Chapter 24 - Spontaneous

3.8K 181 3
                                    

Pagpasok nila sa Restaurant binati sila ng mga Staff.  Lumapit ang Head Waiter kay RJ. 

HW:  Good afternoon sir! Nakaalis na po sila Sir Joe at Ma'am Gemma.

RJ:  Kamusta kayo dito? 

HW:  Puno naman Sir kaya lang medyo mabagal sa kitchen eh, naiinip ang customers eh. Hindi na nga kami nagpapasok ng madaming waiting eh.

RJ:  Mga kaibigan ko sila, Jeffrey. Hanapan mo sila ng mauupuan. 

Maine:  Huwag na Jeffrey, magiikot na lang muna kami sa labas. Sige na, do what you need to do RJ. Okay lang kami.

RJ:  Sure kayo ha?  Sandali lang punta lang ako sa kitchen.

Niyaya ni Maine sa labas ang mga kabarkada

Maine: Umikot nga tayo magobserve parang may problema eh.

Miggy:  Ok sige

 Nagikot naman ang magkakaibigan.  Binati ang mga customers, tinanong kung nakaorder na. Humingi sila ng pasensya sa mga customers  at sinabing titignan nila ang magagawa nila.

Maine:  Halos lahat mga nakaorder na so medyo mabagal sa kusina.

Ciara:  Tapos naiinip na sa kakaintay.

Patricia:  Anong gagawin natin? Paano tayo makakatulong? 

Maine:  Kung may gitara lang sana

James:  Meron sa likod ng Van, kunin ko.

Maine: Ciara nasan yung binili nating madaming  kropek?

Ciara:  Nasa Van, kunin ko sandali.

Patricia:  Parang alam ko na ang gagawin ko.  

Miggy:  Teka-teka mukhang mapapasubo na naman ako nito eh

Maine:  Sige na Miggy, please

Bumalik si Ciara at James, ibinigay kay Miggy ang gitara at ang Kropek kay Maine.

James:  Don't worry, we got your back Miggy.

Tinawag ni Maine ang Head Waiter.

Maine:  Jeffrey, I need you to put this on plates tapos lagyan mo lahat ng table.  Para kahit naghihintay yung mga tao hindi naiinip. Paikutin mo din lahat ng Waiter to put water on the customers glasses.

Waiter:  Ok po Ma'am.

Pumasok ang Waiter dala ang Kropek, nagulat si RJ.  

RJ:  Ano yan?  

HW:  Binigay po nung kaibigan nyo, lagyan daw ng  tig-iisang plato bawat table at ng tubig bawat baso ng customer.  

RJ:  Sinong kaibigan?

HW:  Yun pong nakapolong puti.  Para daw po hindi mainip yung mga customer.  Ano Sir?!

RJ:  Oo sige, gawin mo ang sinasabi niya.

Lumakad si Patricia papunta sa gitna ng mga lamesa.

Patricia: Good morning everyone, My name is Patricia, konting pasensya lang po sa delay ng food pero I am sure niluluto na at it is worth waiting for. So while you are waiting, we would like to give you a little treat.  Please give a round of applause to Capt. Miguel Rodriguez, isa po syang singing Pilot ng Icon Airways and a friend of the owner.

Nagpalakpakan naman yung mga tao. Narinig ni RJ ang palakpakan. Lumabas ito para silipin kung ano ang nangyayari.

Hawak ang gitara, hinila ni Miggy is Ciara at naupo sila sa isa sa mga bench na nasa gilid ng halaman. 

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon