ELLA* XXI

2.6K 70 0
                                    

Ella's POV

Maaga akong nagising kinabukasan dahil iyon ang bilin sa akin ni Ate Rhix. Nagulat pa nga ako kagabi dahil bigla bigla na lang syang nambubulabog ng natutulog. Tsk. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan kong i-lock iyong pinto.

Agad akong nagtungo sa shower room at gumayak. Simpleng sports bra at T-shirt ang sinuot ko na tinernuhan ng running shorts. Kung ano meron ngayon ay hindi ko rin alam. Basta ganito daw ang suotin ko.

"You ready? Here wear this."

Tinignan ko iyong binibigay na tela ni Ate Rhix.

"Bakit kailangan ko pang magblindfold?"

"Just do what I say Ella" may diing sabi nya.

I gulp at sinunod ang gusto nyang mangyari. Ginapangan ako ng kaba ng binalot ng dilim ang paningin ko.

"Rhix... What's going on?" nanginginig kong tanong ng maramdaman kong may dalawang parehas ng kamay ang humawak sa magkabilang braso ko.

"hmm" I tried to shout ng may pinaamoy silang gamot sa akin. Shit! nahihilo na ako.

"Sorry Ella but you need this for your sake. Trust me." Rinig kong habilin ni Rhix bago ako nawalan ng malay.

Trust is a big word for me now. Nagbago ang buhay ko kasabay noon ang pagbabago sa paniniwala ko sa salitang Trust. I should trust, hindi sa mga taong kaibigan ko o sa mga taong nagpapakita ng concern sa akin. I should trust no one. I trust no one including myself. That's how I see the word trust.

All my life kampante ako sa mga desisyong ginagawa ko. Alam ko kung paano patatakbuhin ang buhay ko. Nasanay ako sa buhay na ang kumukontrol ay ako. But all of it changed. My life changed. Nagbago ang lahat sa version na hindi ko alam kung paano haharapin.

I never thought na dadating ang araw na mangangapa ako sa mga nagyayari at sa mangyayari pa. And I'm scared of it. Natatakot ako na baka isang araw ay hindi lang ang buhay ko ang magbago. Natatakot ako na baka mismong ako ang magbago.

The moment I open my eyes darkness welcome me. Agad akong ginapangan ng kaba. Then reality hit me. I'm with Rhix and she made me wear a blindfold a while ago.

"She's awake." rinig kong deklara ng isang lalaking di kalayuan sa pwestong kinalalagyan ko.

"Untied her." rinig kong sagot ng isang lalaki. His voice is familiar but my brain denied that it is him. Simple as dahil ayokong paniwalaan. But kahit anong deny ko ay sya pa rin ang nakikita ko sa harapan. He is really there. Standing while his eyes are looking at me like I'm his prey.

"Where am I? Ano na naman ba ito Stephen?" Tiim bagang kong tanong.

"As I say ayoko ng mahina sa grupo. I want you to fit in my gang. Hindi isang tulad mo lang ang dudungis sa estadong meron ngayon ang Death Beast. Ayokong maging pabigat ka."

Napasinghap ako sa mga katagang lumalabas sa bibig nya.

"I never wanted this asshole! Sa tingin mo ba gustong gusto kong pumasok sa gang mo? The hell I care with your gang." Inis na sabi ko sa kanya.

"So am I. I never wanted you in my gang Ella. So if I were you I'll shut my mouth and do my best to fit in." He said and smirked at me.

I glared at him. I really hate his guts. Shit! How I want to erase that fvcking smirk on his face!

"Put her in the room Sev." Utos nya sa lalaking nsa likuran ko. Muli nya akong hinarap at binigyan ng nakakinis na habilin. "Try not to die... Ms. Villaluz."

Inirapan ko lang sya at nagpahila sa lalaking may hawak sa akin. Tsk. May araw ka rin sa akin Stephen. And I will make sure na kakainin mo lahat ng sinabi mo.

