Chapter 12- Friends?

4K 190 4
                                    

Sabado ng umaga, tinanghali ng gising si RJ, nagmamadali itong nagbihis ng  jeans,  superman t-shirt at  sneakers.  kailangan pa nyang dumaan sa grocery bago pumunta sa  Condo ni Matthew. Tinignan  nya ang cellphone kung may message, pero wala naman. Nagaalala lang sya na baka pumunta si Maine sa condo ni Matthew at walang tao. Sabi kasi ni Maine before lunch sya dadating eh 10:30 na nasa sariling condo pa niya si RJ.  Nakarating siya sa Puregold sa may Multinational ng 11:10  ito ang pinaka malapit na grocery sa Luxureville Condominium kung saan nakatira si Matthew.

Pagpasok kumuha siya ng cart at patungo na sa section kung saan nandon ang mga paper plates sa kakamadali nya hindi nya napansin na may paparating na cart galing sa aisle sa kanan nya nabungo nya ito.

Maine: Ay! ano ba naman yan! 

RJ:  Sorry, Miss! Nagmamadali lang ako hindi kita napansin

Maine at RJ:  Ikaw na naman?!

Nagtawanan sila.

RJ:  Anong ginagawa mo dito?

Maine: Obvious ba naggo-grocery.

RJ:  I mean bakit dito? 

Maine:  Tinanong ko kasi kay Matt kung may malapit na grocery kasi magcocomute lang ako, para kung magtataxi ako malapit lang papunta sa condo nya.

RJ:   Ah ok, eh di mabuti nagkita tayo para may katulong kang magbitbit ng pinamili mo at hindi mo na kailangang magtaxi kasi may sasakyan naman ako.

Maine:  Eh ikaw bat nandito ka, eh di ba ikaw lang naman ang bahala sa lugar?

RJ:  Oo, that means lahat ng gamit na kailangan so bibili ako ng paper plates, spoon and fork, plastic cups, table napkins, tissue, kitchen towel at garbage bags.  I need to make sure na maraming mineral water at ice. Tapos nagpahabol pa si Matt nung gagawin nyang veggie salad

Maine: Ah ok, patapos naman na ako eh. I got everything for the pasta pero gusto ko sanang magluto fish or calamari with dip. Palagay mo? Tsaka may oven toaster kaya si Matt para bumili na din ng garlic bread.

RJ: Oy, masarap yun. Oo may oven toaster sya. 

Maine:  Ganito na lang, go get what you need tapos magkita na lang tayo sa counter para mapabilis tayo. 

RJ:  Sige, sige . Later!  

Naghiwalay na nga sila. Mayamaya nagtext si RJ

Gentleman: Chef, ano nga yung sa salad?  lettuce, cucumber, karrots, tomatoes, onion, ano pa?

Emergency:  ham and cheese tsaka yung dip

Gentleman:  Anong klaseng dip ang dami dito iba iba eh

Emergency: Thousand Island and Ranch na lang kunin mo

Gentleman: Ok, got it chef.  Nasa counter ka na?

Emergency:  Opo, counter 12, bilisan mo para ikaw na kasunod ko.

Nagbabayad na si Maine eksakto namang dating ni RJ, may mauuna pa sanang babae kay RJ pero nauna yung kart ni RJ, nagsmile ito ng pagkasweet sabay sabi ng sorry at pinabayaan na siyang mauna ng babae. Bumulong si Maine sa kanya

Maine: Dinaan mo sa ngiti si Ate ha

RJ:  sometimes it works, sometimes it doesn't eh swerte mabait si ate.

Nagtawanan sila. Pinalagay nila sa isang cart ang pinamili at sabay ng  nagpunta sa carpark. Nagtulong sila sa paglalagay ng mga pinamili nila at sumakay na ng sasakyan.  After 20 mins. nasa  Luxerville na sila. Impress si Maine sa condo ni Matthew. Nagkwentuhan ang dalawa habang inilalabas ang mga pinamili sa ibabaw ng working table sa kitchen.

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon