Ella* XL

2.2K 59 2
                                    

Ella's POV

Napatakip ako sa aking mata dahil sa liwanag na bumungad sa amin. Unti unti'y nasilayan ko ang lugar na kinalalagyan naming lahat. Ang kaninang suot ko ay  napalitan ng all black leather jumpsuit. May mga armas na nakakabit dito. Halos lahat pare parehas kami ng suot.

Napahawak ako sa tenga ko ng biglang may nakakabinging ugong akong narinig mula rito. Hindi rin naman nagtagal ay nawala ito.

"Shit! ano yun?" tanong ni Leigh

'Goodevening students. Your mission is to find the flags. Kung sinong gang ang meroong pinakamaraming flag na nakuha gets the highest score. And to make things interested you need to survive their until the sunset.'

Bigla akong kinabahan ng marinig ko ang boses na iyon. Napakapamilyar sa akin. Kilalang kilala ko kung sino ang nagmamay ari ng boses na iyon pero imposibleng nandito sya.

Hindi ako mapalagay kaya panay ang tapilok ko habang sinusundan ko sila sa paglalakad. Mabuti na lang at inaalalayan ako ni Joana. Huminto sila sa tapat ng isang abandonadong gasolinahan. Ngayon ko lang napansin na para kaming asa abandonadong syudad. Panay mga gusali ang nakikita ko at parang kami lang ang tao dahil sa sobrang tahimik ng lugar. Well mukhang kami nga lang talaga ang tao dahil wala na man akong nakikitang ibang tao bukod sa amin.

"There's a flag." turo ni Rhix sa flag na nakasabit sa taas na bahagi ng Gas Station. Nakakabit ito kasama sa logo ng Gas Station na kinatatayuan namin. 

Masyado iyong mataas para maabot kaya naghanap kami ng pwedeng maakyatan. Luckily, meroong hagdanan sa gilid ng isang convenient store. 

"Ako na." prisinta ni Marco. Marahan syang umakyat. Medyo na hirapan pa sya sa pagkuha dahil sa pagkakadikit, mabuti na lang at nagawan ito ng paraan.

Kanya kanyang hiyawan at palakpakan ang lahat ng maibaba ni Marco iyon. Maski ako ay nakisama sa pagiingay nila.

Bigla akong kinilabutan kung kaya napatigil ako. Panay ang paglingon ko. Hanggang sa mahinto iyong mata ko sa isang lalaking nakatakip ang buong katawan  maliban sa mata nyang direktang nakatingin sa akin. Kahit malayo sya sa kinalalagyan ko ay ramdam ko ang presensya nya. 

Base sa pagiba ng hugis ng mata nya alam kong ngumisi sya. Hindi ko maalis iyong tingin ko sa kanya kahit nanlalamig na ako sa takot.

Napatalon ako sa gulat ng may kumalabit sa akin.

"Anong tinitignan mo dyan?" tanong ni Love.

Tinuro ko iyong kilalagyan ng lalaki pero wala na sya doon. Sino kaya yun? Bakit ganun na lang sya makatingin?

"Pinagloloko mo ba ako Ella?"

Napailing na lang ako at lumapit na sa iba. Tumulong na rin ako sa pagkuha ng mga pagkain. Nagtrespass kasi kami sa convenient store. In short nangunguha kami ng pagkain ng walang abiso. Kung sino man ang may ari ng lugar na to. Pasensya.

Hindi rin kami nagtagal at sinimulan na rin namin ang paghahahanap ng iba pang mga flag. 

Isang oras na ang lumipas pero hindi pa rin kami nakakakuha ng panibagong flag. Nakakapagod. Masakit na rin iyong paa ko idagdag mo pa iyong init.

"Drink this." alok ni Stephen na hindi ko namalayang asa tabi ko na pala. 

Tinignan ko iyong ibinibigay nyang gatorade habang nagdadalawang isip kung kukunin ko ba o tatangihan. Oo, mapride akong tao. Ayoko lang kasing ipakitang affected ako sa kanya. 

Sa huli, tinanggihan ko ito at hinugot iyong tubig sa dala kong lalagyan. Ininuman ko iyon kahit parang may nakabara sa lalamunan ko. Kahit kailan hindi ko naisip na aabot ako sa ganito. Akala ko hard headed na ako pero mas may ilala pa pala ang pagiging matigas ng ulo ko.

Ella: The Innocent GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon