Ella's POV
Tumagilid ako ng higa ngunit agad ding humarap. Aish. Kanina pa ako paikot ikot dito sa kama pero hindi pa rin ako makatulog. Inabot na ako ng ala una, hindi man lang ako dalawin ng antok.
Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa nangyari kanina. Hindi ko alam pero may kung anong peste ang kumikiliti sa tyan ko.
Napabuntong hininga na lang ako kasabay noon ang pagvibrate ng cellphone ko. Agad ko iyong kinapa sa ilalim ng unan ko.
From: Kyo
I'm sorry for what happened. I hope you're okay. Don't worry about the boy. We made sure na hindi ka na nya guguluhin ulit. Goodnight Ella.
Napapikit ako at agad na napatalukbong ng kumot. Dammit. Matutulog na talaga ako!
Nagising ako kinaumgahan ng masakit iyong ulo. Siguro ay hangover at idagdag pa na kulang ako sa tulog.
Wala na sila Joanna. Siguro ay maaga silang nagtraining. Napahilamos ako ng mukha at padabog na gumayak.
Kailangan ko na ring magensayo kung gusto ko pang mabuhay. Ayoko ng maulit iyong nangyari kagabi.
Limang laps ang ginawa ko sa Oval. May pailan ilan akong estudyanteng nakikita ang iba ay sinasamaan ako ng tingin, ang iba naman ay binabalewa ang presensya ko. Bukas magsisimula na ang pagsusulit pero sa tingin ko kulang na kulang ang lahat. Kinakabahan ako para sa kahihinatnan ko bukas. Paano kung magkamali ako, o hindi kaya ay matalo? Huling araw ko na kaya bukas?
Hingal akong napaupo sa damuhan. Mausok ang kapaligiran galing sa hamog. Ang ganda, ang sarap sa pakiramdam lalo na iyong kaunting tubig na kumakapit sa balat ko.
Hindi. Ayoko pang mamatay bukas o sa sususnod na araw o kahit sa sususnod na buwan at taon. Not when I realize na ang dami ko pang kailangan gawin. Kung dati ay wala akong pakielam sa buhay ko ngayon nagbago na ang lahat. Natatakot ako na wakasan ang buhay ko na hindi ko man lang naranas ang mga bagay na gusto kong maranasan. Kung mamatay man ako, gusto kong maging kuntento sa mga narating ko, sa mga naranasan ko.
Kinapa ko iyong cellphone ko sa bulsa ng maramdaman ko ang pagvibrate nito.
"Hello?"
"Hello. Nasaan ka ate? May urgent meeting daw ngayon sa HQ." sabi ni Joana sa kabilang linya.
"Asa Oval. Sige, sige. Papunta na ako." Pinatay ko iyong tawag. Tumayo na ako at patakbong tinungo ang HQ. Medyo malayo kaya medyo na tagalan ako sa pagpunta.
"Sorry." sabi ko at agad na umupo sa tabi ni...
"You sit here." utos ni Stephen.
Ikinibit balikat ko na lang iyon dahil obviously wala naman na akong ibang uupuan dahil iyon lang ang vacant.
"You look tired." aniya sabay abot sa akin ng tubig nya.
Tinanggap ko ito " Thanks."
"Ehem. So let's start." sabi ni Rhix. Pinaningkitan nya kami ng mata kaya agad akong umayos ng upo.
"Alas sais ng gabi magsisimula ang seremonya. I required you to attend..."
"And no more buts." agad na dugtong ni Rhix ng mapansin nya ang pagtutol ng kambal.
The twins groan but Rhix make her decision. Kung sa akin lang ay ayos lang naman.
"It will end at 8 in the evening. And exactly 9 p.m. the battle will start." anunsiyo niya.
Pilit lang akong ngumiti ng magreact sila doon. Napasigaw pa sila Drake na para bang bukas na ang pinakamsayang araw sa buhay nya.
Napatingin ako sa kamay ko ng may maramdaman akong humawak duon.
"Stephen..." nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Don't think too much about that battle. We'll win." he confidently said.
Agad akong nagiwas ng mata dahil nalulunod ako sa banyaga nyang mga tingin and damn. Ito na naman iyong mga insekto sa tyan ko.
"Enough. Wag kayong maexcite masyado. Tsk." masungit na suway ni Rhix na syang ikinasama ng timpla ng mukha nila.
"Ang sungit!" kumento ni Vince. Agad syang tinignan ng masama ni Rhix.
Hindi ito pinansin ni Rhix at nagpatuloy sa announcement nya.
"Pagkatapos ng opening remarks ang meeting place natin ay dito sa HQ. For further announcement and of course we need to go to the battle together. And please kahit ngayon lang sumunod kayo."
"So here's the schedule. Isang linggo ang magiging scope ng pagsusulit."
"Teka. Bakit ang tagal naman." Hirit ni Sonya.
Na syang sinangayunan ng iba. Sa bagay kung asa normal akong eskwelahan ay tumatagal lang ng three days ang exam matagal na ang five days.
"Mahahati sa tatlo ang pagsusulit." Sagot ni rhix.
Everyone groans maliban sa katabi ko na busy sa paglaro sa buhok ko. Tsk. Ako na naman ang pinagtritripan ng isang to.
Napatikhim ako ng magtama iyong mata namin ni Kyo. His intense eyes telling me that hindi nya nagugustuhan ang nakikita nya. Agad akong nagiwas ng tingin at nakinig sa sinasabi ni Rhix.
"For tomorrow we'll have our intelligence test. I don't know kung anong klaseng pagsusulit ang inhanda nila para sa atin kaya hangga't maari ay maging madiskarte kayo." Aniya.
"Let's just prepare about it. For now yun lang muna and bahala na kayo kung paano nyo aaksayahin ang oras nyo. This will be your free time." Pahabol pa ni Rhix.
I sighed.
"Do you have plans today?" tanong ng katabi ko.
Seryoso syang nakatingin sa akin. Agad akong umiling dahil wala naman talaga akong plano.
Umangat iyong gilid ng labi nya at hinatak nya ako patayo.
"Oh! Saan kayo?" agad na tanong ni Ken.
"Una na kami!" sagot ni Stephen at hinatak ako palabas.
"Teka saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Basta. Sumakay ka na" sabi nya at pinagbuksan ako ng pinto.
Tahimik lang akong nakaupo habang tinitignan ang mga punong dinadaanan namin. Siguro nung mga panahon na hindi pa ako napapadpad sa Empire paniguradong hinding hindi ako tutungtong sa lugar na ito. Nakakatakot dito, daig ko pa ang nasa Wrong Turn Movies.
"Ah. Stephen sigurado ka ba sa dinadaanan natin?" hindi na ako nakatiis at tinanong ko na sya.
Bahagyang kumunot yung noo nya pero agad ding humupa at napalitan ng ngisi. Sinalubong ko iyong sulyap nya. "Just trust me. I know you would love the place." sabi nya at bahagyang binilisan ang pagmamaneho.
Napangiwi ako sa sinabi nya. 'Sana nga.' I silently wish at tinuloy ang pagmamasid sa dinadaanan namin.
Nanlaki iyong mata ko ng huminto kami sa isang cliff. Damn it! It's so stunning. I can almost see the whole campus up here.
"You like it?" tanong nya.
Agad akong tumango at ngumiti sa kanya. "Bakit mo nga pala ako dinala dito?"
Nagkibit balikat sya at humilig sa puno. "I just thought that you might like here so I bring you here."
Napatitig ako sa kanya. Damn ito na naman iyong puso ko. Nagiwas ako ng tingin. Damn Ella! Wag mo sabihing gusto mo na ang lalaking iyan?
~~~~~~~~
A/n: Hi guys! Sorry kung ngayon lang ako nakapagupdate ulit. Tinamaan kasi ako ng writer's block. So ayun. I hope you understand. Anyway keep supporting this story.
-rhichi
BINABASA MO ANG
Ella: The Innocent Gangster
ActionI'm innocent. Simple lang naman ang buhay ko not until I enter that Hell school. It change me. It turn me to the version I never thought I would be. I'm Ella and they named me as... The Innocent Gangster ~~~<3~~~ Written by: MsBlckPn...