Napatakip ako ng mata dahil sa liwanag na sumalubong sa akin.

" Hi ate!" sabi ni--

"Joana?" nagtataka kong tanong habang nagaadjust sa liwanag.

"The one and only." she said while playing the arrow in her hand.

"Where am I?" tanong ko habang nililibot ang tingin sa kwartong kinalalagyan ko. Puno ito ng mga targets at sa isang gilid ay mga kumpol ng bow and arrows.

"Welcome to my haven Ate Ella" sabi nya and loose the arrow in my direction.

Oh shit! agad akong tumalon sa gilid para iwasan ang arrow na handang pumatay sa akin.

"What the hell! Joana. Papatayin mo ba ako?" inis kong tanong at tumayo para harapin sya ngunit gaya ng kanina ay pinatamaan nya na naman ako. Agad kong kinuha iyong target at hinarang sa akin.

Halos manlamig ako ng tumagos ang arrow mula roon at nadaplisan ako sa pisngi. Damn. Hinugot ko iyong arrow sa gilid ko.

Lumunok ako ng isang beses at itinaas ang dalawang kamay. "I give up."

Bahagya akong sumilip mula sa pinagtataguan ko ngunit agad ding napaatras ng muli nya na naman akong patamaan.

"Oh shit! Joana. I said I give up!" frustration is running through my veins.

"You are no fun Ate but hell fine. Come out." she said but I'm not that ridiculous to obey.

"You promise first that your hands is clear. No more bow and arrows?" I shout.

"Yeah yeah. No more trick."

To make it sure ay sumilip ako. I see her siting in the sofa while munching her apple.

I exhale. Damn kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga. This girl! Lumabas na ako mula sa pinagtataguan ko at napasalampak sa sahig.

"You- You! Argh. What the hell is that Joana. Are you planning to kill me?" napahilamos ako dahil sa frustration.

"Kung tungkol ito kagabi. I promise that I'll shut my mouth about it. I'll forget what I see and hear. Hindi ko narinig yung pagamin mo sa kanya. Hindi ko narinig na sinabihan mo syang 'mahal kita kuya'. Hindi ko nakitang hinalikan mo sya. At hindi ko nakitang umiya--" napatigil ako ng isinumpak sa akin ni Joana iyong apple na kinakain nya.

"Waah ate naman eh! Panira ka ng moment. Ang intense na eh tapos bigla kang hihirit ng ganyan." maktol nya.

Ngumiti ako ng abot sa tenga at tinaas iyong apple nya sabay kagat.

Sinimangutan nya lang ako at inihagis sa akin yung bow at arrow. Agad ko itong sinalo at pinatong sa lamesa iyong mansanas.

"Anong gagawin ko dito?" tanong ko.

"Try mong kainin ate."

Tinitigan ko sya "Joke yun?"

Napailing na lang sya at kinuha sa akin yung bow.

"I'll teach how to be an archer. Now you need to stand upright. Then place your feet shoulder-width apart, and point them towards the target." tinuro nya yung isang dummy sa harapan so I obliged.

"Sideways ate." she moved my body sideways.

"Good. Now nock the arrow." utos nya sabay bigay sa akin nung arrow.

"How?" tanong ko sa kanya dahil obviously ay wala akong alam sa ganito.

"Just put it here then use your three fingers to hold the string." She guided my hand on how to do it then she said that I should raise it and draw the bow then aim it at the target.

"Now loose!" Sa gulat ko ay nabitawan ko nga ito.

Nanlaki yung mata ko ng tumama ito sa dummy. Hindi man sa parteng inaasahan ko pero at least tumama diba.

"Count 1-3"

Napalingon ako kay Joana. "Huh?"

"1...2...3" she counted.

Halos manlumo ako ng bumagsak sa sahig iyong arrow.

"Nice try for a first timer." She said and mocked at me.

I just make face and try again. I'll make sure na makukuha ko rin ito. Practice will do the trick right?

Ella: The Innocent GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon