Chapter 6 - New Beginnings

4.1K 167 3
                                    

Katulad ng bawat weekend na wala syang flight, nauubos ang oras ni RJ sa pagaasikaso sa business na itanayo nya kasama ang kaibigang si Joe.  Isang restaurant sa Tagaytay.  Maganda naman ang kita ng naturang lugar.  Palagi nga daw maraming tao lalo na ngayong bakasyon.  Magsasara na sila ng gabing yon at nakakuha din siya ng oras para maupo at tignan ang magandang tanawin na nasa gilid ng restaurant.  Sa pagkakataong ito naalala nya ang kanyang Ina. Maagang namayapa ang nanay nya.  At simula noon ay inako na ni RJ ang pagtulong sa kanyang pamilya dahil may sarili ng pamilya ang kuya niya at nagaaral pa ang bunsong kapatid na babae, si  Rizza.  Maayos naman ang buhay nila pero marami pa syang gustong gawin, tulad ng pagpapagawa ng bahay nila; bumili ng sasakyan at kung ano-ano pa. Naisip nya mabuti na lang si Rizza, hind pa nakakaisip magka-boyfriend. Speaking of boyfriend, ang bata pa pala ni Maine ng maging bf nito si Miggy.  At mabuti na lang si Rizza hindi katulad ni Maine na maagang nasaktan.  Katulad nya nung high school din unang natutong magmahal.  Yun lang at wala na hanggang ngayon. Bigla nyang naisip "teka Ricardo bakit kay Maine mo ikinukumpara si Rizza? saan nanggaling yon?"  Nang biglang nyang nakitang tumatakbo palapit sa kanya si Rizza at niyakap sya nito

Rizza:  Hi, Kuya! Kamusta? 

RJ:  Oh bakit nandito ka? Kasama mo si Daddy?

Daddy Richard:  Hijo! Kamusta?

Tumayo si RJ lumapit sa ama nagmano at bahagyang niyakap ito.

RJ:  Dad, bakit nandito kayo? San ba kayo galing?

Daddy Richard:  Kanina pa kami dito sa Tagaytay. Eto kasing si Rizza nagdahilan pa na titignan kung naririto ka yun pala naman magkikita sila ng mga kaklase nya dito. Dito kami nananghalian kanina tapos sinamahan ko silang mamasyal.  Sabi ko dumaan na kami dito para kung nandito ka eh di sabay na tayong umuwi.

RJ: Ikaw ha, kunyari ka pa. Nagenjoy ba naman kayo ng mga kaklase mo?

Rizza:  Oo kuya, nagandahan sila dito at nagustuhan nila ang pagkain dito. Bakit nandito ka sa labas? San sila kuya Joe?

RJ:  Nagpapahinga lang, tapos naman na kaming magligpit at nagsasara na lang sila ng kaha kaya naupo muna ako dito. Masarap ang hangin at maganda ang tanawin.

Rizza:  Kuya pwede pa bang umorder ng drinks nauuhaw na ako eh.p

RJ:  Sige kuha mo din kami ni Dad ng kalamansi juice. (tiningnan ang kapatid habang naglalakad itong palayo at bumuntunghininga)

Daddy Richard:  May problema ba nak? Ang lalim ng buntunghininga mo eh

RJ:  Ay wala naman po may naalala lang.  Dad, si Rizza wala pa naman pong boyfriend no?

Natawa ang tatay nya.  

Daddy Richard:  Nagaalala ka ba sa kapatid mo?  Hwag kang magalala nagusap naman kami niyan. Magsasabi naman yan kung sakaling may manliligaw sa kanya kasi hindi ko naman pinagbabawalan. Bakit mo naman biglang naisip yan?

RJ:  Naisip ko lang Dad mabuti si Rizza at nawiwili sa pagaaral at hindi pa nagkaboyfriend at nasaktan kasi po malaki ang epekto non sa tao.

Daddy Richard:  Oo naman kapag nasaktan ang puso pwedeng magbago ang pagkatao, nagkakaphobia, natatakot. Bakit may kaibigan ka bang ganyan?

RJ: Meron Dad, actually may mga bago kaming kaibigan ni Matthew, hindi na kami all boys dad, may mga girls na din. Mga bagong Flight Attendant. Naalala mo ba si Miggy? 

Daddy Richard:  Oo naman, yung magaling maggitara kasama mo nung piyesta.

RJ: Yun nga po, Ex-gf nya yung isa sa mga bagong kaibigan namin. Bad break up at nagkagulatan sila nung magkita sa office. 

Daddy Richard:  At sya yung sinasabi mo na nasaktan at nagbago ang pagkatao.  So, si miggy ang nakasakit sa kanya?

RJ:  Sadly, oo dad. Pero bata pa sila non. High School pa pero kita naman kay Miggy na minahal nya talaga. Malaki na ang pinagbago ni Miggy. 

Daddy Richard:  Ah ok, nakakalungkot nga naman pero nak hindi naman lahat ng relasyon natatapos sa bad break up eh. Nasa tao lang din yon. Ikaw ba nak, wala pang gf?

RJ:  As if may oras ako para sa mga ganyan?

Daddy Richard: Bakit wala? May trabaho ka, may negosyo, maayos ang buhay.  Eh bakit hindi ka maghanap ng gf?

RJ:  Hinahanap ba yon dad? Di ba dapat kusang dumadating yon. Eh wala namang dumadating so wala.

Daddy Richard: Walang dumadating o baka naman dumating na hindi mo lang napansin?

RJ: Sino? Asan? Dad ano naman ibig mong sabihin?

Daddy Richard:  Yung mga bago mong kaibigan na babae baka naman nasa kanila na yung hinihintay mo. Malay  mo di ba?

             *******************************************

Sa Maynila naman, nakapaglipat na ng bahay si Maine at Ciara.  Tinulungan sila ni Frank, Miggy at James.

Maine:  Capt. Frank, thank you talaga ha.  Ang hirap kaya umuwi araw-araw ng Bulacan.  Buti na lang may available na unit dito sa lugar ni Ms. Pia at malapit pa sa Office.

Frank:  Walang problema basta kayo, malakas kayo sa akin eh.

James:  Bakit nga ba makalas sila sa yo, Kuya Frank? Dahil kay Ms. Pia no?

Ciara: Bakit HD (Hidden Desire) ba si Sir Frank kay Ms. P?

James:  Hindi ba obvious?

Maine: Hindi nga?

Miggy: Oo nga Dei!

Frank: Hoy, hinayupak kayong dalawa. Mamaya maniwala sila. May asawa at anak na ako ganon din si Pia.

Maine:  Pero Crush mo Sir?

Ciara:  Uuuuyyyy si Sir.

Nagtawanan silang lahat.  

Frank:  Ako na naman nakita nyo. Huwag nga ako ang pinagtitripan ninyo. Etong si James na lang malakas ang tama kay Patricia. 

Ciara:  Totoo James?

Namula si James at napakamot sa batok.

Maine: Hala siya. Tinamaan nga ata nagbablush eh.

Ciara:  Si Matthew ba may girlfriend na Sir?

Frank: Bakit Ciara, interesado ka no? Wala pa, masyadong seryoso sa trabaho eh. Parang si RJ.

Ciara:  Nagtatanong lang Sir, gwapo at mabait naman bakit walang gf. Baka bad breath?!

Maine:  Grabe ka kay Matt, Ciara ha. Sir, suplado naman yung RJ eh.

Miggy:  Bakit pinagtatanggol mo, type mo si Matthew, Dei? Mabait si RJ parang ako.

Maine:  Bakit nagseselos ka Migs? Mabait ikaw? Saang banda?

Miggy:  Hindi no, pangit mong yan?! Ayoko na sa yo no, may type akong iba

Maine: lalo ka na Simang! Uuuyyy hulaan ko nandito ba sya ngayon?

Frank:  Oo nga Miggy, nandito ba yung type mo? 

Namula si Ciara pero hindi nagsalita.  Tumingin lang si Miguel.  Nagtawanan si Maine at Frank.

Maine:  Ok lang sa akin kung si Kia type mo Migs. Bagay kayo.

Miggy: Tse! Ayusin mo na nga lang yang mga libro mo sa cabinet, dami mong sinasabi eh.

Napangiti lang si Ciara at napaisip... "ako nga kaya type ni Miggy?"



























Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon