ELLA* XIV

3K 79 2
                                    

Ella's POV

Nagising ako dahil sa isang kaluskos. Madilim pa ang kalangitan kung tatantyahin ay alas dose y medya pa lang. Puno rin ng hamog ang kagubatan kaya wala akong maaninag ng maayos.

Binuhay ko ang apoy na namatay na marahil ay nahipan ng hangin.

Tulog pa sila Diane mukhang napagod talaga sila kanina. Sabagay hindi biro ang pinagdaanan namin. Hanggang ngayon nga ay ramdam ko pa rin ang hapdi sa braso ko.

Nahimatay kasi ako sa sobrang tensed kanina idagdag mo pa ang sobrang gutom kaya hindi ko na alam kung paano nila natalo yung pesteng halimaw na yun. Langya binigyan pa nga ako ng remembrance. Sinugatan pa yung braso ko.

Tumayo na ako at iniligpit yung gamit ko. Mukhang magbubukas na yung maze. Pagkatapos ay ginising ko na sila.

Saktong pagtapat namin sa pader ay bumukas ito. Ewan ko ba pero bigla akong na excite. Langya parang ito yung napapanood ko sa T.V. namin eh yung The Maze Runner.

Nagkatinginan muna kami bago sabay sabay na pumasok sa loob. Tuloy tuloy lang kami sa pagtakbo. Si Diane ang naging mapa namin. Habang si Peter naman ang ilaw namin. Half moon lang kasi kaya hindi gaanong maliwanag ang ilaw mula sa buwan.

Dalawang oras din kami bago tumigil sa pagtakbo. Grabe pasalamat ko talaga sa P.E class namin at lumakas ang baga ko pagdating sa ganitong bagay.

Hingal na hingal akong napaupo sa gilid. Inalok ako ng tubig ni Diane kaya walang pagaalinlangan ko na tong tinanggap.

"Salamat."

"Teka nga... *huff* Bakit ba tayo *huff* tumatakbo?" Hinihingal pang tanong ni Georgina.

Oo nga naman may point sya.

Nagkatinginan kaming lahat na para bang katangahan ang ginawa naming pagtakbo kanina.

"T.ngna. nag feeling Thomas tayo dun ah." Nailing pang sabi ni Nick.

Nagpahinga lang kami ng ilang saglit bago nagpatuloy ulit this time ay naglakad na kami. Inabutan na kami ng gabi sa daan kaya dun na kami gumawa ng kampo at namahinga.

Medyo naalimpungatan ako dahil sa mumunting ingay na naririnig ko.

"Ano ba! Matutulog na ako" boses ni Diane yun ah.

Nanatili akong nakahiga.

"T.ngna magusap nga kase muna tayo." Teka si Nick ba yun?

Pasimple akong sumilip at tama nga ako si Nick yun. Teka anong meron?

"Wala na tayong dapat pagusapan. Napahiya mo na ako kahapon diba? Ano pa bang gusto mo?"

"Kaya nga nagsosorry na ako ngayon diba?"

"Oo nga at anong sinabi ko diba okay na basta layuan mo na ako. Ano pa ba dun ang hindi malinaw sayo?"

"T.ng.na naman Diane eh. Hindi yun ang gusto ko. Gusto ko patawarin mo ako."

"T.ng.na mo rin. Patawarin? G.go ka pagkatapos mo akong paglaruan. Gusto mong patawarin kita? Wow lang ah kapal din naman pala ng mukha mo."

"Eh sino ba sa atin ang nangiwan?"

"Eh sino ba sa atin ang nangloko? Kaya wag mo akong sumbatan kasi ikaw ang nauna."

Mukhang nagkakapersonalan na yung dalawa. Sabi na eh may something sa dalawa na toh eh. Ayoko namang makisawsaw sa problema nila kaya kahit nakucurios ako ay pinilit ko makatulog ulit.

HALOS marating na namin yung dulo ng maze ng biglang may sumulpot na limang lalaki sa harap namin. Nakng ano na naman ba to?

Nagulat ako ng bigla na lang kaming tapatan nung mga lalaki. As in One is to one ang ganap. Teka don't tell me kakalabanin namin tong mga lalaking gawa ata sa bato. Grabe yung mga muscles ah. Dwayne Johnson lang ang peg.

"Ay wait lang! Di ko to kaya. Tulungan nyo ko."

Tinignan lang nila ako habang nagmouth ng sorry si Diane. Taragis wala man lang kaibikaibigan ganun?

Napatingin ako kay The Rock at napaatras. Ang laki nya talaga eh. Pano ba to?

Ah! Binaba ko muna yung bagpack ko. Atsaka sya hinarap. Bahala na! Wala rin naman akong choice kung hindi ang labanan sya.

Talo ako kapag sa lakas ko idadaan kaya naman gagamitan ko sya ng utak.

Tumakbo ako palayo sa kanya. Syempre sinundan nya ako. Dahil sobrang laki nya ang mabagal nya.

Pinulot ko yung kahoy na nagkalat sa gilid. Hindi ko na sya hinintay na huminto. Sinipa ko agad yung ano nya at tsaka ko pinukpok yung ulo nya.

Napaluhod sya sa ginawa ko. Oo luhod lang nakng to do effort ako. Hindi man lang sya tinablan.

Kaya sa inis ko ay pinukpok ko ulit sya at pinagsisipa. Wala na akong pakielam. Bahala sya. Nafrufrustrate lang talaga ako.

Pero hanep wala lang talagang talab sa kanya eh. Napagod lang ako. Takte naman. Tao ba to o sadyang mahina lang talaga ako.

Nakaramdam ako ng sakit ng may sumuntok sa stomach ko. Punyeta! Mamatay na ata ako.
Napaiyak ako ng hilahin nya yung buhok at kinaladkad.

May nakita akong matulis na bagay sa sahig. Dinampot ko yun at itinusok sa binti nya. Tinignan nya lang ako na para bang wala lang sa kanya yun.

Langya! May Mali talaga sa taong to eh. Nakaramdam ako ng hapdi sa binti ko at paa. Pero hindi ko yung pinagtuon ng pansin.

Hinugot ko ulit ung bakal sa binti nya. Nagspark! Takte! Sabi na eh hindi tao to eh.

Napahinto sya at itinaas nya ako. Magkapantay na tuloy kami. Syet! Ang sakit na ng anit ko kakasabunot nya. Bakla kaya to?

Napangiwi ako ng bigla na lang nya akong ibinalibag. Ang brutal ah.

Pilit akong tumayo at pumunta sa mga bag . Kinuha ko dun yung tubig at agad na isinaboy sa kanya. Pero wala effect eh.

Ano bang kahinaan nito? Nakita kong may umiilaw na something sa bandang sintido nya. Bakit ngayon ko lang napansin yun?

Umikot ako sa likuran nya atsaka ko sya sinakyan sa likod. Hinugot ko yung bakal sa bulsa ko at tsaka itinusok sa sintido nya.

Bumagsak ako sa sahig ng bigla na lang nagwala yung robot. Hala! Bakit sumabog?

Napahilata ako sa sahig. Syete muntik na naman ako dun.

Nakakainis! Bakit ba kasi may ganito ganito pa silang nalalaman! Nakakagago lang ah.

Pero kahit papaano ay nakaramdam ako ng saya. Knowing na after ng mga nangyari ay eto ako at nakasurvive.

Nakakafull fill pala sa pakiramdam na pinaghirapan mo yung isang bagay. Yung ramdam na ramdam mo talaga yung hirap at sakit.

Yung mapapaisip ka na lang na ako ba talaga yun? Nakaya ko ba talaga yun?

Siguro kung andito lang si ate sobrang proud nun sa akin. May tinatago rin naman pala akong skills kahit pa paano.

Napangiwi ako ng kumirot na naman yung nga sugat ko. Aish yung flawless kong skin wala na. Puro peklat na.

Pinilit kong makatayo at maglakad. Bahala na. Sana lang ay wala ng engkantong sumulpot na naman. Kasi swear hindi ko na talaga kaya.

Ella: The Innocent GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon