Ella's POV
"Ate yung deal natin ah! Ingat ka sa paguwi!" Sabi ni Joana at niyakap nya pa ako saglit.
Dinamba naman ako ng yakap ni Love. Tsk. Kala mo naman isang buwan akong mawawala eh dalawang araw lang naman ako sa amin"Mamimiss kita Ella. Bumalik ka dito ah. Say hi na lang sa ate mo. Babye."
"Have a safe trip."simpleng paalam sa akin ni Rhix.
Habang niyakap naman ako ni Sam. Nagaalinlangan pa nga ako kung yayakapin ko rin sya pabalik. In the end ay niyakap ko sya pabalik. She is too kind to be hated.
*tsuuu tsuuu*
Napalingon kaming lahat sa train na paparating. Nagpaalam ulit ako sa kanila bago tuluyang sumakay ng train.
Sa wakas ay nakalabas na rin ako sa weirdong eskwelahan na iyon.
----------Agad kong niyakap si Ate Eli pagkadating na pagkadating ko sa bahay.
"Ate~~"
"Aray ko naman Ella. Makayakap ka naman parang wala ng bukas ah"
Kung alam mo lang Ate. Tsk ayoko naman syang pagalalahanin kaya hindi ko na lang ikwekwento sa kanya yung ka abnormalang nangyayari sa Akademyang yun.
Hinigpitan ko lalo ang yakap sa kanya bago bumitaw.
Tinignan ako ni Ate Eli "May problema ba?" Nagulat ako sa tanong nya pero ngumiti na lang ako.
"Wala naman namiss ko lang yung Ate kong luka luka"
Isang batok ang natanggap ko kay Ate. Imbis na gumanti ay tinawanan ko lang sya.
"Gutom lang yan Ella. Halika ka na sa hapag. Nagluto ako ng paborito mong Kare kare at Bicol Express."
Biglang nagningning yung mata ko sa sinabi ni Ate kaya inunahan ko na sya sa kusina.
"Hinay hinay naman. Hindi ka ba pinapakain dun?"
"Imposible yang sinasabi mo ate. Sa sobrang galante ng eskwelahang yun ay kahit minuminuto ay pwede kang kumain for free."
"Talaga?"
Tumango tango naman ako at ipinagpatuloy ang pagkain.
Kwinento ko sa kanya kung gaano kagalante yung Empire at kung anong pinagagagawa ko dun. Syempre ay hindi ko sinama yung tungkol sa Gangs at Battles. Baka kasi atakehin si ate sa gulat, mahirap na...
"Grabe naman yung eskwelahang yun! Mabuti naman at nakatagpo ka ng kaibigan. Sa ugaling mong yan?"
Ikinuwento ko rin pala sa kanya sila Love.
"Grabe ka ate ah!"
"Ano? Totoo naman eh. May pagkaewan ka pa naman. Buti hindi sila naweweirduhan sayo."
Napabuntong hininga na lang ako . Hay... Kung may weirdo man sa amin ay yun ang mga tao sa eskwelahang iyon. Tingin ko pa nga ay ako na yata ang pinakanormal dun. Hanggang ngayon nga ay kinikilabutan pa rin ako sa nangyari kagabi.
Pagkatapos ng tanghalian ay napagpasyahan naming maglibot. Pumunta kasi sa isang mall malapit dito sa bayan namin.
Di ko maiwasang Hindi ikumpara ang mall na ito sa mall na meron ang Empire.
"Halika dito Ella at isukat mo ito!" Excited na sabi sa akin ni ate at ipinakita sa akin ang Black and white na dress.
"Ate hindi ko naman kailangan yan."
"Malay mo naman. Sige na isukat mo na." At itinulak tulak nya pa ako papasok ng fitting room. Tsk.
Sa huli ay binili rin naming yung dress. Bago umuwi ay kumain muna kami ng hapunan at binili ko na rin yung pasalubong ko dun sa apat.
Habang asa jeep kami ay napapansin ko ang maya't mayang pagsipat ni ate sa cellphone nya.
"Ate may problema ba?" Sita ko sa kanya.
Tipid na ngiti lang ang isinagot sa akin in ate.
Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon dahil baka sa trabaho lang iyon.
Kinabukasan ay buong araw lang kami sa loob ng bahay. Sinusulit ang oras na magkasama kami ng ate dahil bukas ay babalik na naman ako sa empire.
"Hoy! Tulala ka dyan"
Inismidan ko Si ate at ibinaba ang tasa ng kape na kanina ko pa pala naubos ang laman.
"Wala may iniisip lang."
"Hmm. Sino naman yang iniisip mo? Aber"
Napairap naman ako sa tanong in ate. Tsk.
"Ay! Pag may iniisip sino agad? Hindi ba pwedeng Ano?"
"Oh EDI Ano garud yung iniisip mo?"
I sighed before facing her. " Naisip ko lang kung paano kung wag na kaya akong bumalik ng Empire. Dito na lang ako. Dating gawi. Magtratrabaho ako sa gabi magaaral ako sa umaga tpos tuwing linggo ay pupunta tayong simabahan para mag serve o di kaya ay dumalaw sa bahay ampunan"
Ewan ko pero kasi nagdadalawang Isip ako sa pag balik sa empire. After what I witness... I don't know anymore.
Naramdaman ko ang paghawak ni ate sa kamay ko.
"Ella... Kailangan mong bumalik. Para rin ito sa ikabubuti mo. Hindi sa lahat ng oras ay kailangan nating magsettle sa bagay na nakasanayan natin. We need to get out to our zone and face the life behind it. Bata ka pa. Marami ka pang bagay na dapat matutunan. Na dapat malaman. Na dapat maranasan. You need to take risk Ella."
I stared at ate bago tumango.
'Take risk' kasama ba dun ang pakikipag tag and war kay kamatayan?
Funny how things change in just a blink of eye.
Yung mga bagay na nakasanayan mo ay magbabago na lang sa isang iglap because that is how life suppose to be.
Life is a journey. A journey you need to travel para mabuo mo ang sarili mo. Hindi pwedeng habang buhay ka na lang na aasa o kaya ay magsesettle sa buhay na nakasanayan mo.
Age is not the one who make the person mature it is the experience.
Pero iisipin ko pa lang ang bagay na babalikan ko sa Empire ay napapaatras na ako.
Tulad nga ng sabi ni ate ay Bata pa ako at ayoko pang mamatay. Aanhin ko naman ang magandang karanasan kung mamatay rin naman ako sa huli. Hindi ako takot sa kamatayan pero hindi pa akong handa para harapin yun.
I'm not yet ready... Not yet.
BINABASA MO ANG
Ella: The Innocent Gangster
ActionI'm innocent. Simple lang naman ang buhay ko not until I enter that Hell school. It change me. It turn me to the version I never thought I would be. I'm Ella and they named me as... The Innocent Gangster ~~~<3~~~ Written by: MsBlckPn...