Ella* XLV

2.1K 51 4
                                    

Ella's POV

I sighed and sighed, then sighed again. Sighed. Ito na lang yata ang ginawa ko buong umaga.

We are now in the headquarters at kasalukuyang nagtratraining. And up until now ay naguguluhan pa rin ako at kahit lumipas na ang buong magdamag ay hindi pa rin mawala iyong sinabi sa akin ni Sam.

Gusto kong isipin na nagbibiro lang si Sam but alam ko ring masyadong malayo iyon sa katotohanan. Dahil unang una, we have an issue. Kahit hindi nya sabihin ay nagkaroon ng gap sa pagitan namin. Pangalawa, she said that she don't hate me but she don't like me either. At pangatlo, si Sam kasi yung tipo ng babaeng hindi mapagbiro.

I sighed again. Ugh! sacrifices? Where the hell it came from?

Buong maghapon ay iyon lang ang naging laman ng isip ko. Trying to understand what it means.

"Hey. Are you sure you're okay?" tanong ni Stephen na hindi ko alam kung pangilang beses na.

Tumigil ako sa paglalakad at hinayaang mauna na ang iba. Hinarap ko si Stephen.

"Tapatin mo nga ako." panimula ko.

Bahagyang lumaki ang mata nya na tila ba nagulat sya sa tono ko. Tinignan nya ako ng nanantsya.

Bumuga muna ako ng hangin bago sya tanungin. "May tinatago ka ba sa akin?"

Tinignan nya ako sa mata na tila ba binabasa nya kung ano iyong nasa isip ko.

"Of course wala, Ella." he said like it is the truth.

Sandali ko pa syang tinignan and then I smile. "Yun naman pala eh. Hanggat hindi mo ako niloloko I'm okay." sagot ko.

Kita sa mukha nya ang pagtataka at pagaalala. The way he lick his lips ay alam ko ng hindi sya naniniwala sa pinagsasasabi ko but he remain silent. Hindi na sya nagtanong pa.

Sumunod na kami sa iba. Balak kasi nilang tumungo sa pool area para daw makapagrelax man lang.

Nakababad na sila sa tubig ng dumating kami. Kaya naman agad na rin akong nagpalit ng swim wear. One piece ang sinuot ko besides wala rin naman akong two piece swimsuit and I'm not that confident enough to my curves.

Pagkalabas ko ng locker area ay sinalubong ako ng abs ni Stephen. I mean... ni Stephen

Napaiwas ako ng mukha dahil feeling ko ay umakyat lahat ng dugo ko dito. Ano ba yan? Bakit parang biglang uminit.

"Hindi mo na sana ako hinintay." sabi ko.

Umawang iyong bibig nya. He looks frustrated. Parang may gusto syang sabihin pero pinipigilan nya ang sarili nya.

Damn it! Ella. I mentally cursed my self for that.

All day he's been watching me. And I feel bad about it parang feeling ko ang unfair ko sa kanya pero kasi Sam's words is keep on running in my head.

I'm about to walk inside the dorm when he grab my arm and make me stay.

I heard his sigh. "Obviously, you are not okay," aniya

"Hey, what's wrong? Do I did something wrong?" he seriously ask.

I reach his face. "We're okay Stephen. I just get spaced out. I'm sorry."

"Oh shit. You scared me."

Niyakap nya ako like he's afraid of losing me.

That night I tried to sleep peacefully and wake up with darkness.

I open my eyes but still all I can see is darkness. I can't even move my hands. Shit! Even my mouth is taped. Where the hell am I?

I start panicking. What the hell is happening? Bakit ako nakapiring and why does am I all tied up?

Sinubukan kong gumalaw nagbabakasakaling lumuwag ang pagkakatali sa akin. I stop when I heard a footstep. Mula ito sa isang takong kaya alam kong babae ang paparating sa direksyon ko. Bigla akong kinabahan. Shit!

"Hi dear."

Para akong naubusan ng dugo ng marinig ko ang boses nya. Not again. Bakit sobrang pamilyar ng boses na iyon? Pero imposibleng nandito sya. Damn it! Sino ba ang babaeng ito?

I want to ask her kung bakit nya ginagawa ito o kung sino sya at kung ano ang kailanagan nya sa akin but thanks to the tape in my mouth I can't even make a sound. Geez.

"Aww look at you. Tsk. Mga wala talagang kwenta ang tao dito. Paano nila nagawa ang bagay na ito sayo." aniya.

Napagitla ako ng maramdaman ko ang kuko nya sa pisngi ko. Agad ko nilihis ang mukha ko sa kanya.

"Chill." sabi nya bago ko maramdaman ulit iyong matatalim nyang kuko sa pisngi ko.

Napaaray ako ng bigla nyang hinila ang tape na nakatapal sa bibig ko.

"Opps sorry."

Pinapakiramdaman ko ang bawat kinikilos nya. Alam kong ilang beses na akong nalagay sa alanganin pero abot pa rin ang tahip ng puso ko. Pasalamat ko na lang talaga at wala akong asthma kung hindi ay matagal na akong nakabaon sa lupa.

"So, let's play a game. You'll tell me the truth and only truth. If not you get punished."

Naramdaman ko muli ang kuko nya sa pisngi ko. "You know what? I really hate liars. Tandaan mo yan." aniya pa bago ako binitawan.

"First question, what is your name?"

I gulp. "Ellaica Rose Villaluz" nanginginig kong sagot.

"Lie."

Napasigaw ako ng may lumatigo sa binti ko. Shit! What the hell is this? Tangina! Sino ba ang babaeng ito?

"Masakit ba? I told you I hate liars." sabi nya sa maarteng tono.

"So for your second question, How many people did you already killed?"

Natameme ako sa tanong nya. Kung kanina ay mabilis lang ang takbo ng puso ko ngayon ay parang gusto na nitong lumabas mula sa loob. Naalala ko iyong lalaki at babaeng nabaril ko. Hindi ko man alam kung anong nangyari ay kinakabahan na ako. Hindi maganda ang patutunguhan ng laro na ito. Mali. Sa kamalian lahat hahantong.

"Dalawa."

Halos mapaluhod ako ng latayan naman niya ang kabila kong binti. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo sa balat ko pati ang mumunting butil sa gilid ng mata ko. Napangiwi na ako sa sakit.

"Lie."

"Third question..."

Napalunok ako ng maramdaman ko mula ang matatalim nyang kuko sa balat ko. Hindi na normal ang paghinga ko. Natatakot ako sa hindi ko malamang na dahilan.

Unti unting lumuwaga ng pagkatali sa mata ko hanggang sa tuluyan na itong bumagsak sa sahig.

Nanginginig ang buo kong katawan habang tinititigan ang babae sa harapan ko. Ang kaninang takot ko ay napalitan ng hindi ko maintindihan na pakiramdam. Ang gulo! Paano? Bakit?

Abot ang paghabol ko sa aking hininga. Hindi ako makapaniwala. Parang dinudurog ako ng kaniyang matang nakatitig sa akin. Galit na galit ito. Nakakahiwa sa talim.

"Pangatlong tanong, Sino ako Ella?"

Nanginginig ang labi ko. "Ate..."

Mariin akong napapikit ng malademonyo syang ngumisi. Naramdaman ko ang paghiwa ng latigo nya sa likuran ko. Napasigaw ako sa sakit.

"LIE!"

"Ate Eli..." bigkas ko habang naramdaman muli ang ang latigo sa aking likuran.

~~~~~~~~~~

A/n: Waaahhh. Sa monday pa sana ako maga update kaso baka hindi kayanin ng sched so yun pagpasensyahan kung magulo pero yun talaga essence ng chap na to haha ang pagiging magulo nya. So ayun guys again I'm sorry for the late update. Hell week na kasi since malapit na ang term exam namin and ang daming requirements na kailangan ipasa. Huhu iyaq! So ayun konti na lang. I hope for your support till the end. Walang susuko. Kaya nating tapusin to! Sana. haha. Yun lang. Ciao.

Ella: The Innocent GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon