Ella* XXXV

2.2K 60 0
                                    

Ella's POV

Narinig ko ang sigawan ng mga nanonood papasok pa lang kami sa Arena. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong klaseng lugar kaya sobra ang pakamangha ko sa lawak at ganda nito. Mas maganda pa ito kesa sa Gold Tower. Napakahightech ng lugar.

"Feeling ko masusuka na ako sa kaba." bulong ko kay Love.

"Kalma lang. Just do your best not to die." aniya na mas lalong napakaba sa akin.

Bahagya ko syang tinulak at inirapan. "Napakahelpful ng advice mo" sabi ko na tinawanan nya lang.

Pumasok kami sa isang kwarto mula doon ay nakita namin ang mga nakahilerang estudyante mula sa iba't ibang gang.

Bago kami tuluyang makaapasok sa lugar ay hinarang pa kami ng kung anong robot at mat laser silang iniscan sa amin.

"Welcome." sabi nung dalawang robot. Cool.

Sumunod ako kay Love ng magsimula na silang pumila sa isang pinto. Sa itaas noon nakalagay ang logo ng Death Beast Gang.

Nagulat ako ng pumasok si Stephen ng hindi man lang binubuksan ang pinto yun pala ay isang hologram lang ito.

'Shiz. May totoo ba sa lugar na ito?'

Biglang umilaw iyong logo sa itaas habang nagkaroon naman ng pulang mga numero sa pinto at nagsisimula ng magbilang.

000 000 000 010.00

"Sampung minuto." bulong ng katabi ko.

"Anong nangyayari Leigh?"

"Nagsisimula na. Sa sampung minuto na yan makikita kung magpapatuloy ka o hindi." aniya.

Npakuyom ako ng kamao. Kung ganon laro lang ang lahat ng ito para sa kanila.

Napahawak ako sa kwintas na suot ko. 'Please be okay.'

Lalong humigpit ang hawak ko ng matapos ang sampung minuto ng walang lumalabas na tao. Bumalik muli sa dati ang pinto at nawala iyong ilaw sa logo.

"Mukhang pinaghandaan talaga nila ang pagsusulit na ito." kumento ni Rhix na syang sumunod na pumasok sa pinto. Tulad ng kanina umilaw ang logo at nagsimula ng magbilang ang mga numero sa pinto.

Unti- unti ay umusad ang pila hanggang sa tumigil ang oras ni Leigh at ako na ang susunod na papasok.

'Kaya ko ito!'

Inihakbang ko iyong kanang paa ko sa pinto. Tumagos ito kaya naman tuluyan na akong pumasok dala ang kaba sa maaring kahantungan ko sa loob.

"This way." salubong sa akin ng isang lalaking nakasuit at nakasuot ng weird na salamin.

Sumunod ako sa kanya at pumasok sa nagiisang pinto doon.

Sinalubong ako ng liwanag. Naramdaman ko ang pagsara ng pinto sa likuran ko kaya agad ko itong nilingon ngunit bigla na lang itong nawala.

Inikot ko iyong paningin ko sa lugar na pinasukan ko. Wala akong ibang makita kundi mga salamin at sarili ko sa salamin.

Napatingin ako sa kanang braso ko ng biglang may mga pulang numero ang umukit dito at nagsisimulang magbilang pababa.

000 000 000 009.30 ang nakalagay. Katulad ito noong mga numero sa pinto.

"Anong? Anong gagawin ko?"

Muli kong iniikot ang paningin ko sa lugar finding for something. Kahit ano na makakatulong sa akin para makaalis sa lugar na ito.

Hindi kaya ang isa jan ang pinto palabas? Pero paano ko malalaman kung alin dito?

I tried to touch them but every time na lumalapit ako ay bumibilis ang pagcountdown ng oras sa braso ko. I can't risk my time. Napahinto ako ng matitigan ko ng mabuti ang sarili ko sa salamin. Lahat ay parang nakatingin sa akin. Ako pero parang hindi ako.

Bumibilis iyong pagtibok ng puso ko. Parang ibang mga mata ang nakatingin sa akin ngayon. Parang hindi ang mata ko ang nakikita ko sa salamin.

Ang mga matang nakikita ko ay puno ng poot, galit, at paghihiganti. Nanlilisik ito na para bang walang na siyang sinasanto. Nakakatakot. Maski ako ay natatakot sa imaheng meroon ako ngayon.

Napahawak ako ng mahigpit sa kwintas ko. Hindi ako iyan. Kailan man ay hindi ako magiging ganiyang klaseng tao. Hindi ako ang nakikita ko ngayon. Hindi sa aking ang mga matang iyon. Hindi ako ang babae sa salamin. Hindi ako sya.

Napatingin ako sa nanginginig kong kamay. Hindi dapat ako mawala sa control. Ikinalma ko ang sarili ko at hinarap muli ang baabeng nasa salamin. Ngunit tanging ang sariling repleksyon ko na lang ang nakikita ko sa mga ito. Wala na iyong babaeng nanlilisik ang mata.

Ipinilig ko ang ulo ko. Shit! Did I really hallucinate? Ano bang klaseng lugar ang napasukan ko?

Napatingin ako sa braso ko at halos mapamura ng makitang two minutes na lang ang oras na meron ako.

"Anong ng gagawin ko?" halos magpapadyak na ako.

Agad akong napatigil sa pagrarant ng may marinig akong kakaibang tunog. Kinalma ko ang sarili ko at sinubukang pakinggan ulit iyon.

Tubig. Nakakarinig ako ng pagagos ng tubig. Hindi kaya illusion lang din ang lahat ng ito? Tulad ng mga pinto at nung babae sa salamin. Isa lang itong illusion. Ang lahat ng ito ay hindi totoo.

Napapikit ako at sinubukang isipin na illusion lang ang lahat.

'Walang salamin. Nasa ibang lugar ako kung saan walang salamin. Hindi ito totoo. Illusion lang ang lahat.Walang salamin! Illusion lang ito!' I said as I'm taking my last minute of my life.

Napadilat ako at naghabol ng hininga. Dahil sa iba't ibang emosyong nararamdaman ko ay nawalan ako ng balance at napahiga sa lupa. Shit! Iyon na yata ang pinakamabilis na sampung minuto ng buhay ko! I almost... shit talaga! Patay talaga si Ate sa akin pagnagkita kami. Aish.

Pinunasan ko iyong luhang tumulo sa mata ko. Bakit? Bakit nakakayanan nilang iparanas ito sa mga estudyante dito? Ganun na lang ba katampon ang buhay nila para gawin ang ganitong... Damn! Nakakafrustrate! Kalokohan ang lahat ng ito. Napahinga ako ng malalim at tumayo na. Wala akong mapapala kung iiyak lang ako dito.

Agad akong napahawak sa braso ko ng makitang nagsisimula na naman itong magbilang ngunit imbis na pababa ay nagsisimula itong magdagdag ng oras. Now I got 20 hours and 30 minutes.

000 000 001 229.58

Ibinababa ko iyong sleeves ng jacket ko at napatingin sa reflection ko sa tubig. Kung ganon ay kanina pa pala ako nakatingin sa ilog na ito. Pero asan na nga ba ako?

Bukod sa ilog ay panay puno na ang nakikita ko. Teka! Pareha ito ng lugar kung saan naganap iyong initiation ng Death Beast Gang. Ngayong nawala na ang mga pader na nakaharang dito ay mas lumawak ang lugar at nagkaroon ng ilang kweba. Nawala na rin iyong maze. Napalitan ito ng ilang mga bangin at malalaking bato. Iyong totoo? Asa Empire pa rin naman ako diba?

Aish! Bakit feeling ko asa kagubatan ako ng Amazon? Nakakaloka. Tapos ang dilim dilim pa! Tanging ang liwanag na nagmumula sa buwan ang nagbibigay ng ilaw sa dinadaanan ko ngayon.

Hindi ko alam kung anong lugar ang tinatahak ko. Basta ang alam ko kailanagn kong humanap ng paraan para makaalis sa lugar na ito.

Ngayon lang nagsink in sa akin ang lahat. Kailangan kong maging matapang kahit ngayon lang. Hindi rin pala iyon. Kailangan ko ding maging madiskarte.

Dahil kalaban ko ngayon ay ang oras.

~~~~~~~~~~~~~~

A/n: I hope this chapter is fine with you guys. Huehue. Anyway the idea of tic toc clock or whatever basta yung stopwatch na nakaembed sa braso is from the movie entitled 'In Time' and superduper na astigan ako sa movie so hanggang dito ay hindi ako makaget over. Ayun lang. I just want to share it. Hehe. So let us see kung ano ang magiging journey ni Ella sa Empire's Mystic Forest. Ciao.


Ella: The Innocent GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon