Ella* XLVIII

1.9K 35 1
                                    

Ella's POV

Dugo. Iyan ang tangi kong nakikita habang pinapanood ko kung paano pahirapan ni Eli si Love at Sam. Gamit ang latigo habang tuwang tuwa siya sa bawat pagkumpas ng kanyang kamay. Napakasama nya. Paano ito nagagawa ni Eli. 

Hindi ko alam kung bakit nya ito ginagawa. Alam kong malaki ang galit niya sa akin pero bakit kailangan umabot sa ganito? Bakit kailangang madamay ang mga kaibigan ko?

Wala ng luha at boses na lumalabas mula sa akin. Nanghihina akong nakaluhod habang nakatali ang kamay at paa. Pinanood ko kung paano saktan ni Eli sina Love at Sam pati ang pagsigaw nila at pagmamakaawa ay pinakinggan ko. 

 "Ano Ella? Masakit ba ha? Hindi mo na kaya?" pangaasar nya sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas pero nginisihan ko sya bilang tugon. "Yan lang ba ang kaya mo? Hindi ko alam na ganyan ka na kababaw. Nanggamit ka ng ibang tao para lang masaktan ako. Baliw. Alam mo yun? Nababaliw ka na--" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng bigla nya akong sugurin.

Hindi ako makalaban kaya panay ang pagiwas at pagtulak ko sa kanya. Ramdam ko ang kaniyang galit sa akin balat.

"Hindi ako baliw! Ikaw ang baliw! Ha! Kasalanan mo ang lahat ng ito. Kung hindi dahil sa pagiging bobita mo edi sana masaya pa ang mga kaibigan mo. Kung sana hindi ka na lang nila nakilala edi sana hindi sila nahihirapan ngayon. Kung sana una pa lang nilayuan mo na sila edi sana wala tayo sa ganitong sitwasyon. Kaya kasalanan mo to dahil kung hindi dahil sayo wala sana sila rito at naghihirap kasama mo."

A pain struck me again. Dahil totoo lahat ng sinabi ni Eli. Kasalanan ko. This is all my fault.

My tear start to pour down again. Binitawan ni Eli ang pagkakahawak nya sa pisngi ko.

"Then just kill me Eli. Patayin mo na ako para matapos na ang lahat ng ito. Please. Wag mo na silang pahirapan. Just kill me." pagmamakaawa ko.

Narinig ko ang pagtutol ni Love sa sinabi ko. Kahit nanghihina at punong puno na ng dugo ang kanyang katawan ay pinilit nya paring umiling upang ipakitang hindi siya sangayon sa desisyon ko.

"Oh that's not fun. Ang gusto ko makita kitang uti unting nadudurog Ella." sabi nya sabay alingawngaw ng nakakabinging pagputok.

Halos hindi na ako makahinga kakasigaw at kakaiyak na makita kong humandusay ang katawan ni Love sa sahig.

Hindi pa sya nakuntento dahil inilipat nya ang pagtutok ng baril kay Sam.

Sunod sunod na pagiling ang ginawa ko. "Parang awa mo na Eli. Itigil mo na ito. Ako na lang. Ako na lang ang patayin mo. Itigil mo na to. Please. Tama na." pagmamakaawa ko pero hindi sya nakinig. She pulled the trigger and loud bang filled the room for the second time.

"No! Sam!" Halos gapangin ko na makapunta lang ako sa kinalalagyan nila. I keep calling Sam na kasalukuyang sumusuka ng dugo.

"Sorry... Sam. I'm so sorry." I said repeatedly.

"Tell... Kyo that... I love... him..." aniya before she let go.

I bit my lower lip to stop my sobs. Halos malasahan ko na ang dugo dahil sa diin ng pagkagat ko dito. Shit! I feel so worthless. Wala akong magawa. Ni hindi ko man lang sila maipagtanggol. Napakahina ko. 

Namanhid na ang katawan ko. Feeling ko ay wala na ako lakas. Nakakapagod din pala. Parang gusto ko na lang magpahinga. Ayoko na. Ayoko ng lumaban. Ang daming inosente ang nadadamay dahil sa kabaliwan na ito.

"Ibalik nyo na iyan sa kulungan." wika ni Eli. 

Walang lakas akong sumama. Unti unti na akong pinapatay ng konsensya ko. Wala ako ibang makita kung hindi ang masasayang mukha ng mga kaibigan ko na binigyan ko ng hangganan.

Halos humadusay na ako sa sahig sa lakas ng pagkakatulak sa akin ng lalaki. Sa kabilang sulok ng kwarto ay naduon si Kyo, nakayuko. Tila napakalalim ng iniisip hanggang sa sunod sunod na paghikbi na ang narinig ko. Wala akong magawa kung hindi ang lalong sisihin ang sarili ko.

"Kyo, I'm sorry. I tried to stop her but... I'm sorry. She love you Kyo that's what she told me until her..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sobrang sakit na ng puso ko. Para itong pinipiga sa sakit.

"Mahal ko si Sam, Ella. Dalawang taon naming binuo ang mga pangarap namin. Napakabait nyang kaibigan, anak at girlfriend. Napakarami nyang pangarap sa buhay. Sa hirap ng pinagdaanan nya tanging hiling nya lang ay ang makawala sa mundong ito at maging malaya. Pero wala na. Ella, wala na ang girlfriend ko."

Para akong tinusok ng napakaraming kutsilyo sa aking dibdib. Seeing Kyo hurting is made me feel worst. Feeling ko napakawalang kwenta kong tao.

"Galit na galit ako sayo, sa ate mo, sa parents nya. Galit na galit ako sa lahat ng taong nanakit sa girlfriend ko. Shit! Ella. Anong klase kang kaibigan. You killed our friends. Pinatay mo lahat ng taong mahalaga sa akin at nagpapahalaga sayo." pigil na galit na wika niya.

"Sorry, Kyo. Hindi ko alam na aabot ang lahat sa ganito. Hindi ko sinasadya--"

"Alam mo man o hindi. Sinasadyo mo man o hindi at kahit humingi ka pa ng isang milyong kapatawaran it will never change the fact that they are gone. Hindi maibabalik ng sorry mo ang buhay ng mga kaibigan ko at ang buhay ng girlfriend ko. Fuck! Mas gugustuhin kong ikaw na lang sana ang namatay. Ikaw na lang sana. Bakit kailangang si Sam pa. Sana ikaw na lang... ikaw na lang sana, Ella."

Napapikit ako sa sakit ng bawat linya ni Kyo. Wala akong magawa kung hindi tanggapin ang lahat ng sinasabi nya. I accept it dahil it is true. That everythinng is my fault. Na kasalanan ko ang pagkamatay ng mga kaibigan ko. Na kahit anong gawin ko pagsisisi ay hindi nito mababago na wala na sila. Na kahit ilang balde ang iluha hindi nito mababalik ang buhay nila. 

'Sana ako na lang iyong namatay...'  

Ang sakit din pala. Ang sakit pa lang marinig ang mga katagang iyan na mula sa taong minsan mong pinahalagahan.

Katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Tanging mumunting ingay lang naririnig sa silid na mula sa aming pagiyak. Hanggang sa binasag ito ng malaks na kalabog na mula sa binta. Ang makapal na salamin ay nabasag dahil sa lalaking nakaitim.

Hindi ko alam ang unang gagawin ko ng makitang ang lalaking iyon ay si Stephen. 

Naramdaman ko nag init sa kanyang yakap.

"Tatakas tayo Ella. Do you hear me? Everything's gonna be okay." aniya.

Gusto kong maging masaya but then after what happened. Alam kong in the end hindi rin naman kami makakatakas kay Elli. Hindi matatapos ang lahat ng ito, hindi hangga't humihinga ako.

Napapikit ako. Ayoko na pagod na ako. I want to end this shit. Dahil pagod na pagod na ako.

Ella: The Innocent GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon