Chapter 5 - Closure

3.7K 165 5
                                    

Nasa Uno Bar na si Pia nung dumating sila RJ, bumeso si Pia sa kanilang lahat at sinabi...

Pia:  Magpareserve na lang kayo ng upuan tapos akyat muna tayo nandon sila.

Frank:  Nagbibillard sila?

Miguel:  Hindi nagbibillards si Dei.

James:  O sige na ikaw na ang kilalang kilala ang Dei mo.  Miguel naman ang tawag sa yo.

Sinuntok ni  Miguel si James sa braso at nagtatakbo si James paakyat.

James:  Hi, Gorgeous Ladies!

Patricia:  Akala ko ba si Ms. P ang darating eh bat may masamang hangin na dumating?

James:  Namiss mo ako no kaya binubully mo ako.

Pia:  Hi mga sis... I hope you don't mind bringing them here.  Nadaanan ko kasi sa kanto ang mga ito eh, nakakaawa naman kung iwan ko.

Matthew: Hi ladies!

Ciara:  Uuyyy si pogi andito, idedate mo ba ako?

James: ako ba yon?

Pat:  GGSS ka eh no,  aling parte sa yo ang pogi?

Miguel:  Hi, Dei!  (Isang malalim na katahimikan ang bumalot sa lugar)

Frank:    Mga magandang binibini, maganda pa kayo sa gabi.  

Sabaysabay na nagsalita ang grupo ni Maine... Hi, Capt. Frank!

Frank:  You're voices are music to my ears darlings!!! Let's party!  

Tumayo si Miguel sa gilid ni Maine...

Miguel:  Sino ba  iniisip mo habang nagda-dart ka, ako?

Maine:  Miguel umalis ka nga dyan! 

Miguel:  Miguel pa din, galit ka pa nga! (Tumayo ito sa tapat ng  dartboard) Hit the bullesye Mendoza! One time lang baka sakaling makagaan sa loob mo!

Frank:  Nico,  diretso sa mata ha, para mabulag! 

Umamba si Maine na ihahagis ang dart pins... hindi tuminag sa pagkakatayo si Miguel, ni hindi pumikit.

Miguel:  Here's the deal Mendoza, am giving you two minutes, kapag naibato mo yan kahit isang beses lang ng diretso sa mukha ko titigilan na kita.  Pero kapag hindi mo nagawa, you will give me 10 minutes of your time.

Nangaasar pa si Miguel.

Miguel:  The clock is ticking Mendoza...

Maine:  Ciara...  Say When...

Ciara:   Miguel please umalis ka na lang... 

Miguel:  Sige, Ciara say whe... 

Hindi natapos ni  Miguel ang sasabihin niya, nakita nya ng ibato ni Maine and unang dart pins. Wala siyang nagawa kundi iwasan ito. Nakita din nya na nakapikit si Maine ng ibato ang pangalawa muntik na ang tenga nya.

Ciara:  Maine... No! 

At ibinato ni Maine ang huling dart pin  huli na para maiwasan pa kaya iniharang ni Miguel ang braso nya sa kanyang mukha.  Mabuti na lang  hindi masyadong matalim ang dulo ng dartpin kaya gasgas lang ang inabot niya. Tinalikuran ni Maine si Miguel lumapit sa bar at umorder ng SMBLight sub zero.  Kinuha ang bote tinungga ang kalahati at naupo sa pinakamalayong lamesa sa grupo na nasa dulo. Umupo ito ng nakatalikod sa kanila. Lumapit yung waiter kay Miguel nakita nito na may gasgas ang braso nito. Umiling lang ito humingi ng beer at pinuntahan si Maine.

Ciara:  Ms. P okay na po ba sila?

Ngumiti si Pia at nakipag high five kay Frank.

Pia:  Don't worry guys, ok na yan. Pabayaan nyo lang maguusap lang yan.

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon