Chapter 31 - Ang lihim

3.8K 169 2
                                    

Napatigil sa pagkukwento si Maine ng marinig nya ang boses ni Miggy.

Miggy: Ready na ba kayong magkamay? Masarap ang luto ni Mama na bulanglang, inihaw na bangus at hilabos na sugpo.

RJ: Wow, grabe ang lalaki ng sugpo at ang gulay sariwang sariwa.

Tumayo si Maine, hinila si Ciara at RJ. Itinuro ang puno ng Mangga sa dulo ng bukid.

Maine: Nakikita nyo yung puno ng Mangga na yon sa malayo? Yan ang dulo ng bukirin nila Miggy. Yung nasa dulong yon ang gulayan at ang kalahati hanggan dyan sa tinutumbok ng kubo na yan ay palayan. Kila Miggy ang buong bukirin na ito.

Nakatingin si RJ kay Maine, ang nakikita niya rito ay ang 15 years old na Maine noon, proud na proud kay Miggy at masaya silang nandito sa bukid. Nagpaikot-ikot ito. Bago ito natumba, tinapik ito ni Miggy sa balikat.

Maine: Miguel ang daya mo! Tumakbo si Miggy palayo sa dalaga.

Miggy: Anong tinatayo-tayo mo dyan Mendoza, manaya ka! Ayan si RJ o ang lapit lang.

Tumakbo si Maine papunta kay RJ, nagulat ito at medyo napahinto, inabutan ni Maine. Tinaya ito ni Maine at nagtatakbo na ito, tawa lang ng tawa si Ciara, biglang nilapitan siya ni RJ

RJ: anong tinatawa-tawa mo? damay-damay na to!

At tinaya nito si Ciara at tumakbo na. Hinabol ni Ciara si Miggy, nagpahuli naman ito. Hinabol nito si RJ at nataya. Hinabol ni RJ si Maine, nagpaikot ikot ang dalawa, hindi maabutan ni RJ si Maine. Tawa ng tawa si Miggy at Ciara. Nakailang hinto si RJ at Maine para magpahinga tapos habulan na naman.

Miggy: Hindi mo aabutan yan RJ champion sa takbuhan yan!

Napatigil si Maine ng marinig ang sigaw ng Nanay ni Miggy.

Mama Amy: Dyaskeng mga tao ito, nagbabalik sa pagkabata, pagkainit-init tsaka kayo naghahabulan. Parine nga kayo at magpahinga at kakain na.

Nagulat si Maine ng makita nyang malapit na si RJ sa kanya. Bago pa sya nakatakbo ay nayakap sya ni RJ sa beywang.

RJ: Huli ka! Akala mo hindi kita aabutan ha! (Binuhat sya nito! Tawanan sila ng tawanan. Nakita ng Nanay ni Miggy ang pagbuhat ni RJ kay Maine.)

Mama Amy: Miguel, yan ba ang bagong kasintahan ni Dei?

Miggy: Sana nga Ma, magdilang anghel ka sana.

Maine: Ibaba mo na ako RJ, sige na panalo ka na.

Ibinaba ni RJ si Maine, at inakbayan ito dahil hinihingal na sya. Nakaakbay si RJ kay Maine habang naglalakad ito pabalik sa Kubo. Hindi na ito napansin ni Maine sa sobrang pagod. Humihingal ito sa kakatawa at kakatakbo, naramdaman nito na nagpapalpitate ang heartbeat nya. Naupo ito, hinawakan ang pulso na parang nagbibilang, pinilit maubo ng ilang ulit na parang may kung anong nakabara na gusto nitong ilabas.  Non na napansin ni Miggy na parang kinakapos si Maine ng paghinga.  

Miggy:  Ate My abutan mo ng yelo si Maine. Humihiyaw na sabi nito sabay tumakbo papunta sa kotse kinuha ang bag ni Maine. Nagulat ang lahat pero nanatili naman silang kalmado. Lumapit si RJ kay Maine

RJ: Maine, ok ka lang?

Tumalikod ito at naglakad papunta sa loob ng kubo. Dumukot ng yelo si Myra sa Pitchel. Maine eto ang yelo kinuha ni Maine ang yelo at ipinasok sa loob ng blouse nito na parang iminamasahe sa dibdib.

Myra: Miguel bilisan mo, nangingitim na ng labi nya!

Papasok sana si RJ sa kubo.

Miggy: RJ wag! Eto na Maine, eto na!

Maine: Mi-gs pa...a.. li... sin mo si... la

Miggy: RJ, Ciara don muna kayo sa kabilang side.

Pero bago umalis si RJ nakita nya na inihiga nito si Maine, inilagay sa ibabaw ng bibig at ilong nito ang isang plastic mask na may nakakabit na maliit na tank. Nakita din niya na minasahe ni Miggy ang dibdib ni Maine. 

Walang nagawa si RJ kung hindi tumalikod at napaupo na lang sa papag. Hinawakan siya ni Mama Amy sa balikat, 

Mama Amy:  wag kang magalala anak, alam ni Miguel ang ginagawa niya. Magiging maayos na yan si Dei maya-maya. 

Mga bente minutos din na tumagal na tahimik sa loob ng kubo.

Miggy:  Ok na siya, Ate Myra, pakuha na lang ng dalawang unan at electric fan.

Tumayo si RJ.

RJ:  Ate My, samahan na kita.

Bitbit ni RJ ang electic fan at Unan, lumapit ito kay Miggy.

Miggy:  Paki na lang bro,  pasok mo dito sa loob, may saksakan dyan tapos itapat mo na lang sa kanya. Yung unan pagpatungin mo at ilagay sa ilalim ng likod at ulo nya.

Inangat ni RJ ang ulo at likod ni Maine, habang pinupulsuhan siya ni Miggy. Dinukot ni RJ ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang butil-butil na pawis sa noo, mukha at leeg ng dalaga.

Miggy:  Ok na ang pulse rate nya, magpapahinga lang yan ng konti, mamaya makikipaghabulan na naman yan.

Nagmulat ng mata si Maine, inalis ang mask sa bibig.

Maine:  Miggy, salamat ha. Sige na kumain na kayo. Magpapahinga lang ako.

Ibinalik ni Maine ang mask. Bumaba nang kubo si Miggy at sinabi sa lahat na ok na at sinabi ni Maine na kumain na sila. Lumapit si Miggy kay Ciara

Miggy: Ok ka lang? natakot ka ba?

Ciara:  nagulat lang naman. Basta ok na sya, ok na din ako. Kain na tayo, magagalit yun kapag hindi pa tayo kumain eh.

Miggy: Oo nga, kainan na. Huwag nyo pansinin yan si Mendoza, KSP lang yan. Uubusan kita ng sugpo kapag hindi ka pa bumangon dyan.

Nangingiti si Maine sa narinig na sinabi ni Miggy. Umupo si RJ sa tabi ng nakahigang si Maine.

RJ: Ok na ba yang Unan? Tumango si Maine.

RJ:  Masakit pa  ba ang dibdib mo? Umiling naman ito.

RJ:  Sige magpahinga ka na dito lang ako.

Inalis ulit ang mask sa bibig.

Maine: Kumain ka na sige na uubusan ako ni Miggy ng sugpo. Ipagtabi mo ako.  Ok na ako promise.

Ngumiti ito kay RJ. Nakampate naman ang binata. Bumaba na ng kubo, kumuha ng pagkain at doon naupo sa may pinto ng kubo para nakikita nya si Maine. Pinagmamasdan nya ito habang nakapikit, Napatingin siya sa dibdib nito. Mukha namang maayos na ang paghinga nya eh.

Matapos kumain. Ipinaglagay ni RJ ng pagkain si Maine sa isang pinggan: konting kanin, bulanglang at 4 na sugpo na binalatan na at tinakpan ito. Nagligpit na sila ng kinainan at iniwan nila ang isang pichel na puno ng tubig at yelo at isang  baso para kay Maine.  Pabalik na sila sa kubo, may dalang pakwang malamig ng makita nila si Maine nakatayo sa loob ng kubo.

Ngumiti ito sa kanila at ang sabi "nagugutom na ako san ang pagkain."  Parang walang nangyari dito. Nagiisip si RJ habang palapit sa dalaga, " Ano pa ba ang hindi ko alam tungkol sa yo, lalo tuloy kitang gustong alagaan eh."






Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon