ELLA*XXVII

2.4K 74 3
                                    

Ella's POV

Balik normal ang lahat. Maliban na lang sa kakaibang awrang meron sa loob ng campus.

Kahapon pagkadating namin ng Empire ay kakaibang mga tingin ng mga estudyante ang sumalubong sa amin. Para bang isa kaming alien na ngayon lang nila nakita.

Maski kanina sa classroom ay nakakapanibago ang trato nila sa isa't isa dahil para bang hindi sila magkakakilala. Ni wala man lang akong nakitang nakipagusap sa katabi. Ang iba ay kahit lingon ay hindi nila ginagawa.

Napakailap ng mga tao. Obvious na may mali ngunit mukha ako lang ang nakakapansin.

Mukhang normal na ang ganitong pangyayari sa kanila kaya kahit nalilito man ako sa mga nangyayari ay ipinagsawalang bahala ko na lang ito. 

Kasalukuyan kaming nasa headquarters ngayon. At last ay nakita ko na rin ang HQ ng Death Beast and I must say ay hindi ko ineexpect na sobrang ganda nito. Kumpleto sa lahat ng equipment. 

"Limang araw mula sa araw na ito ay magaganap na ang ating pagsusulit. Alam kong lahat kayo ay alam na ang tungkol sa Battle of Do or Die. For your information Dying Ghost ang unang makakalaban natin. Yes, nag rank 7 sila last year and they got the second to the last position for the excellency but hindi dapat tayo makampante. Remember that we only have 14 members unlike them that have 56 members." announce ni Rhix. 

"Kaya pinatawag ko kayong lahat is to ready you for the upcoming battle. Magkakaroon tayo ng match to measure your skills and talents. Okay, first pair Vince and Leigh--"

"Teka! Are you serious? You want me to bit my brother?" Vince ask. Bakas sa pagmumukha ni Vince na para bang kahibangan ang sinasabi ni Rhix.

"Apparently yes. Emotion are nothing if in the end it will pull you down."

 "It's a matter of doing it or die, Vince. Nothing more. Tandaan mo iyon. If you can't do it then i'm sorry but we don't need someone like you." malamig na sabi ni Rhix. 

Nakita ko kung paano napasinghap si Vince at padabog na pumunta sa ring. Isang ngisi ang puminta sa labi ni Rhix na syang ikinabuntong hininga ko. Expect for the worst Ella, expect for the worst.

"Shit! Stop!" sigaw ng nanghihinang si Ginger. Hindi ko maiwasang hindi kilabutan dahil sa dugong dumadaloy sa gilid ng labi nya.

"As you say. Next, Sonya and Ella."

Agad akong kinabahan ng banggitin ni rhix iyong pangalan ko. 

"Kaya mo yan. Gawin mo lang lahat ng itinuro namin sa iyo." sabi ni Sam at bahagya akong itinulak sa gitna.

Pilit akong ngumiti at hinarap si Sonya. Napabuntong hininga ako. Ang ganda nya talaga at shit! Nakakatakot sya. Nakakaintimidate iyong pagiging maldita nya.

Sana lang ay mabuhay pa ako pagkatapos nito.

"Go!" signal sa amin ni Rhix.

Agad akong napatakbo sa gilid ng biglang sumugod ng suntok si Sonya. Damn. Sobrang aggressive nya dahil kahit saan ako pumunta ay hinahabol nya ako.

"Face her Ella!" sigaw ni Ken.

I bend down at umikot sa likod nya. When I got the opportunity ay binigyan ko sya ng isang push kick sa likod. Mukhang hindi nya iyo inaasahan dahil napaupo siya sa mat. 

I planned to give her a knife hand strike ngunit naunahan nya na ako. She hold my hand at itinulak sa gilid ng ring. I thought that's it but hindi ko ineexpect na she's planning to hit me.

Isang malakas na sipa ang natanggap ko mula sa kanya.

"Shit!" I cursed ng halos mapaupo ako sa ring dahil sa lakas ng pagkakasipa sa akin ni Sonya. 

"Stop." sabi ni Rhix.

Napahawak ako sa aking ilong ng makitang tumutulo ang dugo mula roon.

"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Sam.

Tinanguan ko sya. Akma akong tatayo ng biglang umalalay sa akin si Kyo. Na hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Salamat." Tinanggap ko iyong towel na inaalok nya.

"Samahan na kita sa clinic." Alok nya na agad kong tinanggihan.

Kahit medyo nahihilo ay nakita ko kung paano tumitig si Sam sa amin. Gusto ko mang magpasama ngunit baka kung ano na lang ang isipin ni Sam.

"No. I insist." pilit ni Kyo at tinulungan ako sa paglalakad.

"Hindi na. Kaya ko." sabi ko at binawi iyong braso ko sa pagkakahawak nya ngunit kinuha nya muli ito.

"Wag ng matigas ang ulo Ella. You're not okay." sabi nya at ginabayan muli ako sa paglalakad.

Papayag na sana ako ng biglang hinila ako ni Stephen. Na out of balance ako kaya napasubsob ako sa dibdib ni Stephen. Damn. Namantsahan ko na iyong damit nya.

"She said no so back off. Come on." sabi nya atsaka ako hinila paalis.

Sa sobrang gulat ko sa nangyari ay tanging paglingon na lang kay Kyo ang nagawa ko.

Napailing na lang ako at hinila iyong kamay ko mula kay Stephen atsaka nauna sa paglakad.

"Ella!" tawag sa akin ni Stephen ngunit hindi ko ito pinansin.

Nakakainis! Paano kung hindi ako hinila ni Stephen kanina? Edi sumama ako kay Kyo? Damn.

Shit! Ella may girlfriend na iyong tao and worst si Sam yun. Si Sam na kaibigan mo.

Isang matigas na kamay ang nagpatigil sa akin. Tumingala ako sa kanya upang salubungin ang mga tingin nya. Eto na naman ang mga mata nyang blangko.

"You're still bleeding." sabi nya sa akin at hinila ako papunta sa kung saan.

I'm too occupied para sundan pa ang mga pasikot sikot na dinaanan namin. Ang alam ko lang ay nakahiga na ako ngayon sa clinic at huminto na rin ang pagdugo ng ilong ko.

Pagkahatid sa akin ni Stephen ay umalis din sya agad. Siguro ay bumalik sya sa headquarters to observed the skills of his new members. Of course he will, lalo na't he's meticulous when it comes to his gang.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagpasyang lumabas na sa clinic.

Napangiwi ako ng makitang sobrang linis ng daan. Mga pailan ilang estudyante lang ang namamataan ko ang iba ay tila nagmamadali pa. Siguro dahil nalalapit na ang pagsusulit.

Cancelled ang klase ngayong linggo upang bigyan daw ng oras ang mga estudyante sa paghahanda para sa pagsusulit. 

Kakaiba talaga ang eskwelahang ito imbes na pagrereview ng exam ang gagawin ng mga estudyante ay matindeng training kung paano dedepensahan ang sarili.

Dumiretso ako sa rest room na nakita kong pinakamalapit since naiihi na talaga ako.

Halos mapatalon ako sa gulat ng paglabas ko ng cubicle ay may lalaking nakasandal sa sink sa tapat ng cubicle ko.

"Anong ginagawa mo dito? Nahihibang ka na ba? Bakit ka pumasok dito eh pambabae to!" sigaw ko kay Kyo.

Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil paano na lang kung may pumasok dito o kaya naman ay kung makita kami ni Sam. Ano na lang ang iisipin nya?

Pero parang hindi man lang siya kinakabahan dahil nanatili siya sa pwesto nya at tinitigan lang ako. "Wala namang tao." kibit balikat pa niyang sabi.

Napasinghap ako sa naging sagot nya. Tsk. Kung ayaw nyang umalis edi ako ang lalabas. Tinalikuran ko na sya at naglakad papalabas ngunit hindi pa man ako nakakalagpas sa kanya ay hinawakan nya na ang kamay ko at sinabi ang katagang nagpatigil sa akin.

"Stop ignoring me Ella. It makes me insane. You're making me insane."

Ella: The Innocent GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon