Chapter 54 - The Unexpected

4.3K 162 5
                                    

Nang kasunod na buwan naging busy nga silang lahat.  Ang mga girls sa sunod-sunod nilang mga Flights.  Sina Miggy at James naghahanda para sa deliberation para sa pagiging Captain.  Si Matthew kinukumpleto yung flight requirements niya para maging Flight Captain. Si RJ nagGround Schooling for Senior Captain. May interview at exam siya in the next two weeks. Pagkatapos non Deliberation din nya. Idagdag pa ang pag eextend ng restaurant ni RJ, nirentahan na din nya yung katabing coffee shop at nagextend.  Kapag wala namang flight si RJ, nagpupunta sya sa restaurant.  Kaya kung magkita sila ni RJ, kain sa labas ng 1 oras o kaya naman sa Pilot/FA's Lounge. 

Sa sobrang pagkaabala sa trabaho,  hindi na napansin ni Maine na hindi pala siya dinatnan ng buwan na yon. Hanggang isang araw nagising ito alas sinko ng umaga na nasusuka.  Inisip nya na nalamigan lang siguro ang sikmura nya.  Uminom na lang sya ng maligamgam na tubig. Kinabukasan ganon na naman  ng sumunod na dalawang araw ay ganon pa din at may mga oras din na masakit ang kanyang boobs,  kinakabahan na si Maine. Nagonline sa internet at nagbasa tungkol sa symptoms ng pagbubuntis.  Tinignan nya ang kalendaryo sa kwarto nya, non nya napansin na wala siyang binilugan na date na nagkaron sya ng nagdaang buwan.  Inisip nya, "16 yung anniversary nila,  limang araw bago ang regular menstrual date nya. Dapat safe pa yun di ba? Pero yung 17 at 18 baka hindi na. Pero sabi sa mga nabasa nya 5 to 10 days before  safe eh?" Nagmamadali siyang nagpunta ng convenient store, bumili ng pregnancy test kit. Gusto nyang makasiguro kaya, tatlo ang binili nya.

Pagbalik nya sa Condo, dere-deretso sya sa banyo. Ilang sandali pa lumabas ito bitbit ang tatlong pregnancy test, inilagay sa ibabaw ng dining table, inilock ang main door at baka biglang dumating si Ciara, kumuha ng tubig at naupo, nagintay ng oras.  Makalipas ang sampung minuto, isa-isa nyang tinignan. Dalawang pulang linya... napasandal siya sa silya at nagsimulang tumulo ang luha niya. Napahawak sa puson at bumulong...

Maine:  Pano ba to baby, wrong timing yata tayo eh. Masaya sya dahil syempre sigurado naman syang anak nila ni RJ ang nasa sinapupunan niya. Sigurado din  syang matutuwa si RJ kapag nalamang buntis siya. At sigurado din siyang ititigil ni RJ lahat ng balak nito sa buhay niya para sa kanila, yun ang ikinalulungkot niya.  Dahil dalawang buwan na lang may chance na maging Senior Captain na ito, at nagsisimula ng lumaki ang restaurant nito. Napabuntunghininga si Maine. Naalala nya yung araw na na sinabi ni RJ na dalawang taon lang ang hinihingi ni RJ at pakakasalan siya nito. Napaiyak na lang ulit ang dalaga. Naguguluhan at hindi alam ang gagawin. Bumalik ito sa kama at doon pinalaya ang emosyon, umiyak lang sya ng umiyak habang kinakausap ang nasa sinapupunan niya na para bang maririnig siya nito...

Maine:  Baby, wag mong isipin na nalulungkot si Mommy dahil sa yo, masaya ako, masayang masaya. Kasi alam kong magiging kasing cute ka at kasing galing ng Papa mo. Pero, kawawa naman si Papa kasi kapag nalaman nya ang tungkol sa yo baka hindi na niya tuparin ang mga pangarap niya.

Nakatulugan na ni Maine ang pagiyak.  Makalipas ang 3 oras nagising siya sa tawag ni RJ. Sinagot nya ang cellphone.

Maine:  Hello?

RJ:  Hi Luv! Mukhang nakatulog ka ha, bedroom voice eh.

Maine:  Oo eh, nasan ka na?

RJ:  Nandito sa Lounge, may Ground Schooling ako in an hour di ba?

Maine:  Ay, oo nga.

RJ:  Namimiss na kita eh. 

Maine: I miss you too. 

At hindi napigilan ni Maine na maiyak, naalala nito ang nasa sinapupunan niya.

RJ:  Oh, bat ka umiiyak Luv?

Maine:  Wala, namimiss  lang talaga kita eh.

RJ:  Luv pasensya ka na ha. Kung pwede nga lang itigil ko na ito pero para sa atin din naman ito di ba.  Para mabilis matapos yung 2 years or para mapabilis.

Touching the skiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon