Chapter 55 - The Decision

3.8K 155 7
                                    

Lulan ng Van ng Tatay Teddy niya, ang alam ng mga magulang nya ay tahimik lang na nakikinig sa music si Maine sa kanyang cellphone. Pero ang totoo nagiisip ito, isa-isa nyang iniisip ang lahat ng kailangan nyang asikasuhin. Mula sa Restaurant, sa  kanyang trabaho, pamilya at kaibigan. Isang plano ang nabubuo sa isip niya  na idinadalangin nyang maayos nyang maisakatuparan sa lalong madaling panahon.

Nakarating sila sa Resto ng bandang alas tres ng hapon. Ipinakilala nya sa kasosyo ni RJ na sila  Joe at Gemma ang Nanay at Tatay nya. Naupo sila sa isang mesa.

Maine: Joe, Gem. Eto yung plano ng Kitchen am sure naipadala na sa inyo ni RJ, may mga gusto pa ba kayong idagdag?

Joe:  Wala na, I think that design of yours would be a very effective kitchen. Ang kailangan lang naman talaga natin maimplement sya in a low budget kasi, ayaw namin na mabawasan yung current operational budget at mapunta sa renovation.

Maine:  That is why dinala ko si Mang Dante. I am sure hindi niya tayo tatagain sa presyo because he is a family friend.

Gemma:  Thanks Maine. 

Maine:  Kung ok lang sa inyo, habang gumagawa si Mang Dante, dito na siya matutulog. Since 11 pa nagoopen ang Resto, pwede syang magtrabaho sa umaga at pagkasara natin sa gabi. Para tulog siya sa araw. 6am to 10am tapos after closing from 11pm to 4am sya gagawa.  Tsaka para daily makikita ninyo yung natatapos at kung may  mga kailangan sya masasabi nya sa inyo agad.

Joe:  Walang problema yun, pinoproblema nga namin yan kung pano mapapadali kasi kapag weekend lang gagawin aabutin ng matagal bago matapos eh bumabayad tayo ng renta dyan sa kabila.

Kinausap ni Maine at Joe si Mang Dante at sinabi kung ano ang gusto nilang mangyari sa working table. Pagkatapos kausapin si Mang Dante niyaya ni Maine si Joe at Gemma sa bandang likod ng Restaurant.

Maine:  Sabi ni RJ hindi pa sure kung papayag yung owner na galawin ang structure?

Joe:  Oo, may meeting pa ako para ipakita sa kanya itong kitchen plan.

Maine:  Eto ang suggestion ko, tignan mo itong likod. Maluwag di ba, yang sukat nyan tingin ko kakasya sa size ng kitchen, icheck mo. Kung makitid ng bahagya, mahaba naman di ba?

Gemma:  Oo nga tingin ko din.

Joe:  Tama ka Maine, makitid ng bahagya pero mahaba. 

Maine: If that is the case, itanong mo na lang kung pwede natin iextend dito sa likod to be used for the kitchen para hindi na natin galawin yung structure nya. Hindi din natin kailangang butasin kasi pwede naman nating lagyan ng pinto yung magkabilang gilid. At  kung makitid, yung lababo ilagay sa gilid ng pinto. Palagay mo?

Joe: Tama ka, its her choice and am sure mas papayag sya sa extension. Good Job Maine!

Gemma:  Pakasal na kasi kayo ni RJ para kasama ka na namin dito.

Maine: Two years pa ata eh.  Until that, I will always try to help.

Matapos makipagusap, pumunta na sa loob kung saan nandon ang magulang. Eksakto namang dumating ang inorder nilang pagkain. Kinuha ni Maine ang lemonade at sumilip sa kusina para kamustahin ang mga tao don. Mayamaya pa ay dumating si Daddy Richard, nagmano sya dito at dinala ito sa mesa ng mga magulang. Pinabayaan nya munang makapagkwentuhan ang mga ito, kumain at makapagpahinga. Habang naghuhuntahan at kumakain ang mga ito pinuntahan ni Maine si Joe at Gemma sa loob ng opisina.

Maine:  Gusto ko sana kayong makausap ng sarilinan. 

Joe:  Halika, upo ka.

Maine:  Joe, Gemma alam kong kakailanganin ninyo ng pera  para sa gusto nating mangyari sa Kitchen.  Alam kong tatangihan ni RJ ang iaalok ko kapag sa kanya ko sinabi kaya sa inyo na ako lumapit. Inilabas ni Maine ang isang envelope na may cheke na Five Hundred Thousand Pesos.  It's not much to share para maging kasosyo ng business na ito so, kung ok sa inyo. Ipapahiram ko sa inyo. Kung maging maganda ang negosyo kahit 10% interest ok na sa akin. Kung hindi naman, mabalik lang sa akin ang pera in 2 to 3 years, ok na sa akin. Sabihin nyo na lang kay RJ na magdadagdag kayo ng puhunan. 

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon