ba akong maawa o hindi. Kahit kailan yata ay hindi ako masasanay sa ganitong gawain.

Lumingon ako sa kinalalagyan ni Stephen and to my suprise ay pinalilibutan siya ng limang lalaki. Pwera pa dito iyong isang lalaking may buhat buhat na silya. Balak nyan yatang ihampas ito kay stephen na nakikipag laban duon sa lima. At hindi nga ako nagkamali.

"Shit!" mabilis akong tumakbo patungo sa kinalalagyan ni Stephen. I hug him from back. Halos mamatay ako sa sakit ng maramdaman ko iyong silya sa likuran ko. Kahit pa man ganun ay umikot ako at binunot ko iyong nagiisang dagger sa tagiliran ko at inista sa dibdib ng lalaking iyon. Wala na akong pakielam kung mamatay sya dahil sa ginawa ko. Basta ang tumatakbo sa isip ko ay iyong sakit na nararamdaman ko. 

"Ugh!"Napaluhod ako sa sakit. Feeling ko ay nabalian ako ng buto dahil sa lakas ng pagkakahampas ng lalaking iyon.

Narinig ko ang malulutong na mura ni Stephen kasabay nito ang mga kalabog. Mas lalo akong napangiwi ng makarinig na ako ng mga pagputok. Nanginginig ang buong katawan kong ginapang iyong gilid para icover ang sarili ko. 

Para akong nawawalan ng lakas. Hindi na rin banayad ang paghinga ko.

"Shit! Ella." si stephen. He cupped my face. Bakas sa mukha nya ang pagod at pagaalala.

"Bakit mo ginawa yun? Alam mo bang hindi lang iyan ang pwedeng mangyari sayo kung nagkataon ha?" may galit na sabi nya. His breathing is raging.

Inabot ko ang kamay nya sa akin pisngi. I tried to calm him down.

"Ayos lang ako. Masakit pero kaya ko naman."

Nakarinig ako ng ilang mura mula sa kanya ngunit unti unti rin naman syang kumalma kasabay non ang palapat nya ng kanyang labi sa akin.

Pinamulahan agad ako ng mukha ngunit sa huli ay hinayaan ko syang angkinin ang labi ko.

"You're a crazy girl Ella pero mas baliw na ako sayo." he murmured between our kisses.


Ella: The Innocent GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon