Chapter 13 - Friendship Goals

4.1K 189 12
                                    

Natapos na ni RJ at Maine lahat ang dapat gawin. Luto na ang pasta,nafry na din ang fish sticks at calamari, pati mga dip nagawa na ni Maine.  Pero yung garlic bread hindi pa  kasi  ayaw itoast ni Maine until later dahil titigas daw. Pero nakasalansan na ito sa pan sa loob ng oven. Inayos nila ang table na parang buffet style.  They put empty platter para sa chicken na dadalhin ni Miggy and they agreed na ang pizza don na lang dulo ng table.  Their buffet table looked good. Then biglang may naalala si Maine.

Maine:  Ay, walang flowers at cake.  Wait, bibili muna ako.

RJ:  I had a cake made nandon sa ref at ako na bibili ng flowers. Pahinga ka na don sa isang room.

Sinamahan ni RJ si Maine sa room na nasa dulo. Binuksan ang pinto, pumasok sa loob at binuksan ang aircon. 

RJ:  Pahinga ka na muna, if you wanted to take a shower, kumpleto naman ng gamit sa banyo.  May towel dyan sa cabinet. 

Maine:  Sure ka.  Hindi ba nakakahiya?

RJ:  Kanino ka mahihiya eh dadalawa lang tayo dito. At hindi ko ipapagamit itong room sa yo kung hindi pwede kaya sige na pahinga ka na. It's just 4:30, mga 7 or 7:30 pa magdadatingan yung mga yon.

Maine:  Sige thanks!  Don't forget the flowers, yung colorful... malaysian mumps tsaka white and pink roses tsaka carnation.

RJ:  Ok sige ako ng bahala.

Maine:  Kunin ko muna yung gamit ko, paki lock yung door and bring the keys kasi baka makatulog ako hindi kita mapagbuksan.

Ngumiti at tumango si RJ at umalis na.  Si Maine bitbit ang knapsack na pumasok sa kwarto.  Nagquick shower.  Nagpalit ng shorts at t-shirt, nagpatuyo ng buhok at nahiga sa kama.  Sa sobrang pagod mabilis syang nakatulog.  RJ took his time out.  Hindi siya nagmadali, gusto lang nyang bigyan  ng time si Maine para makapagpahinga.  Naalala nyang bumili ng white at red wine para kung may hindi talagang umiinom sa girls pwede na yon. Pumunta sya sa isang flower shop. Pumili sya ng  6 na white roses, 6 na pink roses, isang tali ng assorted malaysian mumps at isang tali ng carnation, pumili din sya ng vase. Naisip nya kasi walang flower base sa condo ni Matt. Natuwa siya ng makita nya ang flower arrangement. Nasabi niya sa sarili, "Good job Tisoy! Magugustuhan ni Maine yan."

Nakabalik siya sa condo ni Matt after 45 minutes.  Dahan dahan nyang binuksan ang pinto, tahimik na sa buong lugar kaya alam niya na nagpapahinga na si Maine.  Inilagay na niya sa table ang flower arrangement. Kinuha ang phone sa bulsa at kinuhanan ng litrato.  Bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto na tinulugan ni Maine. Pumasok si RJ at nakita nyang tulog na tulog ang dalaga.  Kumuha siya ng kumot sa loob ng cabinet at kinumutan ito.  Naupo ito sa kama at pinagmasdan ang natutulog na dalaga.  Sinabi nya sa sarili, "Mukhang bata pa talaga ang mukha nya, who would think at a young age nagmahal at nasaktan na sya. Eh dapat sa kanya inaalagaan." Bumulong ito sa hangin, "Oo naman Maine, friends tayo."  Binuksan nya ang cabinet, kumuha ng damit niya at hinanap nya ang twalya. Wala yung blue kaya yung puti na lang ang kinuha niya.  Pumunta sa banyo at kinuha yung toothbrush at sabon at nagtungo sa kwarto ni Matt at doon naligo.  Pagkaligo nahiga din siya sa kama at naidlip.

Nagising si RJ sa ring na galing sa celphone nya. Sinagot nya ito, si Matthew pinabubuksan ang pinto. Nagulat si RJ, nagmamadaling lumabas ng kwarto at pinagbuksan si Matt.

RJ: Bro sorry nakatulog ako eh, kanina ka pa?  Naiwan mo ba susi mo?

Matthew:  Oo eh kakamadali ko kanina naiwan ko. kadarating ko lang,  nagdoorbell ako ones walang nagbukas naisip ko baka lumabas ka kaya tinawagan kita.

Matthew:  Wow, ang ganda naman ng  buffet table, may flowers pa talaga. Nasan si Maine?

RJ: Nandon sa kwarto sa dulo, natutulog. Speaking of... teka ayusin ko kama mo, don ako natulog eh.

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon