ELLA* XVIII

2.8K 76 1
                                    

Ella's POV

I keep my eyes close kahit ramdam ko na sumunod din sya sa akin pabalik at mukhang sya na ang nagdala ng pagkain na hinanda ko kanina. Na sa sobrang inis ko ay nakalimutan ko ng dalhin tsk.

Kinalabit ako ni Joana giving me a piece of cupcake. Tinaggap ko ito at kahit walang gana ay kinain ko.

Buong palabas ay itinutok ko ang atensyon ko sa palabas. Not minding his irritating presence.

Hanggang season 3 ata ay tinapos namin kaya inabot kami ng alas onse ng gabi. Gusto pa nga nilang maginuman ang pasimuno ay si Love at Ken tsk basta talaga kalokohan nagkakasundo yung dalawang yun kaya lang ay sinaway na sila ni Rhix since may curfew kaming sinusunod.

Habang inayos nila yung mga gamit nila ay tumayo na ako at niligpit ang mga pinagkaininan.

Medyo na gulat pa ako ng biglang may kumuha ng hawak kong tray.

"Ako na dito" sabi ni Kyo sa akin at naglakad patungo sa kusina.

Kumurap muna ako ng isang beses bago sumunod sa kanya dala naman ang ilang baso na naiwan.

Pagkapasok ko sa kusina ay nakita ko syang asa tapat ng sink kaya agad akong lumapit.

Mukhang may balak pang magurong ang loko.

"Naku Kyo ako na jan. Baka hinahanap ka na dun. Aalis na ata kayo." Pigil ko sa kanya at bahagyang tinulak palabas ng kusina.

"Sige na baka abutan pa kayo ng cur--"

"Ella..."

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Nagtama yung mata namin. Ewan ko ba pero biglang kumalabog ang dibdib ko.

Bahagya nya akong nginitian.

"Magiingat ka" Bulong nya bago nya ako tuluyang iniwan sa kusina na tulala.

Nung gabing yun ay hindi ako nakatulog ng maayos. Kaya Eto ako ngayon bangag sa klase.

Natapos ang unang subject ko na wala akong naintindihan. Tsk.

Pati sa pagkain ay tinamad ako kaya nagpaalam na ako kay Joana na mauna na ako sa kanya.

Hindi ko na hinantay ang sagot nya dahil alam kong tutustahin nya na naman ako ng mga tanong. Dire diretso lang ang lakad ko not minding the fact na wala akong specific na pupuntahan. Ghad I just want to be alone.

I just found my self inside the library. Napailing na lang ako sa lugar na pinuntahan ng paa ko.

Dumiretso ako sa pinaka dulong parte kung saan madalang ang mga estudyante dahil na rin sa tagong tago iyon at medyo maalikabok.

Kumuha ako ng ilang libro na kumuha ng interest ko. Halos kalahating oras ko ng binabasa ang unang paragraph ng storya pero hindi ko pa rin ito maintindihan.

Kaya kesa magpakamartyr ay walang gana ko na itong binaba at bumuntong hininga.

Nagulat pa ako ng makita kong may tao palang nakaupo sa harap ko. Kanina pa ba sya jan? How come na hindi ko sya napansin?

Kung tama ako ng pagkakaalala ay sya yung lalaking bumungo sa akin sa harap ng room. Yung lalaking walang modo.

"Finally, you notice me Ms. Villaluz" he said with a half smirked plaster in his face. Geez ayoko talaga sa timpla ng pagmumukha ng lalaking to. Ang yabang kala mo kung sino.

Tinignan ko lang sya. Giving him what do you need look. Tulad ng unang beses na pagkikita namin ay wala pa rin akong makitang emosyon sa mga mata nya. Oo at nakangiti sya pero iba ang sinasabi ng mga mata nya. Ang creepy.

Ella: The Innocent GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon