Ella's POV
Pangatlong beses ko na dito pero hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilang hindi mamangha.
Sobrang ganda dito sa loob ng Gold Tower. Para nga akong nasa future eh.
Puro robots,gadgets at mga equipments ang andito. Pinagaaralan namin kung paano mag build up ng isang gadgets.
Nakakatuwa nga kasi kahit papaano ay nakakasunod naman ako. Feeling ko malalaos ang apple at android sa sobrang high tech ng mga Gadgets dito.
Pero ang pinaka paborito ko talaga sa Gold Tower ay yung Lab. Gustong gusto ko yung mamimitas kami ng mga halaman at bulaklak tapos gagawa kami ng mga potion o kaya gamot.
Half day lang ang klase tuwing tuesday at thursday. Kaya madalas ay gumagala kami nila Sam.
Minsan sa Mall o kaya sa Park pero may mga times na naiiwan ako sa dorm kasi pinapatawag sila sa headquarters tulad na lang ngayon.
Gusto ko na ngang magatampo dahil ayaw nila akong isama tss. Confidential daw.-.-
Sinubukan ko na lang magbake ng apple pie. Natuto akong magbake nung nagtrabaho ako sa isang bakery.
Saktong pagkaluto ay nagring yung cellphone ko. Pinatay ko muna yung oven bago sagutin yung tawag.
"Ate Ella ano kasi eh--" naputol yung boses ni Joana.
"Ako na nga. Ella pakikuha naman yung Ipad ni Sam sa ilalim ng unan nya. Nakalimutan nya kasi eh. Pakibigay na lang dun sa kambal"
Pagkababa ng tawag ay biglang may nag doorbell. Sila na yata yun.
Binuksan ko yung pinto at bumungad sa akin ay dalawang... Clown? Napakunot yung noo ko.
"Aish sabi sayo eh" bulong nung isa.
"Tsk dapat pala si Chuckie na lang" sabi naman nung isa.
Tinanggal nila yung maskara nila. Nanlaki yung mata ko ng makita kong magkamukha sila. As in.
Ay oo nga pala sabi ni Love kambal daw.
Nginitian nila ako at kinawayan ako nung isa. "Hi! Ako si Leigh. Sya naman si Vincent"
Nginitian ko rin sila. "Ella, ahh pasok muna kayo"
Nagulat ako ng biglang sumigaw yung dalawa ng " APPLE PIE!" As in sabay talaga.
Tinitigan ko sila. Hmm Mukhang mahiyain si Vincent dahil sa pagiwas nito ng tingin.
"Gusto nyo? Tara ipaghahain ko kayo"
Agad silang tumakbo papuntang dining. Napatawa ako sa ikinikilos nila. Ang cute.
Pinaghain ko sila at iniwan saglit para kuhanin yung Ipad sa kwarto.
Napahinto ako sa paglalakad ng umilaw ito at nakita ko yung Wallpaper.
Teka si... Si kyo ito ah. Nakaakbay at nakahalik kay Sam si Kyo habang parang nagulat si Sam sa picture.
B-bakit may ganito silang litrato? May relasyon kaya sila.
Napahinto ako sa pagiisip ng makarinig ako ng katok.
Lumabas na ako at pilit na ngumiti sa dalawa.
"Naku pasensya na hinanap ko pa kasi" pagsisinungaling ko sa dalawa.
"Naku okay lang yun Ella. Salamat sa Apple pie ah. Ang sarap talaga. Sana next time na magluto ka bigyan mo ulit kami"
Napatawa ako sa sinabi ni Leigh.
"Oo naman"
"Sige Ella, una na kami. Salamat ulit"
Pagkaalis nila ay inilock ko na yung pinto.
Totoo ba yung nakita ko? Pero paanong--.
Ipinilig ko yung ulo ko. Eh ano naman. I shouldn't care.
Tinuon ko na lang sa ibang bagay yung atensyon ko at pilit na kinalimutan yung tungkol sa Picture.
Naglaundry ako at nilinis ang dorm.
Saktong pagkatapos kong magshower ay dumating na yung apat.
Mabilis akong nagbihis at lumabas na ng kwarto.
Hindi ko maiwasang hindi tumingin kay Sam. Nagkatinginan kami kaya alanganin akong ngumiti.
" Asan yung Apple Pie? Sabi nung kambal nag bake ka daw. Penge Ella" nalipat ang atensyon ko kay Love na naghahalungkat sa Kitchen.
Dumiretso ako sa Ref at inilabas yung Apple Pie.
Agad na kinuha sa akin ni Love yun at umupo sa Dining. Nagsilapitan din dun yung tatlo at nagkanya kanyang kuha ng tinidor.
Napatawa ako sa way ng pagkain nila. Mukhang gutom na gutom sila at hindi na sila nagabalang kumuha ng sari sariling plato dahil dun na sila kumain sa mismong container.
"Whaw! Ansharap!" Komento ni Love.
"Oo nga Ate!" Pagsangayon ni Joana.
Habang nginitian ako ni Rhix at nagthumb ups Sam.
Nagpasalamat na lang ako. Pinanood ko lang silang kumain at panaka naka silang nagtatanong kung ano pa daw ang alam kong i bake. Syempre inisa isa ko sa kanila.
"Talaga! Naku Ate sa Thursday gusto ko lava cake ah" hirit ni Joana.
Si Love na ang pinagligpit nila pinagkainan dahil siya daw ang may pinakamaraming kinain. Habang si Rhix naman ang nagluto ng dinner.
"Oo nga pala. Sino yung kambal kanina?" Curious kong tanong.
"Ah sila ba? Transferee. Alalay ni Sam yung kambal na yun." Sagot ni Love na biglang sumulpot.
Napatingin naman ako kay Sam na busy sa pagkakalkal ng CDs.
"Oo nga pala hindi pa pala namin nasasabi sayo yung tungkol dun. Tradition na kasi yun sa gang na pipili ang mga master nila ng servant. Yung servant na yun ay yung mga estudyanteng newbie. Baguhan."
"Tulad ko?" Wala sa sarili kong tanong.
Tumango naman sila.
"Ay speaking of. Makikilala mo na ang Gang sa susunod na buwan. Kailangan mo na kasing magtraining dahil sa malapit na maganap ang unang pagsusulit."
Ineexpect ko nang dadating ang panahon na yun pero langya hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasang nerbyusin.
Pagkakain ng dinner ay nagaya silang magmovie marathon. Sa buong palabas ay hindi ako makapagconcentrate dahil katabi ko si Sam.
Katext nya kasi si Kyo. Ayaw ko mang makibasa pero hindi ko mapigilan. Taragis na yan.
Hindi ako mapakali dahil sa huli kong nabasa. Hindi malinaw pero mukhang may something nga ang dalawa.
"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Sam.
Ganun na ba ako kahalata.
"Ah eh... Ano magccr lang ako. Excuse me" tumayo na ako at pumasok sa banyo.
Aish ano bang nangyayari sa akin. Bakit ba sobrang effected ako?
Kainis naman oh. Minsan na nga lang ako magkacrush dun pa sa syota ng kaibigan ko Tsk. Hustisya asan ka?
Hayaan na nga crush lang naman to. Malayo sa bituka. Ang dapat kong problemahin ay kung paano ako makakasurvive sa eskwelahang ito.
Iniisip ko pa lang ung tungkol sa master at servant ay kinakabahan na ako yun pa kayang Test na sinasabi nila.
Sana talaga mabait yung master ko. Sana.
~~~~~~
Hi Guys :)
Tanong ko lang kung may nagbabasa pa ba ng story na to? haha answer me please.
Lame ata UD ko ngayon and sorry if natagalan akong mag UD. Hirap kasing mag Senior huhuhu nakakaiyak sa dami ng ginagawa.
Anyway keep reading po :)
BINABASA MO ANG
Ella: The Innocent Gangster
ActionI'm innocent. Simple lang naman ang buhay ko not until I enter that Hell school. It change me. It turn me to the version I never thought I would be. I'm Ella and they named me as... The Innocent Gangster ~~~<3~~~ Written by: MsBlckPn...